Denisse's POV
"Tita, ano pong lulutuin niyo?" Nilapitan ko si Tita at tinignan ang paghiwa niya ng patatas. "Menudo po ba?"
Ngumiti siya. "Ano pa nga ba? Siyempre. Specialty ko 'to eh."
Napapalakpak ako. Yes! Menudo! Gusto ko nang makatikim ng menudo!
"Tita! Tamang-tamang! May Asia's Got Talent na pala mamaya!" Naalala kong Thursday na pala ngayon. "Grand Finals na po!"
"Ay oo nga 'no? Ngayon na ba sasabihin 'yung mga nanalo?" Kinuha naman niya ang carrots at sinimulang hiwain ito.
Tumango ako. "Opo. Sana po manalo 'yung sa Pilipinas! Si Neil po o kaya 'yung D-MX!"
Matapos maluto ang menudo ay inihanda na namin iyon sa mesa sa harap ng T.V. Malapit nang mag-8:30 kaya excited na ako.
"And the winner of Asia's Got Talent is..." Napatakip ako ng bibig at talagang tinutukan ang T.V. Whoo! Si Sacred Riana tsaka D-MX na lang ang natitira! Sana manalo ang D-MX!
"...Sacred Riana!" Tuluyang bumagsak ang balikat ko sa narinig. Tsk! Sayang! Sayang! Ang galing ng D-MX eh!
Don't get me wrong ha. Maganda naman 'yung kay Sacred Riana eh. Unique, nakakatakot tsaka nakakabilib pero siyempre, sa Philippines pa rin ako! Ang galing kaya nilang sumayaw tsaka ang ganda ng choreography nila!
"Ay sayang naman. Akala ko D-MX na panalo." Sabi ko.
"Alam mo Denisse, sa kompetisyon, kung may nananalo, siyempre may natatalo. Hindi natin alam kung saan ba tayo tutungo at may mga oras na nag-eexpect tayo pero madidisappoint lang sa resulta. Ganon ang buhay. Pagbigyan mo na." Napailing si Tita at kumain.
Napakunot ako ng noo. Huh? Ang lalim ah. Kanina, AGT lang ang pinag-uusapan. Saan napunta?
Napatango-tango na lang ako. "Ah... okay po."
"Hi Denisse!" Niyakap ako ni Andrea. "Sabay na tayo?"
Tumango ako. "Tara."
Sabay kaming naglalakad ni Andrea papuntang classroom nang huminto siya. Napakunot ako ng noo. "Uy bakit?"
Umiling siya pero nanatili lang siyang parang nakatingin sa Malayo kaya sinundan ko ang tingin niya. Sino ba 'yun?
Ahh... Si Andrei. "Si Andrei ba?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin. "Bakit?"
"'Yung kasama niya." Sagot niya kaya tumingin ulit ako sa gawi nila Andrei. Oo nga. May kasama siyang babae.
"Sino naman 'yan?" Tanong ko.
"That's... Amber." Sagot niya kaya bahagya akong nagulat.
"We?"
Tumango siya. "Yup. That's her. The weird crying young lady." Napabuntong hininga siya at umiling. "Argh. Just don't mind them na nga lang. Let's go na."
Naglakad ulit kami papunta sa classroom.
Nandoon na rin si Prince pagpasok namin. Binati namin siya at sakto namang dumating 'yung teacher namin.
"Krrrriiiinngg! Kkrriiinggg!"
Nagsitayuan na kaming lahat para pumunta sa canteen.
"Tara dun tayo." Aya ni Prince kaya sumunod na kami.
Pagkaupo namin ni Andrea, nanatili pa rin siyang nakatayo. "Ako na lang pipila. Ano bang gusto niyo?"
"Libre mo ba?" Nakangiting tanong ni Andrea. Nagpapalibre din pala ang mga mayayaman? Hehehe...
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Ficção AdolescenteIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...