Chapter 29: Milk Shake

65 7 1
                                    

Andrea's POV

Naghikab ako ng pang-ewan na beses. Argh! I hate homeworks! Really!

"Pa'no ba is this?" Bulong ko sa sarili at muling sinolve ang lecheng probability na 'to.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko na oh so lovely! Pero hindi lovely ang gising pa rin ako ng alas onse ng gabi gumagawa ng assignment! Argh!

"I'm very sleepy na..." Bulong ko ulit at napapikit-pikit. Bakit ba kasi inuna ko pang tapusin 'yung 6th at 7th episode ng pinapanood kong k-drama eh! Ayan tuloy! Humikab ako at kinusot ang mata kong kanina pa gustong pumikit. Ramdam ko din ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Sinampal-sampal ko ng mahina ang sarili para kahit papano ay mabuhay ang diwa ko.

Napabuntong hininga ako. This won't work. I need a drink.

Bumaba ako papuntang kitchen para magtimpla ng gatas but as I pass by the sala, muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat.

"Andrei naman! Why are you here ba?" Tanong ko at kinapa ang switch ng ilaw. Automatic na nagliwanag ang paligid and there, I see Andrei holding his phone, smiling like a total idiot. "You scared me."

Umirap siya. "Wala lang. Hehehe."

Inirapan ko din siya dahil alam kong hindi ko siya makakausap ng maayos.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya at nagkibit balikat ako.

"I'm doing my homework."

"At this hour? You should've done that earlier."

"Eh bakit ba?"

"'Yan kasi napapala mo sa kanonood! Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling siya at for the second time, inirapan ko ulit siya.

Zzzzzoooooo what?!

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na sa kusina para magtimpla at uminom.

Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa itaas pero nang mapadaan ako sa sala ay nandoon pa rin ang kakambal ko. Nakaupo siya patalikod. Hmmm... Ano bang pinagkakaabalahan nito?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya nang hindi niya naririnig ang mga footsteps ko. It's very silent dahil kami na nga lang ang gising so I need to be extra careful.

Shush.

I slowly walked behind him to get a good look of what's he doing. Ohh... So he's texting someone. I wonder who this is. Is it a boy? Or a girl?

"You're amazing, haha! See you tom. Sweet dreams! 😘"

He hit send.

"Who are you texting—"

"Holy sh*t!"

Napakunot ako ng noo habang siya naman ay napatingin sa akin na nanlalaki ang mata.

"Andrea?! Kanina ka pa diyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Nagkibit balikat ako at kunwaring nag-isip. "Hmmm... I don't know. Maybe enough to read your last text message to whoever you're texting."

Napahilamos siya ng mukha. Frustrated much? "Ugh. Forget about that." Tumayo siya at nauna nang maglakad.

Napailing ako. Sino kaya 'yun? Tsk. Luma-love life na naman siya! Hahaha!

Pagkaakyat ko ay pinili ko na lang matulog kesa tapusin ang homework. Gagawin ko na lang bukas sa school. Bakit pa nila tinawag na homework kung sa school lang rin naman ginagawa ng mga estudyante, di'ba?

Isa pa, I'm very sleepy na talaga and I could sleep right here, right now—

Zzzzzzzz....


Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon