CHAPTER 22: Field Trip Part 4

1.9K 91 1
                                    


Madie's POV

       "Oh san na tayo guys?" Tanong ni Sharlyn.
"Dun tayo sa Peter Pan." Sabi ni Mike. Kaya ayun pumasok na kami sa loob at pumuntang 2nd floor nandito kasi yung Peter Pan. Eto yung gusto kong pasukan dati kaso ayaw ni papa mahihilo lang daw ako.
"Siguro naman Madie sasama ka na nuh!" Sabi ni Shena.
"Oo carry ko to!" Sabi ko.
"Ayos lang ba talaga sayo na pumasok ka jan?" Tanong sakin ni Blaine.
"Okay lang ako." Sabi ko. So yun pumasok na kami wala naman palang rides to eh! Si papa talaga. Ang ganda ng mga nakita namin sila Peter Pan. Sculpture lang po yun ah hindi totoong tao. Ang cute!! Tapos may dinaanan kaming bridge napatigil ako ng makita yung dadaanan namin yung tulay na umuuga. Nakalimutan ko---- ay alam ko na hanging bridge.
"Oh bakit?" Tanong sakin ni Blaine.
"Natatakot akong tumawid eh!" Sabi ko. Hinawakan nya yung kamay ko.
"Wag kang matakot nandito lang ako di kita bibitawan!" sabi nya. Kaya tumawid na ko habang hawak hawak nya yung kamay ko. Tapos pagkababa namin yung mga dwarfs naman ni Snow White ang sumalubong samin tapos pagka tapos nun nakalabas na rin kami.
"Ang cute nuh!" Sabi ni Shena at sinang ayunan naman naming lahat yun!
"Saan next??" Sabi ni Mike.
"Dun oh!" Turo ni Shena sa Gabi ng Lagim.
"Tara guys!" Aya ni Mike. Andaming nagpasukan pero nung nasa loob na kami kumonti na.
"Guys sama sama tayo walang hihiwalay!" Sabi ni Shena. Nasa gitna ako ngayon nila Shena at Sharlyn ako lang kasi pinaka maliit.  Pero pinaka maganda naman.  So yun nga dahan dahan kaming naglalakad puro sculptures lang naman wala talagang mga tao na nananakot. Tapos biglang kumalabog yung pinto. Yung parang pilit na binubuksan.
"Aaaaahhhhhhh!!!!!" Sigaw naming lahat. May konting ilaw lang kulay red pa kaya mas lalong creepy ang dating tapos may sinusundan lang kaming arrow na naka dikit sa ibaba. Tapos napahinto yung nasa harapan namin na magjo jowa mas matanda samin eh kaya napatigil din kami sa paglalakad. Parang nasa gitna na kami.
"Hala! Bakit tatlo yung tunnel??" Sabi ni Shena. Oo nga bakit ganon?? Puro may araw isa lang dito yung totoong palabas.
"Mga kuya, ate kayo na po mauna. Kayo po mas matanda samin eh!" Sabi ni Sharlyn. Tapos sinundan na nga namin sila kuya. Nung tumunog ulit yung pinto nagtakbuhan na kami. Tapos yung pinasukan naming tunnel madilim tapos nung makaliko na kami. Ayun! Na yung daan palabas. Nagpasalamat kami kila kuya. Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon.  Mas lalo pa kaya kung may totoong humahabol.
"Wohoooo!!!! Ang sarap nun!" Sabi nila Eric.
"Tara pasok pa tayo?" sabi ni Mike.
"Kayo na lang." Sabi naming mga girls. Sumunod na sila samin.
"Tara sa bus na tayo pagod na ko eh!" Sabi ni Sharlyn. At pumunta na nga kami sa bus. Umupo na kami ni Blaine sa upuan namin.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong nya sakin.
"Oo naman." Sabi ko.
"Oh kumain ka muna." Sabi nya. At kinuha ko yung binigay. Nagutom talaga ko dun. Tapos maya maya lang madami na kami dito sa bus.
"Oh tignan nyo kung nanjan na yung mga katabi nyo, ng makaalis na tayo." Sabi ni Ma'am.
"Ma'am kumpleto na po." Sigaw namin.
"Tara na kuya!" Sabi ni Ma'am sa Driver namin. At umandar na nga yung bus na sinasakyan namin.

Blaine's POV

     Habang nanunuod ako ng Tom and Jerry, oo Tom and Jerry ang pinapanood namin sa bus. Nalaglag yung ulo ni Madie. Buti nasalo ko at hindi sya nagising. Hiniga ko sya sa binti ko. Para makatulog sya ng maayos at kinumutan ko sya ng jacket ko. Pinagmasdan ko sya habang tulog ang ganda nya sobra. At dahil sa ka papanood ko di ko namalayan nasa Bocaue na pala kami. Hininto ni Kuya dito yung bus para daw makabili kami ng pasalubong. Sakto nanang pag gising ni Madie.

"Luh! Sorry nakatulog pala ko. Nabigatan ka pa tuloy!" Sabi nya.
"Hindi okay lang.  Ako naman yung naglagay ng ulo mo sa hita ko eh." Sabi ko.
"Nasan na ba tayo?." Sabi nya.
"Sa bocaue na." Sabi ko.
"Ang haba pala ng naitulog ko." sabi nya. Ang cute nya pa rin kahit bagong gising.. Ay mali mas lalo syang gumanda.
"Wait lang ah!" Paalam ko sa kanya at bumaba na ko.

Madie's POV

    Pagka balik ni Blaine may dala syang hotdog yung nakatuhog sa barbeque stick yung iniihaw.
"Oh!" At inabot nya sakin yung hotdog.
"Ano to??" Sabi ko.
"Hotdog." Sabi nya.
"Alam ko. I mean bakit mo ko binibigyan? Di naman ako nagpabili sayo?" Sabi ko.
"Ahh.. wala baka kasi nagugutom kana." Sabi nya.
"Salamat." At kinuha ko na sa kanya.
Nasa bypas na kami at tinext ko na nga si papa.
"San ka bababa?" Tanong sakin ni Blaine.
"Dyan lang sa may kanto sa may kaliwa." Sabi ko.
"Para!!!" Sigaw ni Blaine. Kaya hininto agad ni Kuya yung bus.
"Thank you." Sabi ko.
"Ingat ka." Sabi nya.
"Opo ikaw din" sabi ko at tinawag na si Shena.
Tumawid na kami ng makalagpas yung bus. Inuna muna naming ihatid si Shena. Tapos umuwi na kami ni Papa. Pagka uwi ko pumasok agad ako sa kuwarto, Hayst!! Napagod ako dun! Tinext ko muna si Daddy bago ako matulog.

To: Daddy Blaine
           Daddy nakauwi na koMag ingat sa pag-uwi.  Lab lab ka ng anak mo.

Pinatay ko yung phone ko at natulog na mukhang hindi ako makakabangon bukas nito!!

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon