Chapter 23: Report Presentation

71 5 2
                                    

Denisse's POV

"Kimmy! Ano? Kamusta? Halika dito!" Si Andrea naman mismo 'yung lumapit sa akin at niyakap ako.

"There. There. Sige na. Ilabas mo na. Iiyak mo lang 'yan. I won't mind." Sabi pa niya at hinagod ang likod ko.

Natawa na lang ako sa inasta at sinabi niya. Kumalas ako ng yakap. "Ano ka ba? Okay lang ako 'no."

Napakunot siya ng noo. "Weh? You sure? Don't be shy na. Huwag mong itago 'yan, baka sumabog lang. It's better kung ilalabas mo." Sabi ulit niya at hinawakan ang balikat ko.

Umiling ako at nginitian siya. 'Yung labas gilagid. Hehe. "Hay Andrea. Okay lang talaga ako. Tignan mo oh? Nakangiti ako."

Napabuntong hininga siya at tumango. "Okay. I won't pilit you but I just want to say na I'm always here, ha?"

Tumango ako. "Salamat sa pag-aalala."

"Siyempre! What are friends for?"

Maya-maya pa'y dumating na rin ang teacher namin.

"Good morning class!" Bati ni Ma'am Madrigal.

"Good morning Ma'am!"

"So! I will make an announcement!"

Nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase ko kahit 'di pa naman sinasabi ni Ma'am kung ano 'yun.

"Luh! Announcement!"

"Kyaah! Sana may transferee na super pogi!"

"Hay nako! Sana naman bigyan tayo ng vacation! Kahit two months lang!"

"Tsk. Jeffrey talaga! Kakastart palang ng klase noon, vacation kaagad?!"

"Eh bakit ba?"

"Class! Keep quiet!" Sita ni Ma'am kaya kaagad nagsitahimikan ang mga kaklase ko. "So I will give you your very first project!"

May ibang nagreact kaagad pero ibinubulong na lang nila 'yon. Project? Ano kaya? Tsk.

"You will do a reporting."

Napatango ako. Ahh. Magrereport lang naman pala eh.

"I will group you into two and I have here the list." Ipinakita niya ang isang notebook.

"Okay, first, Jennie Siao and Rose Kim."

Kaagad na nag-apir ang dalawa.

"Yes!"

"Trina Mayers and Anthony Saniero."

"Jim Min and Jack Son."

"Jen Nie and Jin Young."

"Bam Tuan and Kris Choi."

May ibang masaya sa naging kapartner nila pero may iba din namang hindi. Kesyo tamad daw, kesyo lagi daw nagwawalwal, kesyo hindi naman talaga tumutulong, kesyo aasa na lang sila palagi sa partner nila.

"Next, Prince Rayver Asuncion..." Tumingin siya kay Prince at tumango na lang siya. "And..." Tumingin siya sa'kin.

Ibubuka pa lang niya ang bibig niya nang may kumatok at nagbukas ng pintuan.

"Excuse me Ma'am Madrigal." Lahat kami ay napatingin kay Ms. Rivera, secretary ng Dean. "Can I excuse you for a moment? There's something you need to sign." Ipinakita nito ang hawak na folder.

Tumango si Ma'am Madrigal bago tumingin sa'min. "Saglit lang."

Lumabas saglit si Ma'am at nagsimula na ang bulungan ng mga kaklase ko.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon