Chapter 39: He Needs Someone

43 6 0
                                    

Denisse's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nang ilibing si Daddy pero hindi pa rin ako makamove-on. Ang sakit pa rin.

Nakatingin lang ako sa pagkain ko nang lumapit sa akin si Princess.

"Ate..."

Tinignan ko siya at pilit na nginitian. "Yes, Princess?"

"Ate, sure po akong malungkot si Daddy ngayon kasi hindi po kayo kumakain."

Napangiti ako. Wow. Kebata-bata niya ah. Sana ganyan din ako tulad niya.

"Alam niyo po, 'pag nagkukwento po siya ng bed time stories sa'kin, ikaw po lagi 'yung bida."

Napakagat ako ng labi at huminga ng malalim. Unti-unti na namang nag-iinit ang sulok ng mata ko. "T-talaga?"

"Opo. He even gave me this doll." Pinakita niya ang hawak na manika. Iyan 'yung hawak niya nung una kaming magkita. "Sabi po niya, Denisse ang ipangalan dito kasi lagi ka niyang naaalala."

Tuloy-tuloy nang nagsibagsakan ang luha ko at lumapit sa akin si Tita para patahanin.

"Denisse..."

Napatingin ako kay Andrea. "Hmm?"

"Ahm, gusto mo bang sumama sa'min sa next Sunday?"

"Ano'ng meron?"

"Wala naman. Ahm, bonding-bonding lang tayo sa bahay. If you want lang naman eh."

Tumango ako. "Oh sige."

"Yey! I'm sure mag-eenjoy ka. I'll prepare games for us and foods! Ano'ng gusto mo? Spaghetti? Cake? Lasagna? What?" Masiglang tanong niya pero alam kong ginagawa niya lang 'yon para pasayahin ang mood.

Napanguso ako at pilit na ngumiti. "Gusto ko ng cupcake. Igagawa mo 'ko ng cupcake di'ba?"

Napakamot siya ng ulo. "Oh yeah. Sure. Sure."

"Li'l sis!"

Napatingin kami kay Andrei.

"Hi Andrei! Hi Amber!" Kumaway si Andrea sa kanila. "Yiiee! Magkasama na naman kayo ah! Hindi na ako magugulat kung nililigawan mo na si Amber! Yiee!"

Sinundot-sundot ni Andrea si Amber.

"Tsk. Akala ko ba alam mo na?" Tanong ni Andrei sa kakambal.

Napakunot ng noo si Andrea. "Ang alin?"

Umiling ito at umirap. "Wala. Ang gulo mong kausap."

Umirap din naman ito. "Hmp! Ako pa talaga ang magulo ang kausap ah! Eh ikaw nga 'tong kung ano-anong sinasabi eh!"

"Well, duhh!"

"Gaya-gaya ka talaga! Walang originality!" Singhal ni Andrea.

"Tss. Edi, well, dohh!"

Natawa kaming dalawa ni Amber sa pinaggagagawa ng dalawa. Ang cute nilang mag-away. Hehehe.

"Hey guys!"

Napatingin naman kami sa likuran at nakita roon si Prince. "Nag-aaway na naman kayo!" Tinabihan niya si Andrea.

"Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mo na 'yan! Putek!" Dinuro ni Andrea ang kakambal.

"Ows tologo bo?!" Pang-aasar naman ni Andrei.

"Yes! Tologong-tologo!"

I can't help but smile. Kung sana ganyan din ako. Ang nagdadala ng saya sa mga tao sa paligid ko. Pero hindi. Ako pa 'yung nagdadala ng lungkot at nagpapababa ng mood.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon