Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto nila mama at daddy.
"Mama..."
Napatingin sa akin si Mama at gayon na lamang ang naramdaman kong pagtataka at awa nang makita ko ang namumugto niyang mata.
"Denisse..." Sabi niya at inilahad niya ang kanyang kamay kaya't mabilis ko iyong kinuha at lumapit sa kanya.
Niyakap niya ako.
"Bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko. Napakainosente ko pa para maintindihan ang pinagdaraanan niya.
"Denisse... Si Daddy..."
Napakunot ako ng noo. "Bakit po si Daddy? Dadating na po ba siya? Babalik na po ba siya?" Tanong ko nang may halong tuwa.
Kumalas siya ng yakap at hinarap ako, Tinignan niya ako sa mata at mapait na ngumiti. "Ang daddy mo, hindi na siya babalik, anak."
Sa sinabi niyang iyon ay parang gumuho ang mundo ko. "Bakit po?"
"Dahil... Dahil... Sumama na siya sa ibang babae. Iniwan na niya tayo."
Nawala ang ngiti sa aking labi at nagsimula nang mangilid ang aking luha. Umiling ako. "Bakit po? Hindi na niya po tayo mahal?"
Hindi sumagot si Mama at nagpatuloy lang ang pagbuhos ng kanyang luha.
"Anak... Mahal niya tayo---"
Umiling ulit ako. "No! Kung mahal niya talaga tayo ay hindi niya tayo iiwan! Bakit niya po tayo iniwan?" Sabi ko at tumakbo na palabas ng kwarto.
Kahit sa ganitong edad ay naiintindihan ko ang sinabi ni Mama.
Simula noon ay nagkaroon na ako ng galit at sama ng loob kay Daddy. I hate him. Nagbago na rin ang tingin ko sa mga lalake. Man hater? Siguro isa na nga ako doon.
Natatakot akong magmahal. Natatakot akong masaktan at maiwan. Ayaw kong magaya kay Mama na iniwan lang ni Daddy para sa ibang babae. Ayaw kong sumugal sa pag-ibig na alam ko namang sa huli ay matatalo ako.
Hanggang sa nakilala ko siya.
Ewan ko ba. Gwapo naman siya, hinahangaan ng lahat, at mayaman pa! Ang tingin ko pa sa kanya ay katulad siya ni Daddy. Dahil lang nasa kanya ang lahat ay okay lang sa kanya ang manakit ng damdamin. Wala siyang pakialam sa ibang tao. Lagi na lang siyang seryoso. Ni minsan nga eh hindi ko pa siya nakikitang ngumiti o tumawa. Ano namang magugustuhan ko sa kanya?
Pero nag-iba ang ihip ng hangin. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Nang dahil sa taong ito ay hindi ako nagdalawang isip na sumugal. Natuto akong magmahal dahil sa kanya. Ang galing naman niya. Hays...
Hindi ko alam kung mananalo ako sa sugal na ito pero susugal pa rin ako...
Dahil natuto na akong mahalin siya...
This is a LOVE GAMBLE and I will do everything in order to win.
-------------------------------------------------------------------------------------------
HI! YEHEY! May intro na at meron na rin akong draft para sa mga characters. Okay lang po ba? Sana ay magustuhan niyo ito at suportahan niyo na din. Hehehe...
Votes and comments are highly appreciated. Thank you!❤❤❤
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...