Chapter 5: Concerned

99 8 1
                                    

Denisse's POV

"Grabe ha. Mashaket 'yun." Sabi ni Andrea at sumubo ng fries.

"Hay!" Napailing si Andrei at sumubo na rin ng fries. "Ganyan 'yan parati. Tsk. Tsk." Kinuha niya ang isang platong may spaghetti at nagsimula nang kumain.

Napailing na lang din ako at nagkibit balikat. Tss. Ang pangit ng ugali.

"Tsk. Bayaan niyo na 'yon. Pero mabait 'yan kaya 'wag naman kayong magtatanim ng sama ng loob ha?" Natatawang sabi ni Andrei at tinignan si Prince. "So, 'Prince', kamusta naman ang BNI?" Nakangisi siya.

Nginitian naman siya ni Prince. "Maayos naman. Maganda ang school, napakasarap ng pagkain dito sa canteen, and..." Ngumisi siya at tumingin kay Andrea kaya't napakunot ang noo nito.

Napasulyap din si Andrei sa kapatid bago kunot-noong ibinalik ang tingin kay Prince. "And what?"

"Magaganda ang mga estudyante dito." Sabi niya at inilipat ang tingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. Okay?

Napangisi si Andrei. "Is that so? Magsabi ka nga ng pangalan."

"Andrea Mitzi Thomas." Diretsong sagot ni Prince at nagtiim naman ang panga ni Andrei habang si Andrea naman ay pinamulaan ng mukha.

Bumuntong hininga si Andrei. "Do you like her?"

"Who?" Nakangising tanong ni Prince.

"Do you like my sister?"

"And what makes you think that? Por que ba sinabi kong maganda siya eh may gusto na ako sa kanya?" Nakangising tanong ni Prince.

"Yes or no lang ang isasagot Prince."

"No." Walang emosyong sagot ni Prince

Napatahimik na lang kaming dalawa ni Andrea. Uhm. Paano ba?

AWKWARD.

Pakiramdam ko ay may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. 'Yung totoo? May galit ba sila sa isa't-isa?

Parehas na masama ang tingin nila sa isa't-isa lalo na si Andrei. Kung hindi lang nakakamatay ang sama ng tingin ay baka duguan na at nakalibing si Prince. Nakakuyom pa ang kamao niya.

"Ehem." Tumikhim si Andrea at tumayo. "M-mauuna na kami ni Denisse sa room. Two minutes na lang kasi, time na." Sabi niya kaya't tumayo na ako. "Prince? Sabay ka ba or... may pag-uusapan pa kayo ni Kuya?"

Parehas silang nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga. Tumayo si Prince. "I'll go with you." Sabi niya.

Tumango si Andrea. "Okay. Sige Kuya. Mauuna na kami."

KINABUKASAN...

Kasalukuyan akong naglalakad-lakad sa school garden. May isang oras na bakante at absent naman ang teacher sa susunod na klase.

Umupo ako sa damuhan na sinisilungan ng puno.

Bumintong hininga ako kabang pinagmamasdan ang mga estudyante sa di kalayuan.

Huhuhu...

Loner ako ngayon. Hindi pumasok si Andrea pati si Andrei dahil may inattend-an silang kasal sa Boracay.

Medyo inaantok din ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi.

Pumikit ako at sumandal sa puno...

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Tingin sa harap. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan... Tingin sa kaliwa ulit!

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon