EPILOGUE

2.3K 61 9
                                    

Sabay sabay kaming grumaduate ako at yung 5 in 1.  Now I'm working in a company and he is my boss. Sino pa nga ba edi si Mr. Kyle Blaine Fuentabella. Yung Boyfriend ko, boss ko na ngayon. Hahaha! Ang cute lang isipin na ang layo sa course namin yung napasukan naming work. And sila yung may ari ng company di ba? Di ako makapaniwala hahaha!
Sila Brice at Axel ayun sumampa na ng barko. Para naman daw pagbalik nila may girkfriend na sila.
Si Basty nasa ibang bansa galante na yun eh! And babalik naman daw siya kapag sinaktan ako ni Blaine. Well alam ko namang hindi mangyayari yun hahaha! I'm happily with him.
Si Andrew ayun babaero pa din walang pinagbago. Kailan kaya makakahanap yun ng makakapagpatino sa kanya.

"Girlfriend ko." Sabay kiss sa pisngi ko.

"Oh tapos na meeting nyo?" Tanong ko.

"Opo. Tara Jollibee tayo." Sabi niya at kinuha na ang bag ko.

"Libre mo ah!" Sabi ko.

"Opo." Sabi niya kaya humawak na ko sa braso niya. Pinagbuksan niya na ko ng kotse. Habang nag dadrive siya di ko mapigilang titigan siya. Mas lalo siyang pumogi ngayon. Parang dati lang nag aasaran kami. Parang dati lang sinasabunutan ko pa to.

"Oh baka matunaw ako." Asar niya sakin.

"Baliw kapal mo!" Sabi ko at hinampas siya.

"Ang hilig talaga manakit hahaha!" Sabi niya.

"Parang dati lang nag aasaran lang tayo." Sabi ko.

"Hahaha! Ang cute mo nga nun pag naaasar ka eh!" Sabi niya ng natatawa.

"Sus! Inlove ka naman sakin nun." Sabi ko.

"Syempre sinong di ma iinlove sa ngiti mo." Sabi niya at ngumiti sakin shit nakita ko na naman dimple niya.

"Oh natahimik ka ata." Sabi niya at hininto ang sasakyan. Lumapit siya sakin, sobrang lapit. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Pati ng..

"Labi."

"Ano meron sa labi ko? Hmmm.. ikaw ha!" Natatawa niyang sabi. Shit nasabi ko yung nasa isip ko. Ngumiti naman ito ng nakaloloko at mas lalo pang lumapit sakin.

"Diyan ka lang." Pagbabanta ko.

"Anong gagawin mo paglumapit ako sayo?" Sabi niya at mas lalo pa siyang lumapit sakin at ninakawan ako ng halik.

"Magnanakaw." Sabi ko.

"Ikaw nga matagal mo ng ninakaw puso ko nagreklamo ba ko?" Asar niya sakin.

"Ikaw talaga Kyle Blaine Fuentabella!" Sigaw ko.

"I love you Girlfriend ko, tara na at nagugutom na ko." Sabi niya at lumabas na ng pinto. Talaga naman yung lalaki na yun. Naku! Kung di ko lang mahal to.

"Madami akong kakainin ah!" Sabi ko ng nakangiti.

"Alam ko naman yun, kahit anong orderin mo sagot ko." Sabi niya at nginitian ako. Ang swerte ko sa Boyfriend ko.

"I love you Kyle." Sabi ko.

"I love you more Sierra." At kiniss niya ang forehead ko.

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon