CHAPTER 84: Pagpaparaya

1.3K 39 4
                                    

Basty's POINT OF VIEW

Ang sarap sa feeling na nasabi ko sa kaniya ng harapan.

"Pre tara sa labas." Sabi ko. Sumunod naman sakin si Blaine.

"Ang sarap sa feeling nuh? Na naamin mo sa kanya yung feelings mo?" Tanong ko.

"Oo ganito pala yung feeling ang sarap sa pakiramdam, parang nabunutan ako ng tinik." Sabi niya.

"Alam mo nung makita ko yung reaksiyon ni Madie noong umamin ka, nagselos ako." Sabi ko.

"Bakit naman? Dapat nga ako ang mag selos kasi mayroon kayong pinagsamahan ni Madie naging boyfriend ka niya. Eh ako? Bestfriend lang."

"Hahaha! Yun nga eh bestfriend lang kayo pero bakit ganoon? Nung umamin ka sa kanya. Namula siya eh." Sabi ko at napatingin sa kanya. Tumingin din siya sakin.

"Alam ko naman nung una pa lang, noong dumating ka sa Phillips alam kong wala na kong laban. Kung paano mo siya patawanin, kung paano mo siya protektahan, kung paano ka niya ituring alam kong wala na kong laban. Kasi alam ko sayo siya sasaya, kitang kita ko naman sa mukha niya kapag ikaw ang kasama niya. Sa hospital pagka gising niya ikaw agad yung hinanap niya. Naiinis ako sayo kasi bestfriend ka lang niya pero bakit ganoon yung relasyon nyo? Sobrang close niyo sa isa't isa." Sabi ko. Potek ang drama ko na di naman ako ganito.

"Blaine mahirap man pero alam ko mas sasaya si Madie sayo. Pero ito ang tandaan mo huwag na huwag mo siyang sasaktan kasi kapag iyang prinsesa ko sinaktan mo! Babawiin ko siya sayo at hinding hindi mo na ulit makukuha sakin si Madie. Tandaan mo yan." Sabi ko.

"Ano ba yan Basty ang drama mo hahaha! Ano nagpapatalo kana isusuko mo na agad?" Tanong niya.

"Oo kung sa ikaliligaya naman niya eh. Tsaka aalis na din kami dito bukas." Sabi ko.

"Saan ka pupunta?" Sabi niya.

"Sa malayong lugar. Malayo sa inyong dalawa." Sabi ko.

"Ang drama mo naman Basty parang di ka lalaki eh! Ano ba may sakit ka? Kaya mo siya pinapalaya?" Tanong niya.

"Hahaha! Sira*** hindi lilipat lang kami bahay sa Pampanga." Sabi ko. Bago pa man ako umalis.

"Pre usapang lalaki, ingatan mo prinsesa ko ah! Tandaan mo yung sinabi ko sayo." Sabi ko.

"Oo pre. Pangako!" Sabi ko.

*****

Madie's POINT OF VIEW

"Oo dati pa."
"Oo dati pa."
"Oo dati pa."
"Oo dati pa."
"Oo dati pa."
"Oo dati pa."
"Oo dati pa."

Napabalikwas ako ng upo sa kama ko. Hindi ako makatulog sa sinabi ni Blaine. Bakit ganoon? Shit! Kinikilig ba ko? Bakit feeling ko namumula ko? Sa tuwing naaalala ko yung tatlong salitang binitawan niya feeling ko namumula yung buong mukha ko. Lumabas muna ako ng kuwarto at uminom ng tubig ng mapansin kong nakabukas yung pintuan namin. Dahan dahan akong lumapit dito at nakita ko ang mukha niya.

"Oo dati pa."

Ay shit bakit ganoon? Namumula na naman ako.

"Oh boss nandito ka pala. Upo ka." Sabi niya.

Shit ang lakas ng kabog ng puso ko parang feeling ko anytime pwede na itong sumabog. Umupo na lang ako sa tabi niya.

"Si Basty?" Tanong ko.

"Umuwi sa kanila." Sabi niya sa malayo pa din siya nakatingin.

Shit ayoko ng ganto ang awkward sa feeling akmang tatayo na ko ng hawakan niya yung kamay ko. Bakit ganoon? Dati rati naman kapag hinahawakan niya yung kamay ko parang natural lang pero ngayon shit! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Boss upo ka muna dito sa tabi ko." Sabi niya kaya umupo na ko.

"May gusto akong sabihin sayo. Kasi alam ko nabigla ka kanina." Sabi niya at huminga ng malalim. Shit kinakabahan ako.

"Si Basty kasi eh! Hahaha! Na amin ko tuloy. Okay! Eto na." Sabi niya at tumingin sakin.

"Sana kung ano man ang pasiya mo ngayong gabi, sana di magbago yung friendship na nabuo natin." Sabi niya at ngumiti.

"Sa loob ng apat na taong pagkaka-ibigan natin. Madami na tayong pinagdaanan dalawa at nalagpasan natin iyon. Nandito lagi ako tuwing malungkot o masaya ka. Nagagalit ako kapag umiiyak ka ng dahil sa mga naging boyfriend mo. Kasi ako nga di kita pinaiyak kahit na minsan tapos sila! Hayst!!" Sabi niya at natigil. Oo totoo si Blaine yung lagi kong kasama sa kalungkutan man o saya.

"Hindi ko alam kung paano nagsimula ito. Pinipigilan kong huwag ma-inlove sayo pero ang hirap sa bawat araw na dumadagdag, mas lalo lang akong na-iinlove sayo. Alam mo habamg kami ni Pau ikaw pa rin yung nasa isip ko hindi ko alam  kung bakit. Tanda mo yung secret gallery ko?" Tanong niya.

"Oo sino bang hindi makakalimot doon eh puro picture mo yun na kalbo ka hahahaha!!" Sabi ko at natawa.

"Ang totoo hindi yun yung laman nun, yun lang yung pinakita ko sayo para hindi na magduda sakin si Pau at ikaw para hindi mo na ko kulitin na ipakita sayo." Sabi niya naguluhan naman ako.

"Eh ano yun? Kung hindi mo picture talaga ang laman nun?" Tanong ko.

"Secret malalaman mo din yun hahaha!!"

"Dali na gara neto." Sabi ko.

"Mamaya pagtapos kong magkuwento." Sabi niya. Kay nanahimik na lang ako.

"Simula nung mag break kami ni Pau napagtanto ko na ikaw pala talaga yung mahal ko. Sa bawat araw na kasama kita hindi ko mapigilang ma-inlove. Masaya ko sa tuwing nanonood at chine-cheer mo ko sa bawat laro ko. Dahil sayo nagsisipag akong mag-aral. Alam mo noong umalis ka sa Mater Dei hindi ko alam gagawin ko noon, kaya naman lumipat ako ng school. Kasi sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita pakakawalan pa. Kaya excited akong lumipat noon kahit kapalit pa yung pagiging varsity player ko. Sobrang saya ko nung makita kita ulit at bonus na lang na naging captain ball ulit ako ng basketball. Kaya ngayon kung papayagan mo ko? Manliligaw sana ako sayo boss? Kasi totoo yung nararamdaman ko sa iyo walang halong biro." Nabigla ako sa lahat ng sinabi niya.

"Ahm..ako din may aaminin." Sabi ko. Wala ng hiyaan to. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Alam mo nung naging ka close kita ang saya ko. Atsaka kinikilig ako sa lahat ng effort mo sa lahat lahat ng ginawa mo sakin pati yung sinundan mo ko sa Phillips. Alam mo pinipigilan ko lang din dati yung nararamdaman ko sayo dahil boyfriend ka ng bestfriend ko at bestfriend din kita. Dati sinasabi ko sa sarili ko na mali to dapat hindi ako magkagusto sayo dahil bestfriend tayo. Ayokong masira yung friendship natin. Pero ewan ko hindi ko mapigilang kiligin sa lahat ng efforts at ka sweetan na pinakikita mo sakin. Kyle Blaine Fuentabella gusto kita. Gustong gusto!" Sabi ko sa kanya at yinakap ko siya.

Blaine's POINT OF VIEW

   Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Grabe di ko expected yung sagot niya.

Madie's POINT OF VIEW

   Siguro naman hindi na ko masasaktan sa desisyon ko ngayon. Ipagalalaban ko na yung nararamdaman ko sa kanya.

"Oy nasiyahan ka naman hahaha!! Ano yung secret gallery ha?" Sabi ko sa kanya. Ang sarap sa feeling kasi parang walang pinag bago.

"Hahaha! Secret malalaman mo yun kapag tayo na. Hahaha!"

"Wow ha! Ang taas ng self confidence mo." Sabi ko at hinampas siya.

"Hahaha!! Pero thank you boss sa pagbibigay sakin ng chance." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Deserve mo naman kasi." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Tara pasok na tayo sa loob baka magka sipon ka pa." Sabi niya at inalalayan na niya ako sa loob.

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon