Madie's POINT OF VIEW
Noong dumating yung prof namin bigla kaming pinalipat ng room dahil daw kaunti lang kami icocolab daw kami sa ibang course. So kami naglalakad na papuntang 207. Di ko pa pala nasasabi kay Blaine mamaya na lang pag nagkita kami. Kumatok na nga yung prof namin and kinausap yung prof na andoon.
"Pasok na kayo." Sabi ni Ma'am. Kaya sumunod na lang kami.
"May bago kayong mga classmate, mula sila sa Education." Sabi ni Ma'am.
"Madie!" Sigaw ng pamilyar na boses. At nakita ko si Drew, yes si Shawn Andrew Adler. Hay naku classmate ko naman tong ungas na to. Nakita ko ding kumakaway sakin sila Blaine and.. totoo ba tong nakikita ko? Si Basty ba yun?
"Maupo na kayo kahit saan." Biglang sabi ni Ma'am kaya nag si upo na kami. Doon ako tumabi kila Blaine.
*****
"Goodbye class." Sabi ni Ma'am Suansing.
"Goodbye Ma'am." Sabi naming lahat.
Pagkalabas pa lang ng prof namin ang dami ng lumapit sakin. Ano ako artista?
"Hi I'm Miggy nga pala." Pagpapakilala sakin ng isang binatang guwapo.
"Hello. Sierra Madison." Sabi ko.
"Akin na to kaya pwede magsi layo kayo." Batas na sabi ni Blaine at inakbayan ako. Ang cute magselos eh!
"Pasensya na di ko alam, sige bye Madie see you around." Sabi nito at kumindat pa.
"Aba siraulo yun ah! Gusto ata nun ng gulo!" Inis na sabi ni Blaine.
"Ikaw naman sayo lang ako." Sabi ko at kiniss yung cheeks niya.
"Hi Prinsesa ko, did you miss me?" Tanong sa akin ni Basty. Oo siya nga di ako nagkakamali ng nakikita. Bigla ko siyang niyakap.
"Sobrang miss kita. After 3 years tsaka mo lang kami dinalaw napaka mo!" Sabi ko at hinampas siya.
"Hahaha! Sorry na. Masaya ka naman kasi sa kanya eh." Sabi niya sabay tingin kay Blaine.
"Syempre love ako nito eh!" Sabi ko at umakbay kay Blaine.
"Wow! Di naman masakit." Sabi ni Basty.
"Baliw!" Sabi ko at hinampas siya ulit.
"Joke lang, masaya ko dahil masaya ka." At ngumiti sa akin.
"Pero kapag iniwan ka ni Blaine nandito lang ako ah!" Sabay kindat nito.
"Hindi ko iiwan to." Sagot naman nitong katabi ko.
"Sweet naman." Sabi ni Drew.
"Oy pre dito ka pala?" Sabi ni Blaine.
"Oo, Hi Madie namiss kita." Sabi nito sa akin.
"Di kita namiss." Pambabara ko.
"Oohhhh smooth!" Asar naman nila Brice at Axel.
"Hahaha! Kahit kailan ka talaga, parang di ka nagka gusto sakin dati ah!" Sabi nito sabay kindat.
"Dati lang yun uy! Past is past." Sabi ko.
"Whoahh!" Sabay ulit sabi nila Brice at Axel.
"Tama na nga yan. Sakin na si Madie." Sabi ni Blaine at inakbayan ako.
"Okay lang, asawa nga naghihiwalay eh! Mag jowa pa kaya?" Asar ni Drew sa kanya.
"Ikaw gusto mo atang matamaan sakin eh!" At naghabulan silang dalawa. Si Brice at Axel naman nagche cheer.
"Namiss kita Prinsesa ko." Seryosong sabi ni Basty.
"I miss you too as a friend." Paglilinaw ko.
"Hahaha! Alam ko.. alam ko namang masaya na kayong dalawa." Sabi niya at ngumiti sakin.
"Pero pwede ba sa debut mo, isama mo ko sa 18 roses mo?" Tanong niya.
"Oo naman kasama kayong 4 in 1 dun." at ngumiti ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...