Denisse's POV
Kahit anong pilit kong matulog ay hindi pa rin bumibigat ang talukap ng mata ko. Hindi ako makatulog.
Pumikit ako at nagdasal. Thank you Lord dahil ligtas po ako.
Dumilat ako at kinuha ang cellphone kong bagong charge lang.
Pagkabukas ko ay lumabas ang ilang missed calls at unread messages. Lahat galing kay Andrei.
Binuksan ko isa-isa ang apat na text galing sa kanya.
"Denisse where are you?"
Sender: Andrei
6:02 p.m."Are you home?"
Sender: Andrei
6:05 p.m."Nasaan ka na ba?"
Sender: Andrei
6:06 p.m."We're worried. Lalo na si Nickson. Please sana ligtas ka."
Sender: Andrei
6:06 p.m.Napabuntong hininga ako at nagdesisyong reply-an si Andrei.
"Thank you."
Recipient: Andrei
>> Send
Hinintay kong magsend ang text ko.
Message sending failed.
Namputsa.
"Toot! Toot! Toot"
Binuksan ko ang new message.
"Sorry, your load balance is not enough to send this message."
Sender: 7210
10: 25 p.m.Tss. Ngayon pa talaga nawalan ng load. Humiga na lang ako at tumitig sa kisame. Mas maganda siguro kung personal akong magpapasalamat sa kanilang tatlo.
Mabuti na lang talaga nakita nila ako. Nagpapasalamat talaga ako sa kanilang tatlo. Ngayon, napatunayan kong may pakialam sila sa'kin kahit na kailan lang kami nagkakilala.
Magdamag lang akong nakatitig sa kisame habang lumilipad ang isip ko hanggang sa dalawin na ako ng antok at makatulog na ng tuluyan.
Kinabukasan...
Naglalakad na ako papasok ng campus. Umaakto akong parang normal. Na para bang walang nangyari kahapon. Inaamin ko, nandito pa din 'yung kaba sa dibdib ko.
"Denisse!"
Napalingon ako sa likod at nakita si Andrea na kumakaway sa akin. Huminto ako sa paglalakad at kinawayan din siya.
Kita ko naman si Andrei sa tabi niya na seryosong nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at kaagad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ngumiti din siya pabalik.
"Hi Denisse!" Sambit ulit ni Andrea nang makalapit na siya sa akin. "Tara?" Yaya niya.
Tumango ako at nilinga si Andrei. "Ah, Andrei?"
Itinaas niya ang dalawang kilay niya. "Yes?"
"Thank you."
"Ha? Bakit ka nagpapasalamat diyan?" Tanong ni Andrea.
"Ha? Eh kasi nilig--" Hindi ko na naituloy ang dapat sana'y sasabihin ko nang pinutol na ako ni Andrei.
"Ah iyon ba?! Ah! Haha! You're welcome! Sana nagustuhan mo 'yung chocolate ice cream!" Pilit siyang ngumiti at umiwas ng tingin. "Sige! Late na pala ako! Bye!" Nasundan ko na lang siya ng tingin habang tumatakbo siya palayo.
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Genç KurguIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...