Madie's POV
6:00 am in the morning ng magising ako. Meron kaming practice ngayon at now kami magkikita ni Lek Lek. Yiieehh!! Kinikilig na ko. Tinignan ko yung phone ko at may 5 unread messages ako galing sa kanya. Grabe ang aga pa lang ah! Excited much.
Mahal goodmorning 5:00 na gising kana jan. Intayin kita. Kitakits mamaya.
5:30 na mahal nag aabang na ko ng jeep papunta sa park. Ingat ka.
Mahal nandito na ko sa park. Nasaan kana??
6:00 na anong oras na ah kanina pa ko nandito.
Paasa ka lang ata eh!
Anong oras pa lang di ko naman kasi sinabi sa kanya na pumunta sya ng maaga ang sabi ko lang ayokong naghihintay. Baliw talaga. Tinext ko sya.
"Kagigising ko lang kaya baliw ka ba di ko naman sinabing pumunta ka agad jan."
Ehh pano ba naman kasi mahirap sumakay samin, kaya nga bilisan mo na magbihis kana.
"Okay!"
Pagka text ko sa kanya nyan naligo na ko at nagbihis na.
"San punta mo nak?? 6:30 pa lang ah!" Tanong sakin ni papa.
"Ahmm.. Pa may practice kasi kami ngayon eh sa school kami magkikita kita." Sabi ko kay papa.
"Oh sige antayin mo na kami ng lola mo at aalis na din naman yun eh!" Sabi ni papa. Naku! Patay ako nito kay Lek Lek eh.. Kaya tinext ko na muna sya.To: Mahal Ko
Hal di ako makakapunta agad kasi si papa ihahatid ako eh.Naku! Kanina pa yun dun. Kawawa naman. Nakarating ng nga kami sa school nila papa.
"Dito ko na lang sila aantayin pa." Sabi ko.
"Sure ka iiwan ka na namin ng lola mo." Sabi nya.
"Opo, papunta na yung mga yun dito." Sabi ko at umalis na nga sila ni lola pumasok si lola sa bahay nila tita malapit lang yung sa school namin. Tanaw lang dito tapos bumalik si papa. Tinatanaw ata ako. Patay na di ko alam kung makakapunta pa ko. Bigla namang tumawag si Lek Lek
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...