Blaine's POVIsang buwan na ang nakalipas noong magbreak kami ni Pau. Kaya ko na ba ulit syang makita. Nasasaktan pa din ako pero hindi na katulad nung una. Dahil kay Madie nakalimutan ko sya ng panandalian pero ngayong enrollment magkikita na namin kami. Bahala na! Nagbihis na ko para maka punta na kong school. Tinext ko na rin si Madie na sa gate kami magkikita.
Pagkarating ko sa school inantay ko sya sa gate. Nang makita ko si Pau na papasok na. Akala ko lalagpasan nya lang ako nagulat ako ng huminto sya sa harapan ko. Hindi ko pa din sya tinitignan."Hi! Musta ka na??" Yan ang bungad nya sakin.
"Eto naka move on na!" Sabi ko sa kanya at tumingin sa mga mata nya tapos ngumiti ako. Nakita ko naman na si Madie na naghahalungkat ng bag nya kaya nilapitan ko na at iniwan ko dun si Pau. Dapat pala hindi na lang sya ang minahal ko sana si Madie na lang edi sana hindi ako nasaktan. Ang akala ko kasi sapat ng gwapo ako hindi pala.Pauline's POV
Nag walk out sya sa harap ko! Huh! I can't believe this. Nakapag move on na sya eh isang buwan pa lang ah.. Pagkatingin ko si Madie pala yung pinuntahan nya. So sila na ni Madie?? Ganon?? Kaya ba nakapag move on na sya agad sakin! Lumagpas sila sakin hindi ata ako napansin ni Madie dahil nagsusuklay sya at inakbayan pa talaga sya ni Blaine. Nung kami hindi nya ko inaakbayan sa school ah! Ang kapal nila!! Argh!! Umalis na lang din ako. Nakita ko na agad sila sa room hinatak ko si Madie.
"Tara Madie, tignan natin kung anong section tayo." Sabi ko.
"Sige." Sabi naman nya.
"Boss antayin na lang kita dito!" Sabi ni Blaine. Teka sino yung tinawag nyang boss?? Anong nangyayari??
"Okay!" Sabi ng katabi ko, so pati tawagan namin ginaya nila! Di ko na talaga napigilang magtanong.
"Madie kayo ba ni Blaine??" Sabi ko. Naiinis na talaga ko kanina pa.
"Hahaha!!! Bakit mo naman naisip yan?? Bestfriend lang kami nun at hanggang dun na lang yon!" Sabi ni Madie. Hmm.. Siguro nga.
"Guatemala ang section natin.. Yung boys lang yung mga natanggal." Sabi samin ni CJ.
"Oww! Di na pala natin classmate sila Gelo." Sabi ni Joan.
"Ahm.. Madie anong section nila Blaine??" Tanong ko sa kanya. Lumawak naman yung ngiti nya. Dapat pala di ko na tinanong eh!
"Ahm..sabi nya kanina Finland daw, Yiieehh!! Mamimiss mo sya nuh!" Pang aasar sakin nito.
"Yuck! Hindi nuh!" Sabi ko. Hindi naman talaga eh! Mabuti nga yun ng maka move on na kami parehas.. Ay mali pala ako na lang pala yung magmomove on dahil sya naka move on na.
"Oh una na ko ah!" Sabi ni Madie.
"Sige ingat." Sabi ko at naglakad na din ako palabas ng school. Sana hindi nya ko pinagpalit kay Madie dahil haler! Di hamak namang mas maganda ako dun nuh! Tsk!!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Fiksi RemajaRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...