Madie's POV
2 months na ang nakalipas wala namang nangyayaring kakaiba. Ganon pa rin ang trato ni Blaine kay Pau. Papunta na nga pala ko sa room ngayon.
"Madie!" Tawag sakin ni Shena.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Alam mo na ba yung tungkol sa bestfriend mo?" Tanong sakin ni Shena.
"Ha? Ang alin? Ano yung tungkol kay Pau?" Tanong ko. Dalawang araw lang lumipas may hindi na agad ako nalalaman.
"Ay di mo pa pala alam. Wag ka ng sasama dun!" Sabi nya at umalis na. Ha?? Ano yun? Bakit hindi na ako dapat sumasama kay Pau? Naguguluhan na ko ah! Linapitan ko sila Aira.
"Alam nyo ba yung tungkol kay Pau?" Tanong ko sa kanila.
"Oo kumukuha sya ng litrato na hindi natin alam. Yung stolen shot! Tapos inupload nya sa fb. Sige nga sino matutuwa nun! Nakanganga pa ko dun." Inis na inis na sabi ni Aira. Si Pau gagawin yun??
"Ha? Di ko pa nakikita eh di naman kasi ako nagbubukas ng fb ko." Sabi ko.
"Wala na binura na nya kasi nag comment kami dun akala nya biro lang yun?? Di sya nakakatuwa!" Sabi ni Aira.
"Eh.. Ako meron ba kong picture dun??" Tanong ko sa kanya. Mamaya pinicturan din ako nun eh!
"Hindi wala ka dun. Takot kasi sayo yun! Kasi ikaw na lang friend's nya." Sabi ni Aira.
"Wag mo ng sasamahan yun Madie para madala sya sa ginawa nya." Sabi ni Joan. Oo pati si Joan may picture din na stolen shot ako lang talaga ang wala. Ganon pala ugali nya so I know na. Kelangan ko ng umiwas sa kanya kasi uulit ulitin nya yun. Dumating na nga sya pero hindi nya ko pinansin baka alam nya na alam ko na. Hayst! Sayang yung nabuo naming friendship. Nauwi lang sa wala mamimiss kita Pau. Nasa T.L.E room na kami ang katabi ko si Aira at Joan.
"Walang papansin sa kanya ah!" Sabi ni Bernz. Tumango na lang kami. Hanggang sa matapos nga yung class namin walang pumansin kay Pau. Binura ko na rin sya sa phonebook ko. Friendship's Over na ata talaga.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...