Chapter 2: New Found Friend

101 5 0
                                    

Denisse's POV

Sa tagal-tagal kong paglalakad dito sa campus ay nahanap ko na din sa wakas ang room ko!

Nasa second floor iyon ng third building.

Nakasarado ang pintuan at bintana ng mga rooms dito dahil na rin siguro may aircon sa loob pero salamin naman ang mga bintana kaya't nakikita mo ang loob ng mga ito.

Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko roon ang mga nakaupong estudyante at may nakatayong guro sa harap. Huminga muna ako ng malalim bago katukin ang pintuan.

"Tok! Tok! Tok!"

Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan kaya't lahat sila ay napatingin sa akin.

"Good morning Ma'am. Sorry I'm late." Sabi ko habang nakayuko.

"And you are?"

"I'm Miss Denisse Rochelle Arellano, Ma'am."

Tumango siya. "Hmm. Come here in front of the class." Maawtoridad niyang sabi kaya't sumunod na lang ako. Iginala ko ang paningin ko at parang gusto kong manliit dahil sa mga tingin nila sa akin.

"Introduce yourself in front of the class. Name and what school are you from."

Tumango ako at huminga ng malalim.

"G-good morning. I'm Denisse Rochelle Arellano. I'm from Southwest National Highschool." Sambit ko.

"Hey, isn't that a public school?" Tanong ng isang babaeng may kolorete sa mukha at nakadekwatro ng pangbabae. Nakatingin siya sa akin at para bang naghihintay ng sagot ko.

Tumango na lang ako bilang tugon. Nagsimula nang umugong ang mga bulungan at mahihinang tawanan sa loob ng classroom.

"Class! Keep quiet!" Sita ng teacher. "Okay. Welcome to Broadway National Institute, Miss Arellano. You may sit down there, in the middle row. And may I remind you that next time, be here on the right time. Lates are strictly not allowed in this class. Understand?"

Tumango ako. "Yes Ma'am." Nagsimula na akong maglakad sa bakanteng upuan sa gitnang hanay gaya ng sinabi ng teacher.

"Okay! So Ms. Arellano is the only transferee here in class so I think there's no need for introductions, one by one. Kayo na ang bahalang magpakilala sa bago ninyong kaklase and be nice and friendly to her. Understand?"

"Yes ma'am!" Sabay-sabay nilang sagot.

Habang nagsasalita sa harap si Ma'am Aclo tungkol sa mga rules and regulations ng school, may kumalabit sa akin.

Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang nakangiting babae.

"Hi." Mahinang sabi niya.

Nginitian ko siya at bahagyang kumaway. "Hi din."

Dahan-dahan niyang inilapit ang upuan niya sa akin habang nakatalikod ang guro at nagsusulat sa blackboard.

"I'm Andrea Mitzi Thomas. You can call me Andrea, or Mitzi, but not Thomas." Sabi niya at bahagyang natawa.

Ngumiti ako. "Denisse naman ang pangalan ko."

"I know." Sabi niya at tumawa ulit.

Napakunot ako ng noo. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"And talking while discussions are on-going is not allowed in this class!" Malakas na sabi ni Ma'am kaya't gulat kaming dalawang napatingin sa kanya.

"Miss Arellano and Miss Thomas! You can continue your introductions later! Listen here first!" Sita ni Ma'am kaya't dali-daling ibinalik ni Andrea ang upuan niya sa ayos.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon