Denisse's POV
Sumalampak ako ng higaan at tumingala sa kisame.
Kailangan ko ng makakausap pero ayaw kong makipag-usap. Ang gulo 'no?
Ang kanina pang luhang pinipigilan ko ay unti-unti nang nagsilabasan. Kailan ba matatapos 'to? Ayoko na.
Maya-maya pa'y may kumatok.
"Denisse?" Si Tita. "Denisse, okay ka lang ba?"
Umiling ako. Hindi. Hindi ako okay. "Okay lang po ako."
"Ahm, gusto mo bqng kumain na?"
Wala akong gana. "M-mamaya na lang po. Mauna na po kayo."
"Sigurado ka?"
"Opo."
Napahinga ako ng maluwag nang wala nang sumagot. Ayokong makita ako ni Tita ng ganito at mukhang tangang umiiyak.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.
1 message received.
"I'm sorry."
Sent by: 09192938475
Napabuntong hininga ako. Si Andrei.
Nagtipa akong sa cellphone para reply-an siya.
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at ito ang inireply ko.
"What's the most regretful thing you've ever done in your life?"
>>Send
Message sent.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa cellphone. Baka sakaling magreply siya.
Pero wala.
Humiga ako at hinayaan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. I never thought love could be hurting me this way. And I never thought Leonard would have a such big impact in my life. Nakakagago.
Tss. Hindi naman ata tama na siya ang sisihin diba? Siya na ang nagsabi. Assuming ako. At oo. Inaamin ko 'yon.
Dati ko pa naman inaasahan 'to diba? Na lahat ng mahalaga sa'kin, iniiwan lang ako. Pero bakit gano'n? Iba pa rin talaga kapag naranasan mo na. Iba pa rin talaga manakit ang isang Leonard Nickson Buentura.
Kinabukasan...
Nandito ako ngayon sa bahay nila Andrea. Swerte nga naman dahil limang araw na walang pasok dahil sa retreat ng mga faculty members. Nakalimutan ko na kung saan sila pumunta. Basta malayo. Pumayag naman ako, pati si Tita.
"Andrei's not here. He's probably somewhere. Baka kasama sila Prince." Sambit niya. "Halika?"
Tumango ako at pumasok na sa loob.
"Amber's not answering her cellphone pa. Sabi niya pupunta siya dito. I gave her the address pero wala pa rin siya." Napakamot siya ng ulo. "Papunta na kaya 'yun?"
Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone niya. Kunot noo siyang tumingin sa akin matapos makita iyon. "Amber's no coming, Tsk. Sayang."
"Bakit daw?"
"I don't know. Walang sinabi eh. But nagpadala daw siya sa'tin ng milk shakes."
Tumango ako at bumuntong hininga. I shouldn't be asking this but... I gulped. "S-si Leonard, kamusta na siya?"
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "He's fine Denisse. Don't think about him na, okay? We're here to have fun so don't focus yourself on thar jerk, okay?"
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Roman pour AdolescentsIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...