Madie's POINT OF VIEW
Ilang gabi na kaming magkatext ni Basty. Bawat madadagdag na araw parang mas lalo akong kinikilig sa kanya. Wiieehh!! Dumating na sila mama at ang dami nilang dala. Wow ha!! Ano meron?? Di ako na inform.
"Nak magbihis kayo ng pang swimming. Mag swimming tayo ngayon." Sabi ni mama.
"San tita??" Tanong ni Patrick.
"Sa Amana." Sabi ni mama at nagbihis na nga kami.
"Sumakay na kayo." Sabi ni mama at bago ako sumakay nakita ko si Basty na nakatingin sakin. Umupo na ko at itetext dapat sya pero naunahan nya ko hihihi!!Convo with Basty
Sya: Uuwi na kayo??Hahaha!! Natawa naman ako sa text nya hahaha!! Tinignan ko sya sa labas parang ang lungkot nga nya hahahaha!!!
Me: Baliw!! Mag swimming lang kami. Sama ka??
Sya: Wag na nakakahiya naman kila tita.
Me: Okay. Uuwi din kami mamaya wag ka mag alala.
Sya: Sige. Ingat ka ah! Wag kang pupunta sa malalim wala pa naman ako jan.
Me: Opo.My ghadd!! Kinikilig talaga ko sa kanya. Yahhh!! Bakit ka ganyan Basty!! Lagi mo na lang akong pinapakilig. Wahhh!! Umalis na nga kami. Saktong naka bukas yung likod namin kaya nginitian ko sya. Ngumiti din naman sya agad.
**
Pauwi na kami ngayon kaya tinext ko na si Basty. Pagkarating namin sa bahay kanya kanyang ligo pagkatapos ko lumabas ako ng bahay at as usual tumambay ako sa harap ng pinto namin tapos nakita kong lumabas si Basty. Naka sumbrero sya kahit naman hindi eh ang pogi nya pa rin. Nakatitig lang ako sa kanya ng tumingin sya sakin kaya napa iwas ako ng tingin kunwari nag ccp ako hahaha!! Kagagahan ko talaga eh nuh! Umupo sya dun sa gitna yung katabi naming bahay kaya pader na lang yung nakaharang samin.. Wahhh!! Ayoko na umalis dito! Mahal na mahal ko sya! Wahhhh! Mahal agad Madie yan ka na naman eh kaya ka nasasaktan. Parang may ka text sya. Pero hindi ako yun baka si Steph.
"Yiieehh!! Sino yan Basty si Stephanie." Asar sa kanya ni JC. At tumingin pa sakin ang malandi!! Kasura!! Akala nya magseselos ako hindi kaya. Bwisit kasura. Alam ko naman na may girlfriend na si Basty. Ano ba gusto nyang palabasin??!! Pumasok ako sa sobrang inis ko baka masabunutan ko pa yung malandi na yun eh!! Pa epal amputs!! Ang ganda ganda ng mood ko eh! Sisirain nya. Nagtext naman sakin si Basty naku! Nagtaka siguro sya kasi umalis ako.
Convo with Basty
Sya: Oh bakit umalis ka??
Me: May inutos sakin si mama.
Sya: Ehh.. Wala na kaya si tita jan?? Nageselos ka ba??Bakit naman nya natanong yun?? Ako nagseselos?? Hahaha!! Di kaya.
Me: Ha?? Di ako nagseselos nuh! Di ba sabi ko sayo support ko kayong dalawa.
Sya: Okay! Sabi mo eh!Nagsaing muna ko kasi 6:00 pm na din. At baka umuwi sila mama. Bigla namang nagtext si Basty kaya tinignan ko.
Convo with Basty
Sya: Madie break na kami ni Stephanie.
Me: Wew?? Baka ginu goodtime mo naman ako Basty ah!
Sya: Hindi, totoo. Mukha ba kong nagbibiro.Sinilip ko naman sya sa labas mukha ngang hindi sya okay. Kaya umupo na ko ulit sa favorite spot ko.
Me: Kinalulungkot ko. Bakit naman kayo nag break?? Pwede bang malaman??
Sya: Kasi tinimer nya ko. Ang sakit.
Me: Sige ilabas mo lang lahat ng sakit Basty. Nandito lang ako.Kelangan ko sya i comfort ngayon. Yun ang alam kong makakapagpagaan sa loob nya.
Sya: Pero okay na din yun para naman maipakita ko na sayo kung gaano kita kamahal. Madie sasagutin mo na ba ko?
Me: Hmm... Okay.
Sya: Yes!! Sabi mo yan ah! Promise ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal. I love you.Nung makita ko yung mukha nya mukahang masaya nga sya.
Me: I love you too.
So yun hanggang gabi magkatext kami ni Basty. Official ng kami finally. Yung pinapangarap ko natupad na. Akala ko hanggang pangarap na lang yun eh! Wahhh!! Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...