Chapter 26: Weird!

53 5 0
                                    

Denisse's POV

"Does anyone know here Plato's 'Allegory of the Cave'?" Tanong ni Ms. Esteban.

Nagtinginan kami ni Andrea pati na rin ang mga kaklase ko. Lahat kami ay tahimik.

"Am I talking to the wind? Hello? I will repeat the question. Does anyone know Plato's 'Allegory of the Cave'?" Pag-uulit niya ng tano pero ni isa sa amin ay wala pa ring nagsalita.

"Did I mention yesterday that you should take an advance reading about his philosophy? Did I?!"

"Yes Ms. Esteban!" Sagot naming lahat.

"Then what did you do last night? Ha? Nagparty? Nagfacebook? Nagtweeter? Tsk. Tsk. Tsk." Napapailing siya sabay kuha sa kanyang class record. "Kung walang gustong magvolunteer sumagot, ako na lang mismo ang magtatawag."

Napuno ng tensyon at bulungan ang classroom. Kinabahan din ako dahil aminado din akong hindi ako nakapagbasa kagabi. Naokupado kasi ang isip ko sa lalaking sumunod sa akin kahapon. Nawala sa isip ko ang advance reading.

"Okay! Jennifer Merkado! Stand up!"

Tumayo si Jennifer. Halatang kabado din 'to.

"Can you explain something about the 'Allegory of the Cave'?"

Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya, hinihintay kung may maisasagot ba siya o wala.

"Ah Ms., ah... The Allegory of the Cave talks about... ah..."

"Do you know the answer, Ms. Merkado?" Tanong ni Ms. Esteban

Natahimik si Jennifer tsaka umiling.

"Okay. Sit down. You will be mark zero for your recitation for this day."

Napabuntong hininga si Jennifer tsaka tumango.

Nang makaupo na siya ay binuklat ulit ni Ms. Esteban ang class record niya.

"Next, please stand up Ms. Denisse Arellano!"

Nanlaki ang mata ko at kinabahan ng todong-todo! Shet! Hindi ko rin alam eh! Lah! Pa'no na 'yan?!

Dahan-dahan akong tumayo. "Po?"

"Say something about the 'Allegory of the Cave.'"

Nag-iwas ako ng tingin at nilaro-laro ang daliri ko dahil sa kaba.

"No answer, Ms. Arellano? Do you also want to be marked zero on today's recitation? Makakaapekto 'to sa grades mo, you know? Pero matalino ka naman eh, alam ko. Kaya ka nga nakapasa sa scholarship exam dito sa BNI eh. Ah! Ganito na lang. If you can't explain the allegory, then all of you will be marked zero. Do you want that?" Napuno ng bulungan ang classroom kaya't mas lalo akong napressure. Bakit ganito si Ms. Esteban?! Wala man lang bang konsiderasyon?!

"She better answer it right."

"Yeah. Sa kanya nakadepend ang grades natin."

"Sana naman mag-isip siya."

Umiling ako.

"Then answer!"

Napalunok ako. "Ms. Esteban, I really—"

"Excuse me Ms. Esteban."

Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Kay Prince na nakataas pa ang kamay.

"Yes, Mr. Asuncion?"

"If  she answered the question, will you give us all perfect recitation for this day?"

"Why would I do that? That is not fair!" Sagot naman ng teacher habang nakataas ang isa nitong kilay.

"I don't think so. It's nonsense. Bibigyan mo kaming lahat ng zero sa recitation pero ano namang makukuha niya kapag nakasagot siya ang tama? Nothing?" Napangisi siya.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon