CHAPTER 28: First Date

1.8K 88 4
                                    


Blaine's POV

      11 am na naghahanda na ko para sa date namin ni Pau. Hay!! Sa wakas matutuloy na din. Naligo na ko at nagbihis nagpabango ako para mabango pag naamoy ni Madie---- ay mali ni Pau pala. Bakit si Madie yung naisip ko?? Gutom lang siguro to bumaba ba ko para makakain.

 Bakit si Madie yung naisip ko?? Gutom lang siguro to bumaba ba ko para makakain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang matapos na ko kumain ay nag avang na ko ng masasakyan papuntang sm. Kasi dun kami magkikita ni Pau tsaka na lang kaming pupuntang park. Tinext ko sya na papunta na kong sm. Nang makarating ako dun umupo ako sa isang bench at tinext na lang sya na dito na lang kami magkita.

Pauline's POV

      Natutulog pa ko ng tumunog yung phone ko si Boss nagtext binasa ko.

From: Boss Ko
     Nandito na ko sa mallIntayin kita sa may bench sa tapat ng pintuan ng mall.  Ingat boss ko, I love you!

Pagkabasa ko nun tumingin ako sa oras 12:00??!! Shocks!! Napahaba tulog ko nakalimutan kong may date nga pala kami ni Blaibe ngayon napabangon agad ako at dumeretso na sa c.r. Pagtapos kong maligo nagbihis na ko agad at bumaba para magvaon na lang ng sandwich dun ko na lang to kakainin habang nasa byahe.

 Pagtapos kong maligo nagbihis na ko agad at bumaba para magvaon na lang ng sandwich dun ko na lang to kakainin habang nasa byahe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumara na agad ako ng sasakyan. Tinext ko si Blaine na papunta na ko. Shocks! 12:38 pm na.. Dalian mo kuya paliparin mo na yung jeep mo!!
12:58 ng makarating ako sa mall nakita ko na si Blaine.

"Kanina ka pa?" Bungad kong tanong sa kanya.
"Hmm.. Hindi masyado tara na!" Sabi nya.
"Ahm... San tayo??" Tanong ko kasi palabas kami ng mall eh!
"Sa park!" Sabi nya. Bakit sa park?? Andami daming restaurant dito bakit dun pa??.
"Ha? Dun tayo magde date?" Tanong ko.
"Oo, masaya dun!" Sabi nya at nakangiti pa sya.
"At kelan ka naman napunta dito eh! Hindi ka naman dati nagpupunta dito ah!" Sabi ko.
"Ahh.. Nung last week pa." Sabi nya.
"Tara!" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Pumunta sya sa nagbebenta ng mga cheap na cap ang baduy ng taste nya.
"Suotin mo to!" Sabi nya at isusuot na sakin ng bigla akong umiwas.
"Seriously! Ipapasuot mo sakin yan? Magugulo lang buhok ko." Sabi ko at umalis na dun.

Blaine's POV

     Akala ko pa naman matutuwa siya. Tama nga ata yung sinabi ni Madie. Sinundan ko na lang sya. Nakita ko sya sa nagbebenta ng stuffed toys.

"Gusto mo niyan?" sabi ko.
"Hindi, tinignan ko lang." Sabi nya at binalik na yung stuffed toys. At umalis na dun.
"Boss pagawa tayo bracelet." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay nya. Pumunta na kami dun sa pinagpagawan namin ng bracelet ni Madie.
"Kuya pagawa po, dalawa pong Boss Ko ang nakasulat." Sabi ko kay Manong.
"Ahh.. Ikaw yung may kasamang magandang---" sabi ni manong sinenyasan ko siya na huwag ng ituloy yung sasabihin. Muntik na ko doon.  Natapos din sinuot ko na sa kanya yung bracelet nya.
"Wag mong huhubarin yan ha!" sabi ko.
"Okay po!" sabi niya.
"Gutom kana ba?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo." Sabi nya.
"Tara kain muna tayo." Sabi ko at hinila na sya sa nagtitinda ng mga ihaw ihaw.

Pauline's POV

     Seriously hindi nya talaga ako pakakainin ng matinong pagkain??
"Seriously! Dito mo na nga ko dinala papakainin mo pa ko ng dirty foods?." Sabi ko.
"Masarap to promise! Nandiri rin ako ng umpisa pero nung kainin ko ang sarap." Sabi nya at isusubo na sakin yung parang intestine what did they called that?? Oh it's isaw. Kaya naman natabig ko yung kamay nya sanhi para ma fall yung isaw dun sa ground.
"I'm full. Let's go home!" Aya ko sa kanya. Feeling ko magsusuka ako sa lugar na yun!

Blaine's POV

     Nag sorry na lang ako dun sa tindera at sinundan na si Pau. Tama nga si Madie di nya magugustuhan yung ganitong date.  Hayst!! Ang tanga ko.
"Sorry Boss ang pangit ng kinalabasan ng date natin." Sabi ko.
"It's okay.  Next tine wag na dito ah!" Sabi nya.
"Opo promise." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya hanggang sa pag uwi namin nakahawak pa din ako sa kamay nya na para bang ayoko ng bitawan pa.

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon