Madie's POINT OF VIEW
Hindi ako naka pasok today kasi linalagnat ako. Kaya ngayon eto ako nakahiga sa malambot ko kama. Ako lang din ang tao dito sa bahay. Lahat sila nagsi pasok. Iniwanan na lang ako ni papa ng lutong lugaw para daw may kainin ako habang wala sya. Tapos binilan nya din ako ng coke at royal. Ayaw ko kasi ng tubig eh! Lalo na pag may sakit ako. Gusto ko ng mga juice or Soft drinks. Bigla namang nag beep yung phone ko kaya tinignan ko.
From: Daddy Ko
Baby nalaman ko kay Kim na may sakit ka. Pinuntahan kasi kitang room nyo pero absent ka daw may sakit ka daw eh! Kaya tinext kita. Alam mo bang miss na kita kaya please pumasok kana bukas. Hahaha!! Nagtatampo na ko sayo minsan mo na lang ako itext tapos minsan na lang tayong magkita sa school. Kaya pwede bang kahit may bf ka na baby itext mo pa rin ako katulad ng dati. Pero wag muna ngayon dahil may sakit ka kaya magpahinga ka okay. Wag naman munang mag cellphone mabibinat ka. O gusto mo bang puntahan kita jan para may kasama ka?? Alam ko namang wala kang kasama ngayon jan eh! Kung kailangan mo ko tawagan mo lang ako at pupuntahan agad kita okay?? I love you Baby Madie Ko.Pagka basa ko nun napangiti ako. Hindi parin nawawala pag ka abnormal nya hahaha!! Bakit ka ba ganyan Blaine. Ang sweet mo masyado. Baka mamaya mahulog na ko sayo nyan?? Sige ka baka di mo ko masalo hahaha!! Nag reply naman ako sa kanya.
To: Daddy Ko
Opo Daddy. Hindi po ko mag ccp. Rineplayan lang kita hahaha!! Baka sabihin mo di na ko nag rereply sayo eh! Tsaka okay lang ako dito Daddy, kaya ko sarili ko. Basta itetext kita kapag kelangan kita okay! Aral ng mabuti Daddy. I love you too Daddy Ko.Pagka reply ko sa kanya pinatay ko na yung phone ko. Wala naman kasi akong katext eh. Si Lek Lek naman kasi di man lang ako naalala mabiti pa yung Bestfriend ko naalala ko eh syang boyfriend ko di man lang ako naalala. Kasura sya!! Naidlip na lang ako kasi ang sakit ng ulo ko.
Blaine's POINT OF VIEW
Lunch na kaya nagpunta ko sa classroom nila Baby Boss Cute ng tawag ko sa kanya nuh! Hahaha!! Naglalakad na ko malapit sa room nila as usual pinagtitinginan na naman kagwapuhan ko hahahaha!! Pero sorry sila may Madison na ko. Kumatok na ko sa pintuan ng Guatemala.
"Bakit nandito ka Blaine?" Tanong sakin nung isang girl na classmate ni Boss.
"Ahm.. Si Madie nanjan ba??" Sabi ko.
"Ay si Madie pala pinunta mo dito. Akala ko naman ako!" Sabi ulit ng girl na parang nagpapabebe.
"Ano ka ba Sheryl! Tabi nga jan." Sabi ni Kim at tumabi naman si Sheryl daw tapos tinarayan nya pa si Kim. Ganon ba talaga ang girls?? Napakamot na lang ako ng ulo. Buti na lang iba si Baby Boss.
"Si Madie??" Tanong ko sa kanya.
"Ehh hindi pumasok, may sakit daw sya eh!" Sabi ni Kim.
"Ahh! Ganon ba?? Sige una na ko." Sabi ko at umalis na dun. Yun talagang babae na yun di man lang nagsabi sakin na may sakit sya. Tampo na talaga ko dyn kaya tinext ko sya agad.Pauline's POINT OF VIEW
Kumakain kami ng lunch ng papunta sa room namin si Blaine.
"Luh! Itago nyo ko." Sabi ko sa kanila.
"Bakit?" Sabi ni Angela.
"Baka makita nya ko." Sabi ko at ginawa nga nila yung sinabi ko.
"Bakit nandito ka Blaine?" Tanong sa kanya ni Sheryl. Tsk! Ang higad.
"Ahm.. Si Madie nanjan ba??" Sabi ni Blaine so si Madie pala ang pinunta nya dito?? Tsk!! Edi magsama sila kasura umayos na ko ng upo.
"Eh hindi naman pala ikaw ang pinunta eh! Assuming ka masyado!" Sabi ni Sheena.
Isa pa to Maki Madie kasi bwisit!! Magsama sama sila.
"Mind your own business!!" Sabi ko at inirapan ko sya kasura eh!! Pakilamera!
"Ay si Madie pala pinunta mo dito. Akala ko naman ako!" Sabi ulit ni Sheryl tsk!! Ang landi talaga! Sarap ilublob sa kumukulong mantika!!
"Ano ka ba Sheryl! Tabi nga jan." Sabi ni Kim. Tsk!! Isa pa tong pa epal eh!!
"Si Madie??" Tanong ni Blaine
"Ehh hindi pumasok, may sakit daw sya eh!" Sabi ni Kim. Sana nga lagi na lang may sakit yun kasura tsk!!
"Ahh! Ganon ba?? Sige una na ko." Sabi ni Blaine at umalis na. Di man lang nya ko tinignan?? Amp!! Nakaka inis talaga!!Madie's POINT OF VIEW
Nagising ako sa ingay sa labas kaya tumayo na ko.
"Nak mag dala ka ng damit dun muna kayo sakin." Sabi ni mama kaya sinunod ko na sya.
"Eh ma pano sila Jaslei??" Tanong ko kay mama.
"Ipapasundo ko na lang sa Tito Leo nyo." Sabi ni mama at lumabas na ng bahay. Linock ko na yung pinto namin at nagpaalam kay lolo. Sumakay na kami sa kotse. At nag drive na yung kabit ni mama.
Pagkarating namin dun nagtitinginan samin yung mga tao dun. Ano?? Nakakita sila artista hahaha!! So bumaba na kami ni Raniel oo kasama namin yung kapatid ko. Pagpasok namim sa loob nagulat ako sa nakita ko. Anak ata to nung kabit ni mama."Alis jan Charrel, jan hihiga si Madie." Utos sa kanya nung kabit ni mama. So Charrel pala yung pangalan ng anak nya. Nakakainis yung pagmumukha katulad nya tsk!! Umupo na lang ako dun.
"Raniel bumili ka ng biogesic sa tindahan kasi linalagnat ang ate mo." Utos ni mama kay Raniel sinunod naman nya agad ito pag kabalik nya ininom ko na yung gamot.
Kinahapunan madami ng mga bata sa labas dahil uwian na siguro. Kaya umupo ako sa may pinto. Tapos may dumaang lalaki kasing height ni Boss tapos naka uniform sya. Ngumiti naman sya sakin di ko na lang pinansin. Tapos pumasok sya sa pinaka huling pinto so dun pala sya nakatira. Sino kaya yun?? At bakit nya ko nginitian??
Ilang linggo pa ang lumipas dun na kami kay mama nakatira pag walang pasok umuuwi kami kay papa ganon. At palagi kong nakikita si mysterious guy. Di ko kasi know yung name nya hahaha!! Lagi nya rin akong nginingitian kapag nasa may pinto ako. Pero di ko sya pinapansin. Sino kaya yun?? Trip niya ko lagi ah!!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...