Denisse's POV
"Hay nako girl! Nakakatakot na 'yan!" Kumento ni Andrea. "Bakit hindi mo pa sabihin sa Tita mo na may sumusunod na naman sa'yo?"
Umiling ako. "'Wag na. Ayokong madagdagan pa 'yung inaalala niya. Pinoproblema na nga niya 'yung kapatid niya sa probinsya, pati pa ba naman ako dadagdag?"
Napabuntong hininga siya. "Ano naman bang pakay nila sa'yo? Bakit hindi ka nila tigilan?"
"Hindi ko rin alam. Pero 'yung kahapon..." Napalunok ako. "Kilala niya ako."
Umirap siya. "Well, duhh? It's really possible 'no. 'Di ka naman susundan no'n ng ilang beses kung 'di ka kilala, pwera na lang kung may iba lang talaga siyang balak. Alam mo na."
Tumango ako. Argh. "Buti na lang talaga may dala ako nito." Tinignan ko ang hawak na pepper spray.
"Buti na lang talaga!" Tumango siya.
"Oh para saan 'yan?" Napatingin kami kay Prince na kadarating lang.
Nginitian ko lang siya. "For safety reasons."
"Safety reasons?" Kunot noong tanong niya. "Is something bothering you?"
Umiling ako.
"Hay nako! Eto kasing kaibigan natin, may sumusunod daw sa kanya noon pa. Tsk. Pati kahapon! What is happening to the world?!"
Napakamot ako ng ulo at bumuntong hininga.
"What? Tsk." Napatingin kami kay Prince at napakunot ako ng noo nang lumabas siya ng classroom. Anong problema niya?
"Is he mad?" Tanong ni Andrea at nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam. "What is happening to everyone?!"
Andrei's POV
"Hi Amber!" Tinabihan ko siya.
Nginitian niya ako which made my day. "Hello."
"Uhm, may gagawin ka ba sa weekends?" Tanong ko.
Umiling siya at sinarado ang math book na binabasa. "Wala naman. Bakit?"
Napakamot ako ng ulo at huminga ng malalim. "Can we go out?"
Napatango siya kaya't nanlaki ang mata ko. "Talaga?!"
"Of course. Why would I say no?"
Yes! Woohoo! Nagdiwang ang buong sistema ko. Why would I say no? No reasons babe. No reasons. "Sige. Cool." Nginitian ko siya.
"Andrei! Hinahanap ka ni Fafa Prince." Napatingin naman ako kay Jasper a.k.a. Jennifer. Oo. Jennifer. Eklabush ang lolo niyo mga 'day.
Tumango ako at naglakad palabas ng classroom. "Wazzup bro?"
Nakakunot ang noo niya. "Where is Nickson?"
"Wala pa siya bro. What's the problem?" Hindi naman maagang pumapasok 'yun eh.
Napabuntong hininga siya at umiling. "Did you know that someone's following Denisse yesterday?" Tanong niya kaya't nanlaki ang mata ko.
"F*ck." It couldn't be Christian, our private security we hired to make Denisse safe everytime she goes home. Nagkasakit siya kahapon at kanina lang niya nasabi kaya sino namang putek ang sumusunod sa kanya?!
"Kung dumating si Nickson, tell him we need to talk. Ayokong mapahamak si Denisse." Seryosong sabi niya.
Napakamot ako ng ulo at tumango. "Oo na. Tsk. Baka madamay na naman ako at masapak niyo ulit. Mga damputek kayo." Napahawak ako sa pisngi ko at muling naalala ang nangyari noon sa Winter Resto and Video oke bar. "Katulad noon. Tsk." Pinag-aawayan ang babae ayan tuloy, pati ako nadamay.
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...