Chapter 34: Dinner With Family

52 5 0
                                    

Denisse's POV

Weekend.

"Oh, ayos ka na ba Denisse?" Tanong sa akin ni Tita.

Tumango ako. "Opo Tita."

Ngumiti siya at niyakap ako. "Hanga ako sa'yo Denisse. Sana magtuloy-tuloy na 'to. Alam kong mahirap para sa'yo pero sigurado akong magiging okay din kayo." Sabi niya at kumalas.

Isang ngiti lang ang itinugon ko.

"Beep! Beep!"

"Oh nandiyan na pala ang sundo mo."

Napatingin ako sa labas at nakita ang isang itim na kotse. Nilinga ko si Tita at hinalikan sa pisngi para magpaalam. "Sige po Tita. Alis na po ako."

Pagkatapos nu'n ay lumapit na ako sa sasakyan kung saan nakatayo si Prince sa gilid. "Tara?"

Ngumiti siya at pinagbuksan ako. "Tara. Excited na ako."

Ako? Hmm... Excited rin pero mas nangingibabaw ang kaba.

Nope. Hindi 'to date 'no. Pupunta ako sa bahay nila Prince. Inimbitahan ako nila Daddy at Tita Queenie para doon magdinner sa kanila. Sana hindi masungit Si Tita Queenie.

"Are you nervous?" Tanong ni Prince habang nakatingin sa daan.

Tumango ako. "Oo naman 'no."

"Don't worry. Everything will be alright."

"Mm." Ngumiti ako at tumingin sa labas.





"We're here!" Sambit niya at pinagbuksan ulit ako ng pintuan.

"Salamat."

"Oh and one more thing... you really look beautiful tonight Denisse." Sambit niya kaya't napalunok ako at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Shocks. Prince naman eh.

Ang plano ko lang sanang suotin ngayon ay simpleng v-neck shirt at jeans pero ayaw ni Tita. Sabi niya mag-ayos naman daw ako kahit konti kaya eto. Pinilit niya akong magsuot ng Blue, black, and white stripes na dress. 'Di pa naman ako sanay.

In fairness, bagay naman daw sa'kin. Ano?

"Salamat." Speechless ako ngayon. Huwag na kayong magsalita diyan.

Sinalubong kami ng isang maid doon.

"Good evening Sir Prince. Good evening Ma'am Denisse!" Bati nito.

Napakunot ako ng noo. "Kilala niyo ho ako?"

Napakamot ito ng ulo. "Ay eh, ngayon ko lang po kayo nakita sa personal pero Denisse raw po kasi 'yung pangalan ng bisita ngayon." Paliwanag niya kaya't napatango ako.

Pinapasok kami at namangha ako sa lawak at ganda ng loob ng bahay. Wow.

Napukaw rin ng isang family picture ang atensyon ko. Family picture...

Nandoon si Tita Queenie, si Prince, si Princess, at si Daddy.

One big happy family. Wow ulit.

"Welcome to our home. Upo ka."

Tumango ako at umupo nga sa sofa nila.

"Oh you're here!"

Napatingin ako sa likuran at nakita ko ang isang babae, hindi masyadong halata ang katandaan nito, at napakaelegante ng itsura, idagdag pa ang mukhang mamahaling suot nito. "Hi! Good evening! You must be Denisse?"

Tumayo ako at tumango. "Opo. Good evening po."

Ngumiti siya at bumeso. "Good evening too. Aww, you're so beautiful Denisse, just like what Prince told me."

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon