Denisse's POV
"F-first kiss ko 'yun..." Iyon ang nasabi ko nang magbitiw siya ng halik. Hindi na nagfufunction ng maayos ang utak ko kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko.
Natawa siya ng bahagya kaya ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Fudge? Nakakahiya.
Lumapit siya at parang may sariling buhay 'yung paa ko na lumakad ng isang hakbang paatras. Napalunok ako nang humakbang na naman siya palapit kaya napahakbang na naman ako paatras.
Palapit siya, paatras ako.
Abante, abante, atras, atras.
Abante, abante, atras, atras.
Hanggang sa pader na pala ang nasa likod ko. Napalunok ako at yumuko dahil nahihiya ako.
Hinawakan niya ang baba ko dahilan para maiangat ang paningin ko sa kanya. Heto na naman ang puso ko.
Para akong nalulunod sa titig niya. Napakaganda ng mata niya at hindi nakakasawang tignan ang mga iyon.
"Why? Are you shy?" He whispered and I can smell mint from his breath. Ang bango!
He leaned closer na nagpabilis lalo ng tibok ng puso ko. "Are you sure that was your first kiss?" His whisper gave me goosebumps. Brrr.
Hindi ako nakasagot at tanging paglunok na lang ang nagawa ko. Gusto ko siyang itulak palayo but the space between us seems to taking out the energy left from me.
Si Leonard ang kalakasan at ang kahinaan ko.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya. I looked at him and there he was, with his perfect smile.
"Actually Denisse, that was not your first kiss."
Napakunot ako ng noo. Haluh! Ba't ayaw niyang maniwala?! "T-totoo! 'Yon 'yung first kiss ko!" Fudge! Mamamatay na yata ako sa kahihiyan! We're talking about kisses for pete's sake! Kaloka!
"That was not your first kiss." Mukhang sure na sure siya ah. "It took place in the hospital."
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil wala akong maalalang ganoon. Kung ano-anong sinasabi nito? Magsuggest kaya ako ng rehab center? "Ano bang pinagsasasabi mo?"
"In the hospital. You were sleeping so it's fine that you don't know anything about your first kiss." He smirked.
Nanlaki ang mata ko. "So you mean... May... May nanghalik sa akin kahit unconscious ako?"
Tumango siya kaya't nanlaki ang mata ko. Laah?! Bakit?! Sino?!
"Don't worry. Ako pa rin 'yung first kiss mo."
Sinamaan ko siya ng tingin and couldn't help myself na hampas-hampasin siya sa braso! "Arrrgggh! Nanghahalik ka ng tulog! Kabastos mo talaga 'no!"
"Hey! Hindi ako bastos 'no!"
"Hindi! Bastos ka! Ninakaw mo ang first kiss ko nang hindi ko man lang nalalaman!"
"Don't you feel happy na ako ang first kiss mo?!"
Natigil ako.
Buffering...
"Waaahh! I hate you!"
"I love you!"
At muli, natigil ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ngumiti. "I won't apologize. Kasalanan ng labi mo eh."
"At bakit?!"
"Your lips are so attractive and addicting I can't help but to kiss them. Nang-aakit eh." He shrugged.
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...