Dedicated to: kate_Bts_92
Madie's POV
Nandito na kami sa unang spot sa Manila Ocean Park. Yiehh!! Excited na ko pumasok sa loob.
"Hay!! Salamat nakarating din." Sabi ni Blaine habang nag iinat.
"Tara na." Sabi nya.
"Sige." Sabi ko at sumunod na. Hinawakan naman nya yung kamay ko. Di naman sya over protective nuh! Di na ko bata parang sira to. Tinatanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya pero mas lalo lang nyang hinigpitan kaya hinayaan ko na lang bahala nga sya. Pumasok na kami sa loob nakita na namin agad yung tour guide namin meron kasi syang hawak na parang sign tapos tinataas nya.
"Ayun yung tour guide natin Blaine." Sabi ko sa kanya.
"Wag na ako na mag tour sayo. Trust me!" sabi nya. At tumango na lang ako may tiwala ko sa kanya. Na hindi nya ko iwawala dito. Sana lang. Ayokong magpalaboy laboy dito nuh! So yun nga tingin dito tingin dun. Andami kong mga nakita. Meron mga crocodiles, tapos meron ding tilapia na malaki. Parang tilapia kasi eh. Hahaha! Pumunta kami sa isang parang room at nakita namin sila Shena na nagpipicture.
"Uy! Sali kayo oh!" Sabi ni Renato. Kaya ayun sumali na din kami.
"Say cheese...!!" sabi ni Renato at nag pose na kami."Papasa!" Sabay sabay nilang sabi.
"Isa isa lang mahina kalaban!" Sabi ni Renato. At pagkatapos 1000 hours di joke lang 15 mins lang. Ayun natapos din sa pagpapasa si Ren-Ren. Yun nag last ikot na kami. Picture dito picture dun. Pagkatapos namin umakyat na kami sa bus namin.
"Patingin ng mga picture." Sabi ko kay Blaine.
"Wait lang!" Sabi nya. Antagal naman.. Hihiramin lang eh kung ano ano pang pinaggagagawa.Blaine's POV
Tinago ko muna yung mga picture nya. Baka mamaya magtanong pa to eh! Pagkatapos kong gawin yun pinahiram ko na sa kanya.
"Luh! Ang cute ko dito! Gusto kong icover photo to." Sabi nya. Di ka lang cute, maganda pa. Tapos binigay na nya sakin.
"Thank you." Sabi nya. At nginitian ko na lang sya bilang sagot ko.
Madie's POV
Hmmm.. Bakit kaya may password to?? Nacu curious tuloy ako. Ano kaya laman nito? Ay baka picture nila ni Pau tama baka yun nga. Lande talaga nito kaya pala hindi muna binigay sa akin. Tumingin na ko ng mga pic.
"Luh! Ang cute ko dito! Gusto kong icover photo to!." Sabi ko kaso nga lang wala kong matinong phone eh! Kaya di ko maipapasa. Sayang!
"Thank you." Sabi ko at binalik na sa kanya. Tag na lang nila ako.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
DAt dahil tanghali na dadaan kami sa MOA (Mall of Asia).
"Madie palit na tayo!" Sabi ni Shena kaya tumango ako. Lumabas muna lahat ng boys dala yung mga damit nila sa labas na lang daw sila magpapalit. At magbabantay daw sila sa labas para walang makapasok. So yun nagbihis na nga kami tapos nag jacket ako.
"Tara na." Aya ko sa kanila. At nagkanya kanya na kaming pasok kasama naming dalawa sina Ren-Ren at Eric. Pagkapasok na pagkapasok namin picture agad.
"Tara picture tayo dito." Sabi ni Blaine.
"Say cheese..!" Sabi ni Blaine. At yun nag pose na kami."Patingin." Sabi naming lahat. Ka cute na mga bata. Ang mga ngiti!
"Tara dun tayo sa mga games." Sabi ni Eric kaya kami pumunta na dun. Nagpapalit muna kami ng token sa cashier tapos pumunta na kami ni Blaine sa claws. Yung kumukuha ng mga stuff toys.
"Watch and learn!" Sabi ni Blaine at pinanuod ko sya after so many years! Ayun ubos na lahat ng token namin wala pa din syang nakukuha.
"Watch and learn pala ah!" pang-aasar ko sa kanya.
"Tara kain na lang tayo." pag-iiba nya ng usapan. Hahaha! Pahiya, at inakbayan na niya ko.
"Oy! Mga ungas tara na!" Sigaw nya kila Eric.
"Ano ba yan! Naglalaro pa kami eh!" Sabi ni Ren-Ren.
"Pahiya kasi siya hahaha! Wala man lang nakuha." Asar ko kay Blaine. At nagtawanan sila.
"Grabe ka sakin! Bestfriend ba talaga kita." Sabi nya sakin.
"Kaya nga sinasabi ko sayo yung totoo kasi bestfriend mo ko." Sabi ko. Habang naghahanap kami ng kakainan namin hinubad ko yung jacket ko kasi ang init na.
"Wow! Ang hot mo Madie." Sabi ni Eric.
"Luh siya! Hindi kaya." Tanggi ko.
"Oy! Huwag mo ngang manyakin bestfriend ko." sabi ni Blaine at inakbayan ako.
"Tara picture tayo dito." sabi ni Ren-Ren."Say cheese!" Sabi ni Blaine at nag pose na kami.
"Ayun may korean restaurant dun!" Sabi ni Eric at turo dun sa kaliwa kaya pumunta na kami dun. Pagkapasok na pagkapasok namin..
"Maghanap na kayo ng upuan ni Madie kami na o-order." Sabi Ren-Ren. Kaya humanap na kami ng upuan at umupo na dun.Blaine's POV
Naka upo na kami ni Madie. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpo phone sya.
"Madie picturan kita." Sabi ko ang cute nya kasi eh!
"Sige." Sabi nya.
"Suotin mo muna tong sumbrero ko, bagay sayo to." Sabi ko at sinuot ko na sa kanya. Hindi ako nagkamali ang ganda nga niya.
"Bagay ba??" Tanong nya.
"Oo naman bagay na bagay." Sabi ko.
"Picture-an mo na ko." Sabi nya.
"Say cheese!" Sabi ko.Ang cute nya talaga. Bakit ganon? Bakit bumibilis pintig ng puso ko? Mali si Pau ang gusto! Si Pau lang. Bigla namang dumating sila Eric. Dala na yung mga foods namin. Ikain ko na nga lang to baka gutom lang to!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...