Chapter 25: Man in Black

71 5 1
                                    

Denisse's POV

"Huy Denisse!"

Nagbalik ako sa wisyo dahil sa pagtawag ni Andrea. "Huh? Ano 'yun?"

"Wala! Sabi ko maganda ka. Tulala ka nga lang parati!"

Napakamot ako ng ulo. "Sorry. May... may iniisip lang."

Ngumisi siya. Luh?! Ano na naman kaya 'yung iniisip niya? "Hmmm... Sino naman 'yang iniisip mo?"

Napakunot ako ng noo at umiwas ng tingin. "Wala."

"Yiiee! Ikaw ah! Ang haba ng hair mo girl! Natatapakan na yata ni Miss South Africa!"

Napakunot ako ng noo sa pinagsasasabi niya. "Ha?"

"Siguro iniisip mo 'yung nangyari sa bahay 'no? Yiiee! Ikaw ah!" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko habang natatawa pa. Napapatingin naman sa gawi namin ang ibang estudyante na naglalakad.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Duhh? May amnesia ka ba o ano? 'Yung PDA niyo ni Leonard!"

Nanlaki ang mata ko at kaagad nilinga ang paligid. Haluh! Sana walang nakarinig! Wala namang masyadong estudyante ang dumadaan. Andrea talaga! "Sshh! Andrea?"

"Oops! Sorry." Mas hininaan niya ang boses niya.

Siya 'yung nakakita sa'min ni Leonard na magkayakap. Pinuntahan niya na ako sa taas kasi ang tagal ko daw. Kaagad kong tinulak si Leonard at hinila na si Andrea pababa nang hindi pinapansin si Leonard.

"What's the meaning of that hug ba?"

Umiling ako. "Dalawa ang meaning no'n." Sagot ko.

"Waah! Really? Ano?" Mas lumapit siya sa'kin.

"A. Hindi ko alam. B. Wala."

Napanguso siya kaya't natawa ako. "Ikaw talaga! Pinaglololoko mo ako eh!"

"Eh yun naman talaga!"










"Yes! Sa wakas natapos na rin 'yung report natin!" Napapalakpak si Andrea at tumango naman ako.

"Oo nga. Wala na tayong poproblemahin." Tugon ko tsaka tinignan si Prince. "Kayo Prince? Tapos na kayo sa powerpoint niyo?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Andrea dahil nakatulala lang si Prince. Nakatingin sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip. "Prince?"

Para namang natauhan si Prince at pinalipat-lipat ang tingin sa amin ni Andrea. "Huh? Ano 'yun?"

Napairap si Andrea. "Tsk. Wala! Parehas kayo ni Denisse!"

Napakunot ako ng noo at itinuro ang sarili ko. "Ako? Bakit ako?"

"Maganda at gwapo nga kayo, lagi naman kayong natutulala! Hahaha!"

Napakamit na lang ako ng ulo.

"Oh. Nandoon na pala 'yung sundo namin." Tinuro niya ang itim na kotse. "I'll go ahead na. Ingat kayo! Bye!"

Nagpaalam na kami kay Andrea at sabay naman kami ni Prince maglakad palabas ng campus.

"Bye Prince." Paalam ko sa kanya nang makarating kami sa kanto.

Ngumiti siya at nagulat na lang ako nang halikan niya ang pisngi ko. "Uhm... Bye..." Ngumiti siya ulit pero parang ang lungkot niya. "Ingat ka Denisse. Lagi." Iyon lang ang sinabi niya kaya tumango na lang ako sa kabila ng pagtataka.

Mula pa kanina ay tahimik lang siya at parang malalim ang iniisip. Tungkol kaya sa usapan nila noong Sabado?

"Sige. Bye. Ingat."

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon