Chapter 7: Knight in Shining Armor

89 6 1
                                    

Denisse's POV

"I knew it! Wahaha!"

Napanguso ako at umiwas ng tingin. Pinagmamasdan ang mga kaklase kong nagkakagulo.

Nandito na kami sa classroom at hinihintay na dumating ang next subject teacher namin.

Ito namang katabi ko ay walang tigil sa pang-aasar sa akin kahit kaninang papunta kami dito sa classroom. Mabuti na lang ay alam niyang hinaan ang boses niya kung hindi ay maibubunyag na sa buong mundo ang karumal dumal kong sikreto. Baka maging tampulan na naman ako ng tukso at tawanan. Hays...

"Hays, I understand you naman eh. Hihihi."

Tumango na lang ako at dumukmo sa upuan ko. Shet.

"Hi Prince!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pagtawag ni Andrea sa pangalan niya.

Lunok. Lunok. Lunok.

"Uy, Denisse! Say hi naman kay cru--- I mean Prince!"

Pinanlakihan ko ng mata si Andrea. Argh! Sinasabi ko na nga ba! Nanganganib ako dito!

Pilit kong nginitian si Prince. "Hi."

"Hi!" Nginitian niya ako at umupo na sa upuan niya.

Tinignan ko si Andrea at nandoon na naman ang pangisi-ngisi niya.

"Andrea?" Paglabi ko ngunit nagkibit balikat lang siya at kinindatan ako.

Ang hirap.





Hinawakan ko ng mahigpit ang mga librong dala-dala ko. Galing ako sa library upang manghiram ng mga librong kakailanganin para sa isang report. Uso naman ang internet pero para sa akin ay kailangan pa rin talaga ng mga libro.

Dumaan ako sa tapat ng tatlong estudyante at nanlaki ang mata ko nang patirin ako ng isa sa mga ito!

"Hahahahahahaha!"

Argh. Nagkalat ang apat na librong dala-dala ko sa sahig. Ang ibang estudyante ay nakikinood na rin at natatawa habang tinitignan ang kalagayan ko.

Tinignan ko ang tuhod ko at kita ko ang unting pagdurugo nito. May galos din sa braso ko. Magaspang kasi ang sementong nilalakaran ko.

Napakagat ako ng labi at tiningala ang mga nagtatawanan sa akin. Napapikit ako at huminga ng malalim. Nakaramdam ako ng kaunting kirot dahil sa sugat na natamo ko.

"Hahahahahahahaha!"

Unti-unting namuo ang mga luha ko at hindi ko na napigilan iyon sa pagpatak.

Patuloy pa rin sa tawanan ang mga estudyante at luminga-linga ako nagbabakasakaling makikita ko ang kakampi ko.

"... They will continue to bully you but I'm always here for you."

Nasaan ka na? Napayuko ako at inisa-isang pulutin ang mga libro.

Napakunot ako ng noo at napatingala dahil biglang natigil ang mga tawanan.

At nakita ko siya.

Ewan ko. Hindi siya ang inaasahan kong darating pero nakaramdam ako ng tuwa. Pakiramdam ko ay ligtas na ako kasi nandito na siya.

Iginala niya ang tingin niya.

Naiwan naman ang tatlong estudyanteng nadaanan ko. Mababakas sa mukha ng pumatid sa akin ang labis na takot.

"Leonard... h-hindi namin sinasadya..."

"Liar." Natahimik sila at napalunok ako.

"Ano bang ginawa sa inyo ng babaeng 'to?" Sinulyapan niya ako. "Wala kayong karapatan na pagtawanan o saktan siya. What? Por que ba hindi siya kasing yaman niyo ay tingin niyo mas mataas na kayo sa kanya?" Humalakhak siya. "Well, let me tell you. You're all wrong. Sa pinapakita niyo ay mas mataas siya. You're pushing her down because you all know that she's ahead of you. How pitiful. Tsk. Tsk. Tsk." Lumapit siya sa akin at tinulungang makatayo.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon