Denisse's POV
"Maganda ba talaga sa Jeju island?" Nakangiting tanong ni Andrea kay Prince.
Uwian na at kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng campus.
Hawak-hawak ko ang pasalubong ni Prince na bag at lamp kasama ang mga pagkain galing Korea.
Tumango si Prince. "Yup. It's very relaxing there. The sceneries make me want to stay there a little bit longer."
"Ooh. Eh natry mo bang kainin 'yung mga pagkain doon?"
Tumango ulit si Prince.
"Really? Ano bang kinain mo sa Jeju?"
"Hmmm... Abalone porridge, boiled squid, grilled black pork, and... sea urchin soup."
"Whoa, ang hilig talaga nila sa seafood, 'no?" Tinignan niya ako kaya tumango na lang ako. "Gusto kong pumunta doon."
Napakunot ako ng noo. Parang ewan din 'tong si Andrea eh. Mayaman naman sila ah? Bakit hindi siya pumunta doon? Isa pa, napabalita ring hindi na raw kailangan ng visa para makapunta sa South Korea. Oh diba?
"Eh bakit hindi ka pumunta doon?" Tanong ko.
Napanguso si Andrea. "Gusto ko nga eh kaya lang ayaw nila Mommy."
"Oh bakit naman daw?" Tanong ni Prince.
"Tss. Eh kasi naman! Mas inuuna pa naming puntahan 'yung mga gustong puntahan ni Kuya! Japan, London, Spain, France, Singapore, psh! Kainis! Kesyo, siya daw mas matanda kahit kambal naman kami, kesyo birthday niya! Hays! Nakakainis! Tapos kung gusto ko raw pumunta sa Korea, sa North Korea daw ako pumunta! Hmp! Loko-loko!" Nakasimangot niyang sabi.
Napatawa kaming parehas ni Prince.
"North Korea? Eh kahirap pumasok doon ah? Hindi nga rin madaling makalabas doon eh." Sabi ni Prince.
"Tsk. Kaya nga. Loko-loko talaga 'yun!"
Napailing ako. Kung may pera lang ako, gusto ko ring pumunta sa ibang bansa.
"Dadaan pa ako sa mall mamaya. I'll buy a new suklay!" Masayang sambit ni Andrea. "Bye!"
Nagpaalam na siya sa amin at sumakay na sa kotse nila. Kaming dalawa na lang ni Prince ang magkasama ngayon,
Oh! Buti naalala ko! Hahaha!
"Ahm Prince?"
"Hmm?"
"'Yung hawak-hawak mong suklay na pangmanika noong linggo, kanino 'yun?" Tanong ko.
Napakunot siya ng noo. "Why?"
"Ha? Eh kasi my bata akong nakasalubong noon, hinahanap niya 'yung suklay ng doll niya. Baka parehas 'yun sa hawak mo noon." Nakangiti kong sagot.
"Oh that. Sa little sister ko 'yon."
Napatango ako. "Ah. Ganoon? Okay." Nakatingin ako sa mukha niya. "Alam mo, kahawig mo nga 'yung mama ng bata eh."
Napataas siya ng kilay at bahagyang natawa. "Really? Hahaha. Mukha na ba ako babae?"
Napailing ako kaagad. "Hindi ah!" Ang gwapo mo nga eh. "May pagkakahawig lang talaga kayo. Princess nga ata 'yung tawag niya sa anak niya."
Napatango siya. "Oh. Ganoon ba? Hehehe... May kapatid din akong Princess ang pangalan. Must be a coincidence."
Napatango na lang ako. "Siguro nga." Napatingin ako sa itaas.
Magdadapit hapon na rin. Anong oras ba naman kami pinauwi ng teacher dahil lang sa letseng seatwork na 'yan?!
"Saan ka nga pala sasakay?" Tanong ni Prince.
"Hmm... maglalakad pa ako papunta sa paradahan tapos sasakay ako ng tricycle. Hindi ba doon ka nakatira?" Tinuro ko ang kabilang daan. Taliwas ito sa daanan papuntang paradahan. Sabi niya kasi noon sa Trinity Village siya nakatira eh. Ang alam ko, malalaki ang mga bahay doon at mayayaman pa ang nakatira.
Hays, mga rich kid nga naman.
Tumango siya kasabay ng pagtunog ng cellphone niya. May binasa siya doon. "Oh. May bisita kami sa bahay ngayon. Kailangan ko na raw pumunta doon ASAP." Sabi niya at napabuntong hininga. "Sino naman kaya 'yun?" Mahinang sabi niya.
"Mm, sige na. Bye na." Sabi ko sa kanya.
"What? Samahan na kita papunta doon. Magdidilim na oh tsaka kakaunti ang taong dumaraan doon." Itinuro niya ang kalsadang may nakabukas nang streetlight. "Sana pala dinala ko na 'yung kotse ko."
Umiling ako. "Hindi na. Pinapauwi ka na nga sa inyo oh. 'ASAP'."
"Nah. 'Bayaan mo na 'yun."
Napakunot ako ng noo. "Lah. Sige na. Bye na! Ingat!" Sabi ko at kumaway na sa kanya habang naglalakad palayo na nakaharap sa kanya.
Napakamot na lang siya ng ulo at kumaway na lang rin. "Sige. Ingat ka ha?!"
Tumango ako at nag-thumbs up pa. Tumalikod na ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ngiting-ngiti pa ako.
Pero habang naglalakad ay hindi ko mapigilang kabahan. Napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag ko at mas binilisan pa ang paglalakad.
Nakayuko ako at nakatingin lang sa dinadaanan ko. Bakit wala nang masyadong tao rito?
Kinakabahan na talaga ako. Gusto ko nang umuwi!
Napapalunok ako. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin mula sa malayo. May nagbabantay ng kilos ko.
Nakatingin lang ako sa daan kung saan ko nakikita ang anino ko. Nakatingin lang ako roon nang biglang kumabog ang puso ko nang may sumulpot pang isang anino!
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na rin ako makahinga ng maluwag.
Ang kaninang kaba ay napalitan na ng takot. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil sa labis na takot. Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang tuhod at paa ko.
Kita kong palapit na ng palapit ang anino. Mahigpit ko ring hinawakan ang dala kong makapal na libro.
Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpatak ng luha ko. Ang hina hina ko talaga.
Humarap ako sa kanya upang hampasin ito ng libro. Malakas kong inihampas iyon sa ulo niya dahilan upang bahagya siyang mawalan ng balanse. Mas lalong nadagdagan ang takot ko nang makatayo siya kaagad ng maayos at mabilis na naglakad palapit sa akin. Napaatras ako at kaagad na pinulot ang bato sa gilid. Nang itaas ko ang kamay ko para ibato sa kanya iyon ay nahuli na niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko at sinubukang makawala. Nabitawan ko ang bato at malakas ko siyang sinipa. Hindi man sa maselang parte niya ay sa tuhod. Mabuti na lang ay nabitawan niya ulit ako ngunit nawalan ako ng balanse at natumba ako dahilan para magasgasan ang kamay ko ng kaunti. Tumayo kaagad ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
Bago pa ako makakilos ay tinakpan na niya ang ilong at bibig ko nang panyo na naging dahilan ng pagkawala ng malay ko.
Kahit mabigat ang mga talukap ng mata ko ay nakayanan ko pang imulat ito.
Sa una ay medyo malabo pa ang paningin ko ngunit habang tumagal ay bumalik na rin ang pagkalinaw ng mga ito.
Nasaan ako? Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Pamilyar ang lahat ng nakikita ko.
Panaginip lang ba iyon? Tinignan ko ang kamay ko at nakita ko ang kaunting gasgas doon. Hindi. Sure akong totoo ang nangyari.
Pero bakit ako nandito?
Iginala ko ulit ang paningin ko. Pamilyar.
Nandito na ako sa kwarto ko.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you!❤❤❤
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...