Denisse's POV
Bumuntong hininga ako at tinignan ang gate ng school kung saan nakasulat ang pangalang Broadway National Institute. Okay... Ano na naman kayang mangyayari ngayong araw?
Papasok pa lang sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. "Denisse!"
Napalingon ako sa likuran at nakita si Andrea na kumaway bago isara ang pinto ng kotse nila. Mula sa kabila naman ay lumabas si Andrei. Abala ito sa pagcecellphone.
Kumaway ako sa kanya at hinintay siyang makalapit sa akin. Ikinawit niya ang braso niya sa akin. "Sabay na tayo?"
Tumango ako.
"Good morning Denisse!"
Medyo nagulat ako dahil mula sa kabila ay sumulpot si Andrei.
Nginitian ko siya. "Magandang umaga din."
"Kamusta naman ang BNI?"
"Okay lang." Sabi ko at umiwas ng tingin. Okay lang ba talaga? Hays... Inaalala ko na naman ang mga dakilang bashers ko.
Ngumisi siya. "Tsk. 'Wag kang mag-alala! Nandiyan naman si Nickson para sa'yo! He'll protect you!" Kinindatan niya pa ako at tinapik ng dalawang beses ang balikat ko.
"Bye li'l sis!"
Nasundan na lang namin siya ng tingin ni Andrea.
"Tsk. Just don't mind him Denisse. Lagi lang 'yang tinotopak kaya kung ano-ano ang sinasabi."
Tumango na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Pagkapasok namin ng classroom ay napatingin sa amin ang mga kaklase namin at tumahimik ang paligid. Ilang saglit lang ay nagsimula na namang umingay at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang gawain.
"Weird." Bulong ni Andrea at umupo na kami sa upuan namin.
Napabuntong hininga ako at nagbuklat ng libro. Ewan ko ba. Sa tuwing papasok ako sa school na ito ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay may mangyayaring hindi maganda. Hmmm... Siguro ay natakot lang ako sa nangyari noon.
"Denisse! Denisse!"
Napalingon ako kay Andrea. "Ano?"
Tumayo siya at basta na lang akong hinila palabas.
Pagkarating namin sa labas ay ganoon na lang ang pagtataka ko. Ngiting-ngiti siya habang nakahawak sa cellphone niya.
"Ano ba 'yon, Andrea?"
Hinila niya ako palapit sa kanya. "Halika dali!"
Isinuot niya sa tenga ko ang dala niyang earphones.
Napatingin ako sa screen ng cellphone niya.
Calling Prince...
Napakunot ako ng noo. "Video Call?"
Tumango si Andrea. "Yup! I'm sure namimiss mo na si Prince hehehe, so we'll call him sa Korea!"
Napakamot ako ng ulo. Buti na lang vacant ang first period namin ngayong araw.
[Hi!]
"Yiiiee!" Kumaway si Andrea kay Prince.
Napangiti ako at kumaway na din. "Hi Prince!"
[Hi Denisse! Kamusta na?]
"Okay naman."
"Ikaw Prince? Kamusta diyan sa Korea? Nakita mo ba si Lee Jong Suk? Eh si Nam Joo Hyuk? Nakita mo rin ba? Ah! Alam ko na! Si Park Hyun Sik! Ano? Nakita mo?"
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...