Andrei's POV
Napatingin kami sa pintuan nang magbukas ito at dali-dali naming nilapitan si Denisse.
"Oh gosh! What? Ano'ng pinag-usapan niyo?" Tanong ni Andrea.
"Denisse? Are you okay?" Hinawakan ni Prince ang kamay niya. Pansin namin na parang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Huwag niyong sabihing pinaiyak siya ni Nickson?!
"Ano'ng sabi niya?" Tanong ko. Ang dami kong gustong itanong. Kung nasabi na ba ni Leonard ang lahat? Kung ano ba talaga ang problema niya? Kung may nangyari bang masama?
But seeing Denisse like this made my mouth shut.
Umiling lang siya at nagpunas ng luha. "Aalis na ako. H-hindi..." Humikbi pa siya ng saglit bago muling pinunasan ang mukha. "Hindi niya ako kailangan eh. Ano bang magagawa ko? Hindi ko alam. Wala." Pagkatapos ay bumaba siya roon at lumabas.
Nagkatinginan kaming tatlo hanggang sa sinundan siya ni Andrea.
Napatingin naman ako kay Prince at hinawakan siya sa balikat. "Oy saan ka pupunta?"
"I need to follow Denisse."
"Pero paano si Nickson?"
Napakunot siya ng noo. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob pero bro, Denisse went out crying at sure akong si Nickson lang naman ang may gawa nun eh." Napabuntong hininga siya. "Ikaw na ang bahala kay Nickson." Sabi niya at tuluyan na ngang umalis.
Damputek. Napailing ako at pumasok na ulit sa loob ng kwarto ni Denisse.
"Nickson. Denisse is crying." Sambit ko at tinignan siya. Kung kanina ay nakaupo siya, ngayon naman ay nakahiga na siya sa kama at nakatingala sa kisame. Mas lumapit ako sa kanya.
Mukhang mas kalmado na siya ngayon.
Napabuntong hininga muna siya. "I know." Sambit niya sabay pikit. Pansin ko naman ang pagtulo ng luha galing sa mata niya.
F*ck. What did he just do?!
Napahilamos ako ng mukha at nagpalakad-lakad. Tinitigan ko ang paligid. Ano bang nangyayari sa kanya?!
Paikot-ikot lang ako doon. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan.
Hanggang sa may matapakan akong crumpled paper.
Pinulot ko iyon at binuksan. What's a crumpled paper doing in the middle of this room trashed with can of beers?
Napakunot ako ng noo matapos mabasa iyon sabay tingin kay Leonard na hanggang ngayon ay tulala pa rin at nakatingin sa kisame.
"Sh*t."
"Her father is dead at baka siya na ang isusunod ko."
Sabado...
Andrea's POV
I am currently here on the grocery to buy ingredients for tomorrow. Kasi nga di'ba? Bukas yung bonding time namin nila Denisse and Amber.
"Putek. Ang dami nito." Sambit ko habang pinagmamasdan ang listahan. Pinapabili pa ako ni Kuya ng sandamakmak na dog food para sa aso niya. Psh. Utusan daw ba ako?!
Ako nga lang ang mag-isa ngayon eh. Dapat pala nagpasama na ako kila Yaya! Psh!
Hays nako! Better get started now!
Habang namimili ako, I can't help but to get sad and worried for Denisse. Tsk. I'm very sad for her. And yup. Nagkuwento siya sa'kin habang nasa park kami. Doon niya inilabas ang iyak at sakit na nararamdaman niya dahil nireject siya ni Leonard at ipinamukha sa kanyang hindi mutual ang feelings nila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...