Denisse's POV
"Pinapabigay pala ng Daddy mo."
Napatingin ako sa hawak ni Tita na paper bag at kinuha 'yon. "Kailan po?"
"Kaninang tanghali. Dumaan siya dito." Tugon niya.
Binuksan ko 'yon. "Wow." Isang pink dress na hanggang tuhod. Ang ganda!
"Wow naman! Ang ganda naman niyan Denisse. Mukhang mamahalin oh." Hinawakan niya iyon. "Ang lambot ng tela. Bagay na bagay sa'yo 'to."
"Eh saan ko naman po gagamitin 'to?"
"Eh ikaw ang bahala! Malay mo, imbitahan ka sa mga social gatherings. Pwedeng-pwede mong gamitin 'to kesa sa mga t-shirt na lagi mong sinusuot."
Napanguso ako. "Eh meron naman po akong isa diyan eh." 'Yun 'yung sinuot ko nung dinner namin sa bahay nila Prince.
"Ay nako! Mas maganda na 'to para may pagpipilian ka di'ba?" Nakangiti niyang sabi. "Oh amin na 'yan at ihahanger ko na sa aparador mo."
"O sige po."
"At magpasalamat ka ha kapag nagkita kayo. O kaya naman ipasabi mo na lang kay Prince. Di'ba stepson niya 'yon?"
Tumango ako tsaka binigay sa kanya 'yun at pumunta na siya sa kwarto ko.
Hays...
"Tita sino pong nagbigay nito?" Tanong ko nang makita ang mga nakahain sa mesa. "Kayo po bang gumawa nito?"
"Ay nako hindi!" Umupo siya at binigyan ako ng plato. "Bigay din 'yan ng daddy mo. Kasabay nung dress."
Tumango na lang ako at kumuha na rin ng pagkain. "Suhol."
"Ano'ng sabi mo Denisse?"
Napatingin ako kay Tita at umiling. "W-wala po."
"Anong wala? Sa tingin mo sinusuhulan ka ng Daddy mo?"
Hindi ako nakapagsalita. Bakit? Hindi ba?
"Denisse, huwag mong iisipin na gano'n ang ginagawa niya."
Bumuntong hininga lang ako.
"Denisse, hindi gano'n-"
"Eh ano po? Hindi naman po madadala sa pera lahat eh." Tugon ko. Fudge. 'Di ko mapigilang mainis.
"Alam ko Denisse. Alam ko. Pero siguro, ito ang nakikita niyang paraan para mapalapit sa'yo at makabawi. Tsaka, gagawa pa siya ng paraan para magkaayos kayo. 'Di lang naman ganito ang kayang gawin ng isang ama. Tandaan mo 'yan."
Bumuntong hininga ulit ako at tumango.
Napatingin kaming dalawa sa cellphone ko nang tumunog ito. "Si Daddy po. Tumatawag."
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...