CHAPTER 73: New School

1.6K 46 10
                                    

Madie's POINT OF VIEW

"Ma, sa Phillips na lang ako mag-aaral." Sabi ko.

"Ha? Bakit naman biglaan anak?" Tanong nya.

"Ayoko na po sa Mater Dei, ilipat mo na ko please. Ayoko na pumasok dun." Pagmamakaawa ko.

"Malayo kasi yun." Sabi nya.

"Nandoon naman po si Basty eh! Sya bahala sakin ma." Sabi ko.

"Oh sige kung yan gusto mo." Buti na lang pumayag na si mama. Dalawang linggo na kong di pumapasok di ko natatapusin yung grading ayoko na talaga. Di ko na sila kayang pakisamahan pa ng isang grading. Ipapasa naman ako ng mga teacher's ko dun eh. Hayst! Mamimiss ko si Blaine, wala na kong balak pang magpaalam sa kanya. Baka hindi ako matuloy umalis kapag nagpaalam pa sa kanya. Hindi ko kasi kayang tanggihan yung lalaki na yun eh! Matagal din yung pinagsamahan naming dalawa. Sana hindi siya magalit sa gagawin ko, sana friend's pa din kami. Sorry blaine kung sumuko ako agad di ko na talaga kaya eh! Alam ko naman na hindi mo ko iiwan pero mahirap pa din na mapalibutan ng mga plastik sa paligid mo. Mamimiss kita boss.

**

3 months later...

Blaine's POINT OF VIEW

Excited na ko pumasok tagal ko kasing di na kita si Madie eh! Hmm.. musta na kaya yung babae na yun. Agad akong pumunta sa room nila.

"Anne!" Tawag ko dun sa dati nyang kaibigan.

"Bakit?" Sabi nya.

"Nasaan si Madie?" Tanong ko. Hindi ko kasi sya makita.

"Ha? Di ko alam di naman sya pumasok." Sabi nya.

"Di ko rin sya nakitang nagpa-enroll." Sabi ni Kim.

"Ha?" Tanong ko. Pero bakit? Di kaya.. wag naman sana.

"Sige salamat na lang." Sabi ko at nagmadali akong pumunta sa office.

Tok! Tok! Tok!

Atsaka ako pumasok sa loob.

"Goodmorning sir." Bati ko kay Sir Valdez.

"Goodmorning, what can I do for you?" Tanong nya.

"Sir, lumipat po ba si Sierra Madison Smith." Sabi ko.

"Ito yung list ng mga nag transfer, you can check if you want." Sabi ni sir sabay abot ng isang envelop sakin. Hinanap ko yung name nya at confirm. Lumipat nga sya. Bakit hindi sya nagpaalam.

"Thank you sir." Sabi ko at lumabas na roon. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko sya.

The number you had dialed is incorrect..

Puro ganyan lang yung nagsasalita kainis. Nagpalit na ba sya ng sim.

Bangag ako buong araw, sya lang iniisip ko. Paano kung hindi ko na sya makita pa? Argghh! Nakakainis!

Madie's POINT OF VIEW

Iniintay ko si Basty dahil sabay kami papasok ngayon. Musta na kaya si Boss, hinanap nya kaya ko. Pero I'm sure oo.. at alam ko nag-aalala na yun sakin. Mamaya tatawagan ko na alang sya. Nagpalit na kasi ako ng number, sana hindi sya galit.

"Sorry antagal ko." Sabi nya at ngumiti pa sakin.

"Oo para kang babae!" Asar ko at nauna na sa kanya.

"Uy intay." Sabi nya. Hinarap ko sya bigla.

Basty's POINT OF VIEW

Bigla syang humarap sakin kaya nagulat ako. Ang cute nya natulala tuloy ako. Ang bilis ng kabog ng puso ko para akong aatakihin.

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon