Chapter 4: Walang Kwenta

91 6 4
                                    

Denisse's POV

"Get one half crosswise and answer these as your seatwork!" Sabi ng aming Pre-calculus teacher na si Ma'am Benedicto.

"Lah!"

"Tsk! Anobayan!"

"Seatwork na naman!"

"Faster!" Sabi ni Ma'am pero mas lalong umatungal ang mga kaklase ko. Well, sa loob-loob ko ay ganoon din naman ang ginagawa ko.

"Ma'am pwede po bang isa pang example?" Sabi ni Lloyd.

"Eh kanina pa kayo hingi nang hingi ng example hindi naman kayo nakikinig!" Sagot ni Ma'am.

"Awww!"

"One half crosswise! Number one!" Pasimula ni Ma'am.

"Ma'am time na po!" Sigaw ni Jeffrey.

"It's only 9:45. May fifteen minutes pa Mr. Lauyan."

"Awww!"

"Ma'am assignment na lang po!" Si Sandy naman ang nagsabi.

"Come on class! This is very easy! Kaunting pahapyaw lang naman ito sa past lesson niyo noong Grade 10!"

"Awww!"

Umirap si Ma'am. "Tss. Stop that! Okay! Number one! Find the radius of the circle if the diameter is 36 cm."

Kaagad na nagsilabasan ang mga papel at nagsulat ng sagot. Napakadali ng question di'ba? Sabi nga ni Ma'am, kaunting pahapyaw lang naman ito ng past lesson namin. Pati kayo ay masasagot niyo 'yon.

"Number Two!..."





"Krrriiiiinnnggg!"

Kaagad na nagsitayuan ang mga classmate ko at ipinasa ang seatwork kay Ma'am. Tsk. Mas nauna pa nga silang lumabas eh.

"Hey, Denisse! Sabay na tayong lumabas!" Sabi ni Andrea at ikinawit ang braso sa akin.

"Sige."

"Excuse me?" Kaagad kaming napalingon sa likuran.

Napakunot ako ng noo habang tinitignan amg nakangiting si Prince Rayver Asuncion.

"Oh hi! Prince!" Kumaway si Andrea sa kanya.

"Hi!" Sinuklian miya rin ito ng ngiti. At dahil hindi naman talaga ako masyadong masalita sa mga taong hindi ko kaclose, hindi na lang rin ako nagsalita kahit na tumingin pa siya sa akin.

"Pwede bang sumabay ako sa inyo papuntang canteen?" Tanong niya nang nakangiti.

Kaagad na tumango si Andrea. "Sure! Sure! Halika na!"

"Thanks."

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang canteen at lahat ng madadaanan namin ay napapasulyap sa amin, well, kay Prince lang pala.

"Ang laki ng school na 'to, ano?" Napatingin pa ako sa kanya saglit bago umiwas ng tingin.

"Ah. Oo." Sagot ko. Katabi ko siya habang naglalakad kami. Nasa kanan ko si Andrea habang siya naman ay nasa kaliwa kaya obviously, nasa gitna ako.

"We're here!" Sambit ni Andrea nang makarating kami sa pintuan ng canteen.

Talaga namang napapasulyap at napapangiti ang ilang mga estudyante kay Prince. Iba na talaga kapag gwapo eh, 'no?

"Anong gusto niyo? My treat." Nakangiting sabi ni Prince kaya't kita ko ang paglawak ng ngiti ni Andrea.

"Wow! Really?! Are you sure?"

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon