Madie's POINT OF VIEW
Naghahanda kami ng sayaw na gagamitin namin ngayong nutrition month.
"Class, pakipatay ang speaker." Sabi ni Ma'am Mercado ang class adviser namin.
"May kaunting pagbabago sa gaganapin na Nutrition Month this year. Tatanggalin na daw yung sayaw ng bawat grade."
"Ayy ang gara naghanda pa naman kami para doon." Bulong ng isang kaklase ko.
"Ang gusto ni Ma'am Ria ay magkaroon tayo ng contest tungkol sa pagtatanim ng halaman. Pagandahan ng design, kinder to grade 6 ang magkakampi. Ang JHS Department naman ang magkakampi then ang SHS ang magkakakampi. So kelangan pagandahin natin itong corridor natin isasama na rin natin yung hagdan. Do you understand?"
"Yes Ma'am." Sagot naming lahat.
So nag-assign na si Ma'am kung anong mga dadalhin namin. Nag-usap usap din kung anong design ang gagawin.
**
Isang araw na lang at sasapit na ang Nutrition Month.
"Tulungan na kita jan." Sabi sakin ni Basty.
"Thank you." Sabi ko.
Ako yung taga glue gun tapos sya yung taga bigay sa akin ng cd and bottle. Kasi gagawin namin itong parang plot, dito ililipat yung mga halamang dala namin.
"Madie, kailangan mo ng tulong?" Tanong ni Blaine.
"Oo ikaw maglagay nung may dikit na sa ibaba. Para mapinturahan na nila." Sabi ko.
"Sige yun lang naman pala eh."
Buti na lang may mga kaibigan ako na sobrang matulungin.
**
Natapos na kami sa pagdidikit ng mga bote kaya tumulong ako sa pagpipintura.
"Pinagpapawisan kana ah!" Sabi sakin ni Blaine at pinunasan yung pawis ko gamit yung bench bath nya.
"Yiiehh!" Kantsaw samin ni Raine.
"Huwag ka nga issue." Sabi ko.
Basty's POINT OF VIEW
Talaga bang nananadya sya alam naman nyang nandito ako.
"Basty naiinitan ka na ba? Gusto mo punasan ko yung pawis mo?" Akmang pupunasan ako ni Kim ng umilaga ako at napunta sya sa may pintura.
"Arrgghh!" Sigaw niya at lumabas ng room.
"Basty mag-usap nga tayo." Sabi ni Steph. Tumayo na lang ako at lumabas ng room.
"Ano ba yun?" Tanong ko.
"Can't you see hindi ka naman mahal ng Madie na yun, and beside di mo ba napapansin na ginagamit ka lang niya para sumikat siya dito sa school. Para akalin ng mga estudyate sa kanya na "Uy ang swerte naman nun kinakausap sya ni GREY SEBASTIAN. Don't you get it mas mahal nya yung bestfriend nya. Kitang kita naman sa kilos nilang dalawa."
"Steph stop it. Wala akong pake kung mahal niya yung gago na yun! Pero ito ang tandaan mo hinding hindi ako susuko kay Madie hanggat hindi niya ko pinatitigil. Hanggat hindi mismo sa kanya nanggagaling na mahal niya yung ungas na yun. Hinding hindi ako magpapatalo kay Blaine!"
"But what if sa simula pa lang talo kana?" Tanong nya. Hindi ko iniisip yung ganoong mga bagay.
"Sorry pero kahit anong sabihin mo hindi ko isusuko si Madie." Sabi ko at tumalikod na sa kanya.
"What if mahal pa kita?" Sabi nya.
Kim's POINT OF VIEW
Arggghh!! Nakakainis, kung hindi ko lang talaga sya mahal.
"What if mahal pa kita?" Sabi ni Steph habang hawak hawak nya sa kamay si Basty. Akala ko ba nagparaya na sya? Ano to? Bakit mahal pa din nya si Basty?
"Akala ko ba hindi mo na mahal?! Ano to Steph?!" Sigaw kong sabi sa kanya.
"I can't hold it anymore. I still care, love, and hoping na magkakabalikan kami ni Basty until now. Sorry Kim, but I still love my ex. Okay naman na siguro yung 4 months na pinahiram ko sayo yung mahal ko. I still love GREY SEBASTIAN GONZALES and I will alaways." Sabi ni Steph habang naiiyak sya. Naiyak na din ako sobrang sakit eh! Alam ko na center of attraction na kami ngayon but I don't care. I felt betrayed by my bestfriend na tinuring kong parang sarili kong kapatid. This is the end of our friendship. Tumakbo ako palayo ang sakit sakit. Sana pala di na lang ako nakinig sa kanya na puwede kong syotain yung ex nya. Tumutulo yung luha ko hindi humihinto.
"Oh!" Isang boses ang narinig ko kilala ko to. Pero bakit sya nandito?
"Madie?" Gulat na sabi ko.
"Alam mo nasasaktan ako para sa inyong dalawa ni Steph. Magkaibigan kayo eh! Dahil lang ba sa iisang lalaki mabubuwag yung friendship na inalagsan nyo ng kay tagal." Nagulat ako sa mga sinabi nya. Nakatingin lang sya sa malayo. Tama sya eh! Pero mahal ko talaga si Basty. Mahal na mahal, ang bait nya kaya pala pinag-aagawan sya.
"Sige maiwan na kita." Sabi nya at tumayo na.
"Sana pag isipan mo yung sinabi ko sayo na mas mahalaga yung friendship nyo kesa sa lalaki." Sabi nya at umalis naiwan ako dito mag-isa siguro nga dapat igive-up ko na si Basty. Sige magpaparaya na ko sayo na sya Steph. Para sa pagkakaibigan natin.
**
Madie's POINT OF VIEW
"San ka nanggaling kanina pa kita hinahanap." Sabi sakin ni Blaine.
"Sorry sinundan ko lang si Kim para pagaanin yung loob nya at alam ko gagawin nya yung tama." At ngumuti ako sa kanya.
"Uuwi na daw kayo sabi ni Basty, mag-iingat ka ah.. text ka sakin kapag naka-uwi kana." Sabi ni Blaine.
"Sige boss." At nag wave na ko sa kanya.
Nakita ko naman si Basty na nakasandal sa may gate.
"Tara na." Masaya niyang sabi parang walang nangyari ah.
Basty's POINT OF VIEW
"Bakit parang namumutla ka? Okay ka lang ba?" Sabi ko kay Madie kasi ang putla nya.
"Oo, medyo nahihilo lang ako kasi ang tapang ng amoy ng pintura." Sabi nya. Sabagay ang baho talaga nung pintura.
"Magpahinga ka ha pagka-uwi mo. Inom ka ng gamot pagka tapos mo kumain. Sabay tayo papasok bukas. Huwag kana mag cellphone ng makapag pahinga ka. Alam kong napagod ka, sandal ka muna sa balikat ko." Sabi ko at sumandal naman sya agad. Pinagmasdan ko yung maamo nyang mukha habang nakapikit yung magaganda nyang mga mata. Ang haba ng pilikmata, ang tangos ng ilong at ang lambot ng labi. Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko yung gabing nakuha ko yung 1st kiss niya at ako nakuha niya din ang 1st kiss ko.
FLASHBACK....
"Pikit ka." Sabi niya.
Nakakahiyang pumikit putek! Ako lalaki dito eh!
"Bilis pikit na." Sabi nya.
Kinakabahan talaga ako. 1st time ko eh.
"Ikaw na lang pumikit." Sabi ko sakanya.
"Hmmm.." sabi niya habang nakapikit.
Shit parang lalabas yung puso ko ang lakas ng kabog. Bigla kong linapat yung labi ko sa labi nya. At tinanggal ko agad. Smack lang.
End of Flashback...
Hindi ko namalayan gising na pala sya.
"Okay ka lang bakit namumula ka?" Sabi nya.
"W-ww-ala mainit kasi!" Sabi ko at umiwas ng tingin nakakahiya. Nakita nya pa kong namumula. Bakit ba kasi nakaka adik yung labi niya.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...