Chapter 55: Heavenly

73 9 1
                                    

Denisse's POV

"Heto po 'yung bayad." Inabot ko ang sampung piso sa mamang sorbeteros.

Luminga-linga ako sa paligid. Kahit saan ako tumingin ay may nakikita akong magnobyo. Psh. Ako? Heto at lonely na naman.

Katatapos ko lang magreview kaya nagdesisyon ako bumili ng ice cream at gumala muna dito sa may park. Maya-maya'y palubog na rin ang araw at gusto kong masaksihan ang sunset sa part na ito. Sabi kasi ni Tita maganda raw ang sunset mula rito. Iyon daw ang madalas gawin nila ni Tito Fred noong nabubuhay pa ito.

Awww... Karomantic siguro 'yon 'no? 'Yung magkahawak kamay kayo ng mahal mo tapos nakasandal ka sa kanya habang pinagmamasdan niyo 'yung sunset. Awww...

Naubos ko na 'yung ice cream at hindi ko mapigilang dalawin ng antok. Yeah. Inaantok ako pero gusto ko talagang makita 'yung sunset dito. Ayaw ko namang maghintay na naman sa bukas. Malay ko bang baka may mangyari palang hindi maganda?

Nakasandal ako rito sa may upuan. Hay. Forever lonely na talaga ako 'no? Isinalpak ko na lang ang earphones ko at nagpatugtog.

Unti-unti na rin bumibigat ang talukap ng mata ko pero pilit ko lang nilalabanan ang antok. Bakit ba ang tagal ng sunset?!

"~I won't keep watching you
Dance around in your smoke
And flicker out
You're not the light I used to know
I don't believe in safety nets
Strung below that make it alright
To let go
You gotta hold on~"

Tapos nakakaantok pa pala 'tong kanta. Eh di mas lalo akong inantok.

Hanggang sa natalo na ako at 'di ko namalayang nakaidlip na pala ako.






"~ You said it again
My heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge
Of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time
In the last time
In my only life~"

Naalimpungatan ako. Hmm... Ang bango naman ng unan ko...

Nanatili pa rin akong nakapikit habang naririnig ko ang kanta at mas siniksik ang sarili ko sa unan. Ang sarap naman nitong yakapin at amuyin. Ang bango!

Pero ba't parang may nakahawak sa kamay ko? At 'yung amoy... Pamilyar 'yung amoy niya.

Amoy ni...

"Leonard?!" Literal na napatayo ako! Pagdilat ko kasi ay siya ang bumungad sa mukha ko! Waaaaaahh! Ano'ng nangyari?!

Ayun siya at prente lang na nakaupo habang nakatingin sa akin. "What?"

Napakunot ako ng noo. "Ano'ng what? Anong ginagawa mo dito?"

"Waiting for sunset."

Napakagat ako ng labi at bumibilis na naman 'yung tibok ng puso ko. Jusko. May sakit na yata ako sa puso.

Denisse Rochelle Arellano

Time of Death: Before Sunset

Cause of Death: Heart Attack trigerred by Leonard Nickson Buentura

Argh. Kung ano-anong iniisip ko.

"Ano pang hinihintay mo? Upo ka na rito. Malapit nang lumubog ang araw."

Napalunok ako at dahan-dahang lumapit at umupo sa tabi niya. 'Yung medyo malayo.

Napasinghap ako ng hilahin niya ako palapit sa tabi niya at hawakan ang kamay ko! Ghad. Pinilit kong bawiin 'yung kamay ko pero ayaw niya akong pakawalan-este-ayaw niyang bitawan 'yung kamay ko.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon