Leonard's POV
Sa sandaling mahanap ko ang hayop na Julius na 'yan, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Hindi rin ako mag-aalangang bawian siya ng buhay.
Matapos marinig ang mga sinabi sa'kin ni Denisse noon at matapos niyang marinig ang lahat ng sinabi ko, hindi ko na alam kung tama ba ang ginawa ko.
I let out a big sigh. I won't get tired with this as long as your breathing, Denisse.
Halos mapigil ko ang hininga ko nang malamang isinugod na sa hospital si Denisse.
Mabuti na lang talaga matalino 'tong si Andrea at may pagkamakulit din. Tsk. Tanaw ko siya mula rito. Kasama niya si Prince. Tss.
Prince again.
Napangisi ako nang maalala kung paano ko nasapak si Andrei dahil sa kanya.
Winter Video Oke and Resto Bar
"Hey Nickson!"
Naikuyom ko ang kamao at inilapat iyon sa mukha ng kung sinumang nasa likod ko. Napakunot ako ng noo nang malamang si Andrei pala 'yon. "Andrei?"
"F*ck you Nickson! Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Hinawakan niya ang pisngi niyang magkakapasa ata sa suntok ko. Tss. "Sh*t! Ang sakit no'n ah!"
Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. "Yeah. Yeah."
Inambaaan niya pa ako ng suntok pero wala akong pake. Tss. Hindi pa tinuloy.
"Ano bang problema mo? Pati ako nadamay. Putek." Dinampi-dampi niya 'yung panyo sa pisngi. "Huhuhu. My face. Kawawa ka naman, Andrei. Tsk. Gano'n na ba nakakagigil ang pisngi mo kaya nasusuntok na nila? Tsk. Tsk. Tsk." Sabi niya sa sarili.
Napairap naman ako. "Shut up. Baka gusto mong ulitin ko naman sa kabila."
"Nyeh. Nyeh." Tsk. Nandila pa. "Dinamay mo pa ako sa selos mo!"
"Nickson!"
Muli kong naikuyom ang kamay ko nang marinig ang boses niya. Tss.
Hinarap ko siya. "What?"
Napakamot pa siya ng ulo. "Are you mad?"
"Is it obvious?" Tugon ko but he just smiled.
Bumuntong hininga siya at tinapik ako sa balikat. Ghad. Alam mo ba kung gaano ko gustong balian 'yang kamay mo?
"Sorry Nickson."
"Why are you sorry? Is it because she likes you?" Kunot noo kong tanong. I smirked. "Don't be too confident Prince. Denisse and I will end up with each other. Wala ka namang gusto sa kanya diba?"
Nawala ang ngiti ni Prince. "I'm sorry because... I like her too."
Nag-igting ang panga ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "You know how much I like her, Prince." Seryosong sambit ko.
"I know Nickson. Masisisi mo ba 'ko?"
"Lumayo ka na lang sa kanya." Sambit ko na inilingan lang niya.
"I won't do that. I'm sorry."
Tumango lang ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. "Then may the best man wins."
Tinanggap naman niya iyon. "May the best man wins."
"Ahm, alam niyo? Mukha kayong tanga."
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Genç KurguIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...