Dedicated to: lirpayoj27
Madie's POVNasa school kami ngayon two subjects na lang at uwian na din namin. Haystt.. Salamat naman matatapos na ang araw na to. So nandito kami ngayon sa home room namin english ang subject namin kay Ma'am Del Rosario. Yun ang favorite subject ko ang galing nya kasi magturo eh! Wala syang pinagawa samin ngayon naglecture lang nakakapanibago naman. Bakit kaya?? Ano kaya problema ni Ma'am. Wala kasing activity ngayong araw di naman sya ganon. Maya maya lang bago mag time nagsalita si Ma'am.
"Class. Gusto nyo na ba malaman kung sino ang mga top ngayong 1st quarter?" masayang tanong ni Ma'am. Ah kaya pala di sya nagpagawa ngayon ng activity kasi sasabihin na nya yung mga kasali sa top. Oh my!! Totoo?! Sasabihin na nga ni Ma'am?!Kinakabahan na talaga ako. Gusto ko sana kasi makasama sa top 10 pangarap ko yun eh!
"OMG!!" Sabi ng iba kong classmate.
"Ano ba gusto nyo lahatan o top 10 lang??" Tanong samin ni Ma'am.
"Ma'am lahatan po." Masigla naming sabi kahit kabang kaba kami. Sana di ako line of seven, kinakabahan na talaga ko malamig na yung dalawa kong kamay.
"Tumayo kayong lahat. At pag natawag ko na ang pangalan nyo uupo kayo." Sabi ni Ma'am.
"Okay po Ma'am." Saad naming magkakaklase. 63 kaming lahat magkakaklase. Swerte mo kapag pumasok ka sa top. Andami kasing katunggali. Sakin okay lang kahit di ako sa top basta pasado ako. Proud na ko dun atleast nag-aral akong mabuti nuh!
"Okay simulan na natin. Rank 62 Arellano, John Michael R. Pagbutihan mo pa lalo ang pag-aaral mo ha! Anak kasi lagi kang di pumapasok eh! Wala ka pang mga quizes at seatwork pati na rin mga activity." Sabi ni Ma'am.
"Opo Ma'am lagi na po ko papasok." Sabi ni Michael at umupo na. Kawawa naman sya pero mas kawawa yung mga magulang nya na nagpapa-aral sa kanya. Ang dami ng nabanggit ni Ma'am nasa pang Rank 40 na at di pa rin ako natatawag.
"Rank 40 Tan, Kimberly A." Sabi ni Ma'am.
"Rank 39 Fuentabella, Kyle Blaine C." Sabi ni Ma'am. Nice one Daddy, hindi na masama.
"Rank 38 Buenaventura, Angelo B." Sabi ni Ma'am.
"Rank 37 De Guzman, Jayson G." Sabi ni Ma'am. Nice mga tropa. Habang papalapit ng papalapit grabe yung heartbeat ko anlakas ng tibok.
"Rank 13 Celeste, Bernadeth C." Sabi ni Ma'am.
"Sayang." Sabi ni Bernz at umupo na. Kinakabahan na talaga ko iniisa isa na kami dito sa hilera namin.
"Rank 12 Tolentino, Trizha C." Sabi ni Ma'am. Ako na siguro matatawag.
"Rank 11 Delo Santos, Paola D.G" sabi ni Ma'am. At nakahinga ako ng maluwag.
"The top 10." sabi ni Ma'am. Nagpalakpakan na ang mga classmate namin. OMG! Hindi ako maka paniwala nakasama ako sa Top, isang malaking achievement para sa akin yun. Hindi talaga ako makapaniwala. At nag-umpisa na nga si Ma'am.
"Top 10................Torez, Winnie T." Sabi ni Ma'am. At masayang umupo si Winnie. Pinalakpakan sya ng mga classmate namin at maging ako syempre.
"Top 9.................Smith, Sierra Madison G." Sabi ni Ma'am. At pinalakpakan ako ng mga classmate ko at umupo na ko.
"Galing mo Madie." Sabi sakin ni Pau.
"Salamat. Mas magaling ka nuh! Kayong dalawa ni Joan." Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya. Di ba ang galing naming tatlo nakapasok kami sa top 10 #FriendshipGoals. Yan ang tunay na magkakaibigan. Hindi ko namalayan Top 6 na pala hehehe! excited lang kasi akong sabihin sa mommy at papa ko to kasi alam ko matutuwa sila pag nalaman nila na nag-aaral ako ng mabuti, kahit na broken family kami. Tama na nga ang emote papakinggan ko na ulit si Ma'am."Top 6...................Lopez, Pauline L." Sabi ni Ma'am.
"Naks galing mo beshie Top 6 congrats." Sabi ko sa kanya.
"Congrats satin tatlo. Antatag ni Joan di pa natatawag hahaha!" sabi ni Pau.
"Oo nga nuh!" Sabi ko naman. Hanggang sa Top 2 na lang sila na lang ni Angela ang magkalaban naku! Sa top 1 si Joan wag sana si Angela sipsip lang kasi yun! I hate that girl.
"Top 2................Lorenzo, Angela L." Sabi ni Ma'am. Hahaha! Buti naman nanalo kami.
"At ang Top 1 natin walang iba kung hindi si Miss President. Gomez, Joan G." Sabi ni Ma'am. Nagpalakpakan kami, ang galing pare pareho kaming honors.
"Congrats sa mga naka top at sa mga mabababa ang grades may next quarter pa bawi na lang tayo. Pagbutihan ang pag-aaral. Okay class goodbye." Sabi ni Ma'am.
"Goodbye Ma'am Del Rosario. Thank you for teaching us." Sambit naming lahat. Lumabas na ng room si Ma'am at nag-ayos na kami ng mga gamit namin para makalipat na sa next subhect namin.
"Pagbutihan ulit natin sa next quarter ah!" Sabi ni Joan.
"Oo naman. Tara na!" Sabi ni Pau at naglakad na nga kami papuntang computer room yun kasi ang huli naming subject bago mag-uwian. Nasa 2nd floor na kami ng building pumila na kami kasi maya maya lang bubuksan na ni Ma'am yung pinto.
"Oy Miss Top 9 ikaw na leader namin sa english ah!" Sabi sakin ni Eric. Wow ah! Makapag utos wagas.
"Yah! Bat ako??" Sabi ko.
"Ehh nasa Top ka eh!" Sabi ni Eric.
"Aishhh!! Bahala kayo." Sabi ko. Bigla naman sumulpot sa gilid si Blaine.
"Naks! Mga Honors, ang gagaling." Sabi ni Blaine habang pumapalakpak.
"Salamat." Sabay sabay namin sinabing tatlo.
Uwian na namin ngayon palabas na ko ng gate nauna na ako sa kanila kasi susunduin ako ni papa. Excited na kong masabi kay papa ang good news siguradong matutuwa papa ko nito. At nakita ko na nga sya kausap yung guard namin sa gate.
"Sige una na kami. Nandito na anak ko." Sabi ni Papa dun sa guard.
"Oh sige po." Sabi naman nung guard. Habang naglalakad kami....
"Papa." Tawag ko kay papa.
"Bakit?" Sabi naman ni papa.
"Pa Top 9 po ko." Sabi ko kay papa. Nakita ko sa kanya ang pagkatuwa sa sinabi ko.
"Aba! Ang galing ng anak ko. Ano gusto mo?" Sabi ni Papa.
"Ice cream po." sabi ko at bumili nga kami ng ice cream. Pagkarating namin sa kanto namin masaya nyang ibinalita sa mga nagtatanong na Top 9 ako, di ba proud na proud sakin papa ko. Kaya love na love ko to eh!A/N: Guys nagustuhan nyo ba yung UD ko sensya na kung slow UD ko dami kasing ginagawa eh! Pero sana subaybayan nyo pa rin po. Pasensya na po kung pangit ako gumawa. Pero I tried my best naman po para mapaganda tong story ko.
Leave a vote guys. Mahal ko kayo
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...