CHAPTER 39: New Classmate

1.8K 68 2
                                    

Madie's POV

First day of school. Ang bilis ng panahon grade 8 na ko. Pero bakit yung height ko walang improvement. Hahaha!! Yaan na nga natin bawing bawi naman sa mukha. Sinuot ko na yung i.d ko at lumabas na ng bahay. Hindi na daw ako ihahatid ni papa dahil malaki na daw ako. Ang tanong malaki na nga ba?? Hahaha!! Bakit kasi natutulog ako nung nagpaulan ng height eh!! Ayan tuloy di ako nabiyayaan hahaha!! Sa sobrang daldal ko nakarating na pala ko sa school nakita ko na agad sila Pau.

"Madie!!" Sabi sakin ni Pau at biglang niyakap ako miss na miss talaga ako nito.
"Di naman halatang namiss mo ko nyan nuh!" Sabi ko sa kanya at natawa naman sila.
"Hahaha!! Tara na nga pumila na tayo." Sabi ni Joan. At sumunod na kami sa kanya.
"May pogi ba tayong classmate??" Tanong ni Bernz samin.
"Hahaha!! Ikaw talaga Bernz." Sabi naman ni Pau. Dumaldal lang si sir Valdez at pinapasok na kami sa room namin.
"Goodmorning class." Sabi nung teacher namin.
"Goodmorning..." Sabi namin.
"Ma'am Gutierrez." Sabi ni Ma'am kaya inulit namin yung pag bati namin sa kanya.
"Goodmoring Ma'am Gutierrez." Masaya naming bati sa kanya.
"Please sit down. Ako nga pala ang advisory class teacher nyo. Ako din ang teacher nyo sa A.P" sabi ni Ma'am. As usual syempre nag voting para sa magiging position. Si Puline parin ang muse namin maganda kasi si Pau eh. At ang escort namin si Emmanuel. Pogi si Manuel hawig nya si Alden Richards literal walang halong biro andami ring teacher ang nagsabi. So yun sa mga sumunod naming teacher nagpakilala lang.

Blaine's POV

Anong oras na hindi ko pa rin nakikita sila Madie, hirap naman ng hindi kami magkaka classmate. Maya nga hihingin ko sa kanya sched nila. Para naman kahit di na kami magkaka classmate mapupuntahan pa rin namin sila. Nakakamiss kaya yung mga yun. Lalo na si Madie. Okay na rin naman kami ni Pau. Nag uusap na kami kaso hindi na katulad nung dati. Okay na rin yun, para mawala na talaga yung feelings ko para sa kanya. Hindi porket break na kami eh madadamay pati mga tropa namin. Kami pa din ang magkaka tropa. Sila Joan din break na. Sawa na daw kasi si Joan. Hays!! Babae nga naman.
F
L
A
S
H
B
A
C
K
"Gelo." Sabi ni joan.
"Ano yun babe??" Sagot naman ni Gelo.
"Mag break na tayo." Sabi nya.
"Ano??!! Bakit??!! May ginawa ba ko??" Sabi ni Gelo. Na mangingiyak na.
"Ehh.. Sawa na kasi ako. Ayoko na!" Sabi ni Joan at binalik yung mga binigay sa kaniya ni Gelo. At umalis dun naiwan si Gelo na nakatulala. At may pumatak na luha galing sa mata nya.
"Seryoso ba yun pre! Ha-ha-ha!!" Sabi nya alam ko namang pilit lsng yung tawa nya pinunasan nya yung luha nya at tumayo.
"San ka pupunta??" Tanong ko sa kanya.
"Sa labas lang. Magpapahangin." Cold na sabi nya. Grabe kasing cold ng ice boses nya.

End Of Flashback...

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon