CHAPTER 60: His Family

1.6K 56 0
                                    

Madie's POINT OF VIEW

      Uwian na namin kaya kami ni Kim naglalakad na palabas ng school ng biglang sumulpot si Blaine.

"Boss hatid na kita sa inyo." Sabi nya.
"Wag na. Susunduin ako eh!" Sabi ko.
"Ay ganon sige. Akin na yang bag mo ako na magdadala." Sabi nya at kinuha na yung bag ko. Ano kayang nangyari dito sa lalaki na to kanina sa canteen super protective. Tapos ngayon dala naman bag ko hahahaha!! Naku! Kung hindi ko nga lang to bestfriend baka isipin ko may gusto sakin to. Kaso bestfriend ko sya. Nauna ng umalis si Kim at kami na lang dalawa.
"Sige na mauna kana Boss." Sabi ko.
"Hindi sasamahan kita dito." Sabi nya. Hindi na lang ako nagsalita pa. At dumating na yung sundo ko.
"Oh bag mo ingat kayo ah!" Sabi nya at hinawakan yung ulo ko at hinimas ito. Sumakay na ko sa sasakyan at nag wave na lang sa kanya.
"Bf mo?" Tanong sakin ni Tito.
"Hindi po. Bestfriend ko lang." Sabi ko.
"Asus!!" Asar nito sakin. Totoo naman eh! Bestfriend ko lang si Blaine. Nakarating na kami sa bahay at nakita ko naman agad si Basty nakaupo sya sa may pintuan nila. Bakit ba sobrang gwapo nya?? Wahhh!! Kinikilig na naman ako. Bumaba na ko at ng magka tinginan kami nginitian ko sya. Wahh!! Ang cute ng ngiti nya mas lalo syang pumopogi!! Why so gwapo kasi??

**

Nanunuod kami habang nagtatali ng petchay na ititinda ni mama bukas. Nang dumaan yung papa ni Basty.
"Pwedeng bang bumili ng petchay nyo?" Tanong nito kay mama.
"Oho! Sige ho." Sabi ni mama.
"20 pesos lang." Sabi nito.
"Eto po wag nyong ng bayaran." Sabi ni mama at inabot kay tito. Inabot naman sakin yung bayad nung papa ni Basty.
"Ma oh! Bayad daw." Sabi ko.
"Naku! Wag na kamo nak! Habulin mo ibalik mo na yan. Libre na kamo yun." Sabi ni mama. Kaya hinabol ko na.
"Saglit lang po." Sabi ko. Pero tuloy tuloy pa din sya.
"Wag nyo na daw po bayaran." Sabi ko pero di parin sya lumilingon hanggang sa pumasok sya sa kanila. Wahhh!! Ano ba?? Huh!! Kaya ko to! Ibibigay mo lang naman yung 20 Madie eh! Kaya lumapit na ko.
"Wag nyo na daw po bayaran sabi ni mama." Sabi ko.
"Eh sige na tanggapin nyo na." Sabi nung papa nya. Wahhh!! Kakahiya nandito lahat ng kapatid nya pati parents nya at pati sya.
"Eh wag na daw po." Sabi ko.
"Basty kunin mo lang yung 20." Sabi ng papa nya. Wahhh!! Pwede naman si Kuya Almel ang kumuha eh bakit si Basty pa.
"Ehh bakit ako?? Nanjan naman si Kuya eh." Sabi nito.
"Basty!" Sabi ng papa nya at nakangiti pa. Kaya tumayo na si Basty inabot ko na sa kanya yung 20 wahhh!! Nakita ko na naman sya.
"Yiieehh!!" Kantsaw nila samin
"Ehh bakit namumula ka Basty?' Tanong sa kanya ni Kuya Almel.
"Hindi kaya." at bumalik na sya sa upuan nya. Ako naman tumakbo na papunta samin. Wahh!! Kakahiya.
"Naibigay mo ba?" Tanong sakin ni mama.
"Opo." Sagot ko.  Ang kulit ng parents niya pati mga kuya niya hahaha!!

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon