Chapter 31: With Him... As Always

61 7 1
                                    

Denisse's POV

"Ano bang ginagawa mo?!" Singhal ko pero nagbuntong hininga lang siya. "Ano? Sagot!"

Tinignan niya lang ako at nagkibit balikat. "Wala lang."

PuteknaLeonardanoba???!!!!

Napahilamos ako ng mukha. Argh! "Please. Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Bakit mo ba ako sinusundan ha? Alam mo bang kinakabahan na lang ako palagi at halos ayaw ko nang dumaan dito dahil diyan sa ginagawa mo?"

"I'll... explain to you later. You need to go home." Tugon niya at hinawakan ang kamay ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Argh.

"Ahm, hindi mo naman siguro kailangang gawin 'yan 'no?" Sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya. Umiling lang siya at nauna nang maglakad. Tsk. Mang-iiwan talaga.

"Hoy! Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko!" Sabi ko at napatigil siya. "Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Kailan mo ba gustong malaman?"

Napairap ako. Ugh. Anong klaseng tanong ba 'yan? "Ngayon na."

Umiling siya ulit. "Ahh, bukas na lang. You need to go home." Muli niyang hinawakan ang kamay ko at kahit na pilit kong tanggalin ay hindi ko magawa dahil mahigpit ito.

"Mang Bernie, pahatid po." Sabi ko nang makarating na kami sa paradahan. Si Mang Bernie naman ay nagtatakang pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Leonard na nakayuko.

"Eh sino namang kasama mo, Denisse?"

Napatingin ako kay Leonard. "Ah, si ano ho—"

"Ah! Sonson! Iho! Ikaw pala iyan!" Nalipat naman ang tingin ko kay Mang Bernie.

"Hello po, Manong."

"Magkakilala po kayo, Mang Bernie?" Tanong ko. Huh?!

"Ay oo naman. Bata pa lang 'yan kilala ko na 'yan. Lagi pang tumatambay dito nung 3rd year highschool palang. Eh siya nga pala—"

"Mang Bernie, alam niyo po bang sinusundan niya ako?" Sumbong ko at sinamaan ng tingin si Leonard na parang wala na namang pakialam.

"Oo naman—"

"Ho?!" Singhal ko! "Pa'no niyo po nalaman?"

"Napansin ko din siya dating sumusunod sa'yo, eh ayun. Sinita ko. Nalaman kong si Sonson pala at tsaka pinoprotektahan ka daw niya kaya—"

"Ah tara na po Manong. Pagabi na rin po." Napakunot ako ng noo nang pumasok na si Leonard sa loob ng tricycle.

"Diyan ka talaga?" Tanong ko na tinanguhan naman niya. Napairap ako. "Hay. Sige. Dito na lang ako sa labas." Sabi ko at naglakad na papunta doon. Paupo pa lang sana ako nang lumabas siya. "Uy, ano bang problema mo?"

"Doon ka na lang sa loob."Sabi niya at hinila ang kamay ko at pinapasok sa loob ng tricycle. "Ako na lang dito sa labas."

Kunot noong sinundan ko siya ng tingin. Ano ba talagang problema niya? Putek. Ang dami kong hindi alam tungkol sa lalaking 'to. Napakamisteryoso.

Hindi na lang ako pumalag at maya-maya pa'y nakarating na kami sa bahay. Siya din ang nagbayad ng pamasahe ko. Tanging thank you na lang ang nasabi ko. Gusto ko sanang itanong kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to pero... 'wag na pala.

Pansin ko din ang isang sasakyang nakaparada sa harap ng gate pero hindi ko na lang pinansin 'yon.

"Sige. Bye na. Ingat ka sa pag-uwi."

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon