CHAPTER 62: Bwisita

1.6K 54 11
                                    

Madie's POINT OF VIEW

        Exam namin ngayon kaya maaga ako pumasok.  Pero parang minamalas ako, wala kong masakyan nang aasar ka ba tadhana.

"Oh bakit nandito ka pa?" Tanong sakin ni Basty.
"Eh wala pang tricycle eh." Sabi ko.
"Ahh.. Ganon ba, tara sabay kana sakin." Sabi nya. Kaya umangkas na ko. Pinasuot nya sakin yung helmet buti na lang di nya iniiwan to. Humawak na ko sa kanya kasi ayoko ma fall masakit yun. Nakarating naman agad kami sa school pero nagmamadali na ko kasi late na ko eh.
"Bye." Sabi nya. At nag wave na lang ako. Binilisan ko na yung pagtakbo kasi late na talaga ko nang mapatid ako... Iniintay kong lumaglag ako pero hindi kaya dumilat na ko. Nakita ko si Blaine, nasalo nya ko. Woohh!! Muntik na ko dun. Tinayo naman nya ako.
"Okay ka lang ba?" Tanong nya.
"Okay lang. Salamat." At ngumiti ako sa kanya nang maalala kong late na pala ko.
"Sige maya na lang." Sabi ko.
"Ingat ka. Wag ka kasing tumatakbo buti na lang nasalo kita." Sabi nya at tumawa pa abnormal talaga. Pumasok na lang ako sa room at nagsisimula na nga sila.
"Ma'am, sorry I'm late." Hingi ko ng paumanhin kay Ma'am.
"Sige na maupo ka na, eto ang test paper mo." Pagka bigay nya sakin umupo na ko sa vacant seat at ang galing ng arrangement namin ng upuan. Nasa likod ko pa talaga si Kim tss!! Umupo na lang ako dun. Tinanaw ko naman kung san nakaupo yung mga luka luka, at nakita ko naman sila kaya nagsagot na ko. Madali lang naman yung exam kasi nag review ako kaya walang ka hirap hirap.
"Okay past your test paper." Sabi ni Ma'am kaya pinasa na namin.
"Ang hirap ng exam." Sabi ni Miley.
"Hindi madali lang kaya." Sabi ni Trina. Matalino din kasi to eh.
"Tinamad ka na naman mag aral, kulugo ka talaga Miley." Sabi ni Anne kaya nag tawanan kami.
"Ano tuloy ba mamaya Madie?" Tanong sakin ni Joy.
"Oo tuloy yan." Sabi ko.
"Kasama ba si Blaine?" Tanong ni Geminie.
"Oo." Sabi ko.
"Turo mo samin si bf mo ah!" Sabi ni Trina.
"Oo, kung naka uwi na yun. Pumasok din kasi sya ngayon." Sabi ko.

**

     Hay sa wakas uwian na rin namin.
"Ano tara na?" Tanong ni Miley.
"Oo." Sabi namin.
"San kayo pupunta?" Tanong ni Queen. Tsk!! Ang malandi.
"Kila Madie, bakit?" Sabi ni Geminie.
"Pwede sumama?" Tanong nya. Nagka tinginan naman kami.
"Okay." Sabi ko.
Habang naglalakad kami pumulupot sa braso ko si Joy at Geminie.
"Dapat di ka pumayag." Pagmamaktol ni Joy.
"Oo nga. Dapat tayo lang mga Makhuletz." Sabi naman ni Geminie.
"Hayaan nyo na ako din naman ayokong kasama yun, sa susunod tayo lang." Sabi ko at ngumiti naman sila. Habang naglalakad kami may biglang humarang sa harap ko. Pag tingala ko si Blaine pala..
"Hmp! Daya mo Boss bakit mo ko iiwan?" Pag tatampo nya.
"Ehh itetext naman kita eh.. Naunahan mo lang ako." Sabi ko.
"Ahem! Ahem! Excuse lang ah nandito kami." Sabi ni Joy at natawa pa sila.
"Tara na nga." Pag iiba ko ng topic, baka kung san pa mapunta to eh!
"Uy meet the parents na sya oh!" Pang aasar ni Miley kay Blaine.
"Oo nga eh! Kinakabahan ako." Pagsakay naman ni Blaine sa biro ni Miley.. Kaya naman itong mga to kinikilig ngayon. Ilang minuto lang dumating na si tito kaya nagsisakay na kami.

**

"Nandito na tayo." Sabi ko.
"Apartment pala to nuh!" Sabi ni Trina.
"Ay hindi hindi." Pangbabara sa kanya ni Anne hahaha!! Yung dalawa talaga na to.
"Tara pasok kayo." Sabi ko at pumasok na nga sila.
"Ma eto nga pala si Blaine bestfriend ko." Pakilala ko kay Blaine.
"Hello po tita." Sabi nito at nag bless pa.
"Sige manuod na lang muna kayo jan at niluluto pa yung ulam." Sabi ni mama at pumunta na sa kusina..
"Wait lang papalit lang ako." Sabi ko at pumasok sa kwarto. Pagtapos ko magpalit pinuntahan ko na ulit sila. Binuksan ko yung t.v.
"Tara dito." Tawag ko sa kanilang lahat.
"Dun bahay nila." Sabi ko at tinuro yung pinaka dulo ng apartment.

Blaine's POINT OF VIEW

"Kaninong bahay yun?" Tanong ko.
"Sa boyfriend ni Madie." Sabi ni Joy, swerte naman ng lalaki na yun laging nakikita yung bestfriend ko. Pag nag break sila nyan pinapangako ko na wala ng makakalapit pang lakaki sa Madie ko. Magkakamatayan na kami, bago pa nila malapitan si Madie. Hindi na ko papayag na maagaw pa sya ng iba sakin.

Madie's POINT OF VIEW

"Madie bumili ka ng juice." Utos sakin ni mama, kaya kumuha na ko ng pera sa bag nya.
"Sama ko." Sabi ni Blaine.
"Sige." Sabi ko at lumabas na kami.
"Sarado." Sabi ko.
"San ka bibili?" Tanong nya sakin.
"Sa kabila." At lumabas na kami ng gate.
"Boss." Tawag sakin ni Blaine.
"Oh." Sabi ko.
"Ahm... Pano kung ligawan ka ng bestfriend mo?? May pag asa ba sya sayo?" Tanong ni Blaine sakin. Tinignan ko sya mukhang seryoso nga sya sa tinatanong nya. Hmm.. Pano nga ba? Di ko pa kasi nararanasan yun. Ay naranasan kona pala kay Basty hihihi!!
"Ahm.. Siguro. Teka bakit mo nga pala natanong?" Tanong ko.
"A-ehh wala yun. Kalimutan mo na." Tsaka sya umiwas ng tingin. Ang weird nya ah!

**

Umalis sila mama kaya nagsandok na ko.
"Magkamay na lang tayo ah!" Sabi ni Geminie at sumang ayon naman kaming lahat.
Habang kumakain kami napatingin ako bigla kay Blaine. Muntik ko ng maibuga yung laman ng bunganga ko. Laughtrip hahaha!!
"Hahaha!!" Tawa ko. Napatingin naman sila sakin.
"Bakit?" Tanong nila.
"Pano si Blaine pffft! Hahahaha!!! Ang gara  pfft!! Kumain hahaha!!" Sabi ko at tinignan nga nila si Blaine at tumawa din sila.
"Bakit ganyan ka kumain?" Tanong ko.
"Di ako marunong magkamay eh.. Wag nyo pagkakalat ah secret lang natin to." Sabi ni Blaine.
"Oo promise." Sabi namin. At pinagpatuloy na namin yung pagkain namin.
"Anong oras ba uuwi yang boyfriend mo?" Tanong ni Miley.
"Mamaya pa yun eh!" Sabi ko.

**

"Uuwi na kami Madie." Sabi ni Geminie kaya hinatid ko na sila sa kanto. Buti na lang may dumaan ng tricycle kaya sumakay na sila.
"Bye baby boss kita na lang tayo sa school bukas." Sabi ni Blaine at kiniss ako sa noo at nagtititili na naman ang mga luka luka.
"Bye ingat." Sabi ko sa kanila at nag wave, inantay ko lang na maka alis sila. Pauwi na sana ako ng may tumawag sakin.
"Madie!" Pag tingin ko si Basty.
"Bakit ka nandito?" Tanong nya.
"Ahh hinatid ko yung mga kaibigan ko." Sabi ko.
"Pumunta sila dito?" Tanong ni Basty.
"Oo, sayang nga eh di ka nila nakita." Sabi ko.
"Bakit gusto nila makita yung kagwapuhan ko?" Sabi nya at nag pogi sign pa. Iba!!
"Hiyang hiya!!" Sabi ko sa kanya.
"Bakit pogi naman talaga ako ah!" Sabi nya.
"Oo na." Sabi ko at inakbayan nya ko.
"Naks! Iba na naman yan Basty!" Asar sa kanyang tropa nya.
"Anong iba ka jan nag iisa lang to." Sabi nya at kiniss ako sa noo. Wahhh!! Kilig much!! Nag iisa lang daw ako. Ako na mahaba ang hair.

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon