Madie's POV
Nasa Dormitory kami ngayon dito kasi yung room namin sa T.L.E. Merong mga visitors kaya busy si Ma'am Santos kaya pasilip silip lang sya samin.
"Maya open forum tayo!" Aya ni Joan tumango naman kaming girls.
"Sali ka samin Pau." Sabi ni Joan. Ngumiti na lang sya. Alam ko namang pilit lang yun. Dumating na si Ma'am at pinaglinis lang kami kaya lumabas na kami sa sala kami nagpunta para makapag open forum. Nag form kami ng circle.
"Papaikutin ko yung bote tapos yung matapatan pipili sya satin tapos sasabihin lahat ng gustong sabihin. Bawal mag salita yung napili dapat makinig lang respetuhin kung ano ang sinabi sayo." Sabi ni Aira. At nag-umpisa na nga umikot yung bote. Pagka hinto tumapat kay Aira.
"Hala! Ako agad. Okay sige. Si Pauline ang napili ko. Pauline paprangkahin na kita! Naaartehan ako sayo minsan. Tapos hindi ako naniniwalang may allergy ka. Tapos nainis talaga ako sayo nung namimicture k ng hindi namin alam. Pero okay na yun napatawad na kita." Sabi ni Aira. Nakatingin naman sa baba si Pau. Gusto ko syang i comfort kaso wala na di na kami friends. Muling umikot yung bottle at huminto kay Angela.
"Si Madie. Hindi ka naman maarte, simple lang, masarap kasama. Pero minsan ang kj mo eh hahaha!!" Sabi ni Angela. At pinaikot ulit yung bote. Oo totoo minsan talaga kj ako pag hindi ko gusto ginagaw nila dun ako nagiging kj. Huminto na nga yung bottle at tumapat kay Pau. Bigla kong kinabahan.
"Madie." Panimula nya at huminga sya ng malalim.
"Alam ko naman na sinasamahan mo lang ako kasi naaawa ka sakin." At napaluha na sya. Bigla naman kaming tinawag ni Ma'am kaya nagsitayuan na kami. Nakita ko si Pau na nagpupunas. Sorry Pau. Pero totoo yung pinakita ko sayong friendship nawala lang yun nung nagbago ka ng ugali. Sana hindi ka nagbago edi sana bestfriend's pa din tayo. Sayang talaga.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Fiksi RemajaRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...