CHAPTER 47: My Mom's House

1.8K 85 1
                                    

Madie's POINT OF VIEW

      It's 2:00 pm in the afternoon papunta kami ngayon sa Phil. Arena. Because we are celebrating 100 years of Iglesia Ni Cristo. Wihhh!! Excited na ko. Kasi simula nung itayo toh! First time ko lang makakapunta. So nasa labas na kami ng Arena naghahanap kami ng chair para makaupo kami sa pinaka harap sa malapit sa stage. Nung makahanap na kami naupo na kami dun madami na ring tao kaya hiwa hiwalay kami buti na lang ang nakatabi ko sa upuan si ate Mica kapatid ni crush! Hihihi!! Sinuswerte nga naman. Tapos biglang bumuhos yung ulan yung hindi mahina ah! Ulan talaga kaya ang tendency magkasukob na kami sa payong ni ate mica.

"Ate nasan si Renz?? Bakit di nyo sya kasama??" Tanong ko kay Ate Mica.
"Naku! Di na namin sinama maglilikot lang dito yun." Sabi nya tapos natawa kami parehas. Kaya pala parang hindi ko sya nakikita. Sayang wala sya dito. Sa wakas natapos na rin yung ulan bumili na ng pagkain sila mama. Gutom na rin ako mga 5:00 na kasi at wala pang signal dahil pinatay nila yung signal. Para iwas gulo syempre. Nakalipas ang ilang minuto naka balik na din sila dala yung mga pagkain sa jollibee pa sila bumili. So yun nagkainan na nga kami. Then ng matapos kaming kumain napag desisyunan nila tita na lumipat kami ng pwesto dahil basang basa na kami ng ulan. Titigil tapos uulan ulit yan tuloy basang basa na yung mga damit namin. Sobrang lakas kasi eh.

"Tara dun tayo sa sports stadium may tent dun." Sabi ni Tita Lea kaya sumunod na kaming lahat sa kanya. Sa tagal ng nilakad nakin sa wakas nakarating na kami. May bakanteng upuan kaya umupo na kami.
"Dapat pala tita dito na lang tayo eh! Di pa tayo nabasa." Sabi ni Ate Hailey.
"Oo nga eh! Pero maganda naman kanina sa pwesto natin kasi kitang kita natin yung screen." Sabi ni Tita Lea.
"Pagpalitin mo na si Madie, Larah." Sabi ni Tita Lea sa mama ko.
"Ehh dito tita??" Tanong ko.
"Oo.. Tatakpan na lang namin." Sabi ni Tita sakin kaya nagpalit na ko. Sumunod naman silng nagpalit. Buti may baon kaming extra shirt. Kung hindi basang basa kami. Pagkatapos namin magpalit bumalik na kami sa pwesto namin. Pagbalik namin kulang na yung upuan.
"Mica nasan na yung upuan namin?" Tanong ni Ate Lanie.
"Kinuha kanina nung lalaki sabi namin may nakaupo na jan eh kinuha nya parin." Sabi ni Ate Mica at tinuro yung upuan namin na ngayon inuupan ng lalaki at mga kasama nya. Family nya ata yun.
"San ka pupunta Lanie?" Tanong ni Tita Aemie.
"Kukunin yung upuan natin." Sabi ni Ate Lanie palaban talaga yan.
"Naku! Hayaan mo na." Sabi ni Tita Aemie pero di parin nagpaawat si Ate Lanie. Lumapit sya dun sa lalaki.
"Akin na yung upuan namin." Mahinahon na sabi ni Ate Lanie.
"Walang nakaupo dito.. Tsaka umalis kayo eh!" Sabi nung lalaki.
"Ano?? Ehh nagbihis lang kami! Saglit lang yun pagbalik namin wala na yung upuan." Sabi ni Ate Lanie. Halata mo sa kanya na inis na sya. Kapal kasi ng mukha nung lalaki kasura.
"Kumuha na lang kayo dun!" Sabi nung lalaki.
"Ano?? Ano ulit sabi mo?? Kumuha kami dun?? Eh saming upuan yan!! Kayo ang kumuha ng upuan nyo! Nagpakandahirap kami na kuhanin yang upuan na yan. Ang kapal din talaga ng mukha mo nuh!" Sabi ni Tita Aemie. Naku! Nakakatakot magalit yan mali sya ng kinabangga. Narakot ata yung lalaki kaya binigay na samin. Kala nya ah! Hahaha!! Walang pwedeng manapak sa lahi namin!! Tsk!! Kilalanin nya muna kasi kung sino kinakabangga nya.
Malapit ng mag 12 ginaw na ginaw na ko kasi di ba basa nga kami kaya napag pasyahan na umuwi na sayng nga di namin naantay na mag fire works. May you tube naman eh dun ko na nga lang panunuorin.

"San tayo sasakay tita?" Tanong ni Ate Hailey.
"Sa jeep." Sabi ni mama kaya naglakad kami.
"Sino mga iihi mag si ihi na kayo!" Sabi ni Tita Lanie. Lahat naman ata kami naiihi kaya mga nag cr na kami. Pagkatapos nun. Naglakad ulit kami nakakaramdam na ko ng pag ka antok ang layo pa ng lalakarin namin bago makasakay. Pagod na pagod pa ko. Sa mahaba naming paglalakad sa wakas at nakasakay na kami.
"San kayo matutulog Hailey??" Tanong ni mama sa kanya.
"Sa bahay po." Sabi ni Ate.
"Ahh.. Kala ko sa mga Tita Lanie nyo na kasi gabi na eh! San kayo sasakay?" Sabi ni mama.
"Sa tricycle po tita." Sabi ni Ate.
"Madie uuwi ba kayo satin?" Tanong sakin ni Ate Hailey.
"Hindi samin yan matutulog." Sabi ni mama.
"San kayo sasakay?" Tanong ni Tita Lanie.
"Magpapasundo kami." Sabi ni mama. Kanino naman kaya?? Baka sa kabit nya. Oo alam nila tita na may kabit si mama, wala naman daw kasi silang magagawa kaya hinayaan na lang nila.
"Ehh san kayo magpapasundo?" Tanong ni Tita Lanie.
"Sa palengke." Sabi ni Mama.
"Naku Larah anong oras na. Baka mapano pa kayong mag iina dun." Sabi ni Tita Lanie.
"Naku Ate hindi yan mga kilala ko mga nagtatrabaho dun hindi kami mapapano mag iina dun." Sabi ni mama. Malapit na sa palengke kaya nag babye na kami ni Raniel sa mga pinsan namin. Bumaba na kami nila mama at pumunta sa may pwesto.
"Oh Te Larah, bakit nandito kayo?" Sabi nung lalaki na nagbabantay sa kabilang pwesto.
"Galing kami sa Arena eh!" Sabi ni mama at may tinawagan sya sa phone nya.

Hello!!

Nasan kana ba?? Kanina pa kami dito ng mga anak ko.

Oo kasama ko sila Madie.

Dalian mo at giniginaw na kami dito.

Tapos binaba na ni mama.
"Nasan na daw ma??" Tanong ni Raniel
"Papunta na nak" sabi ni mama.
At ilang minuto pa ang lumipas salamat  naman dumating na. Sumakay na kami sa sasakyan eto pa rin yung sasakyan na ginamit namin nyng birthday ko. Ilang minuto pa pumasok kami sa may eskenita pag liko nya. Nakita ko na yung apartment. So nag aapartment pala sila. Alam ko naman na si mama nagbabayad nyan tsk!! Tatlo yung doors so ibig sabihin tatlong apartment to. Bumaba na si mama at binuksan nya yung pinaka unang pintuan so dito sila nakatira hmmm.. Mukhang maayos naman sya. Pumasok na kami ni Raniel sa loob.

"Magpalit muna kayo nak." Sabi ni mana at binigyan kami ng baro. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Okay na din yung apartment nila malaki tsaka maluwang. Pinalitan muna ni mama ng kobre yung foam tapos pinalitan nya din yung punda ng unan tsaka kumot.
"Dyan na kayo matulog nak." Sabi ni mama.
"San ka ma matutulog??" Tanong sa kanya ni Raniel.
"Sa lapag na lang anak may foam naman kaming extra." Sabi ni mama. At lumabas na ng kuwarto. Pinikit ko na yung mata ko dahil antok na antok na ko at dahil  sa pagod. Sana hindi kami lagnatin bukas nito!

A/N: Wieeehh thank you sa lahat ng support nyo ng dahil sa inyo nasa Rank #628 na sa Teen Fiction ang THATVP hihihi!! Sana hanggang sa huli suportahan nyo to;-)  Keep voting and commenting guys:-)  love ko kayo:-*  mamats talaga ng marami;-)  kung hindi  dahil sa inyo hindi ko mararating to kaya salamat talaga:-*

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon