Chapter 53: The Surprise

55 7 0
                                    

Denisse's POV

Inilibot ko ang tingin sa café. Ako lang ang walang kasama. Hays...

"Ate, may nakaupo po ba rito?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ang dalawang babaeng may hawak na baso at cake. Hmm... Mukhang mga high schooler lang sila.

"Ahm..." Sasabihin ko bang wala? Pero kasi may hinihintay ako! "Sorry, mga ading ha? Meron na kasi eh."

Nagtinginan muna silang dalawa. "Oh sige po, Ate. Thank you." Pagkatapos ay umalis na sila para maghanap ng ibang mauupuan.

Napabuntong hininga ako. Ilang minuto na ba akong nandito? 30 minutes?

"Ma'am? Ano pong order niyo?"

Napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang nakangiting babaeng may suot na pink at black na uniform. Waitress, obviously.

"Ah... mamaya na lang po." Sagot ko pero sa loob-loob ko ay nahihiya na talaga ako kasi kanina pa siya pabalik-balik sa pwesto ko, tinatanong 'yung order ko. Eh sa gusto ko nga munang hintayin sila Andrei bago mag-order pero heto at wala pa rin sila. Hays...

Sa totoo lang eh nagugutom na talaga ako kanina pa. Sino ba namang hindi eh kanina pa ako nakakakita ng cakes, iced coffees, cupcakes, pasta... argh.

Maya-maya pa'y tumunog ang chimes na nasa entrance. Pagkalingon ko ay kaagad kong sinamaan ng tingin ang tatlo... or dalawa lang.

Napansin nila ako kaagad. Siguro ay dahil sa akin nanggagaling ang dark aura na pumalibot na sa loob ng cafe.

Pacool lang si Leonard habang palapit dito. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa pero himala at nakangiti na siya. Si Andrei naman, ayun. Wala namang nagbago. Pero si Prince... Hmm... Parang may iba yata sa kanya ngayon ah. Iba 'yung ngiti niya. Talagang nakakagood vibes.

"Hi Denisse! Kanina ka pa?"

Oops. Oo nga pala. Galit ako sa mga 'to. Inirapan ko si Andrei. "Hi."

Napakunot pa sila ng noo at sabay na umupo. Si Prince sa kanan, si Andrei sa kaliwa, at si Leonard naman sa tapat ko.

"Oh, ba't parang bad mood ka yata ngayon?" Tanong ni Andrei.

Umiling ako. "Wala."

"Kanina ka pa ba?" Si Prince naman ang nagsalita.

"Ay hindi! Ngayon lang ako! Hmm... Mag-iisang oras lang akong naghihintay dito eh." I said sarcastically.

"Mag-iisang oras? Eh ang usapan 10:30 ah." Sumulyap si Prince sa relo niya. "10:25 pa lang oh."

Napakunot ako ng noo. "10:30?" Inilabas ko ang phone ko. "Ang sabi niyo..."

"Hi Denisse! Let's meet tomorrow at Swiss Bliss Cafe. 10:30 a.m. Hope you can come!"

Sent by: Prince

"Ay. Akala ko 9:30. 10:30 pala." Napakamot ako ng ulo at ibinalik ang cellphone sa bulsa.

Nagpipigil naman ng tawa Si Andrei. "Hahaha... Naapektuhan na rin ba 'yunmata mo sa ginawang pagsaksak sa'yo ni Julius?"

Napalunok ako. 'Di ko alam kung matatawa ba ako o... mananahimik na lang.

Pati sila Prince at Leonard ay natahimik. Oh wait. Kanina pa pala tahimik si Leonard.

Mukhang natauhan naman si Andrei kaya napatigil siya at kunwaring napaubo.

"That... was not a really good joke Andrei." Basag ni Prince ng katahimikan.

"Sorry." Napabuntong hininga si Andrei at natahimik ulit. Siguro naalala niya din si Amber.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon