CHAPTER 30: New Year

1.9K 87 3
                                    

Madie's POV

       December 31 ngayon maaga kaming nagising para ihanda yung mga gagamitin sa pag luluto. Naghilamos lang ako at nag suklay at bumaba na, lumabas ako ng bahay para tumulong sa mga pinsan ko.

"Madie, pakihugasan mo nga to!" Utos sakin ni Ate Hailey.
"Okay po." Sabi ko at kinuha na sa kanya yung container na lalagyan ng salad mamaya. Pumunta akong baba para dun hugasan ito. Pagkatapos pinunasan ki ng tuyong tela at itinaob para matuyo.
"Ano pa po gagawin ko?" Tanong ko kila Ate.
"Bumili ka nga ng 1 kilo ng asukal Madie." Utos sakin ni lolo. Kinuha ko yung pambili ng asukal tapos kumuha ako ng sumbrero. Naglakad na ko papunta kila ka Mila para bumili. Nang makabili ako ng asukal tumakbo na ko pauwi ang init kasi eh!
"Lolo oh!" Sabi ko.
"Salamat." Sabi sakin ni lolo.
"Ay Madie nga pala meron ba kayong lampin?? O kaya tela na hindi na nagagamit??" Tanong sakin ni Tita.
"Meron po. Teka po at kukunin ko." Sabi ko at pumunta na ko samin para hanapin. At sa paghahalungkat ko nakita ko na yung hinahanap ko bumalik na ko kila lolo at ibinigay yung kailangan nila. Gumagawa na sila ng salad. 10: 16 in the morning na, naluto na din yung sauce ng spaghetti tapos linuluto na nila lolo yung leche plan. Matagal kasing lutuin yun eh!
5:30 in the afternoon nagtutuhog na kami ng pang barbeque. Tinignan ko yung phone ko, 15 unread messages!! Pag tingin ko si Blaine. Binasa ko na.

Text message from: Daddy Blaine

Hi BabyMukhang busy ka ngayon ah! Hindi mo man lang naalalang itext ang pinaka gwapo mong Daddy. Makapal ba?? Hahaha!! Pinapatawa lang po kita.  Pag nabasa mo to reply agad ah! Miss na kita.

Uy!! Antagal mo naman.

Madie! Busy??

Wala kaba load?? Gusto mo loadan kita??

Mag reply ka kapag nabasa mo na ha!

Advance Happy New YearMaya na lang yung message ko sayo.

Psst!! Uy!! Buhay ka pa ba?? Di joke lang, miss na kitaReply ka na uy!!

Madie anong oras na ah!! Kain kana jan ng tanghalian.

Baby!! Nag aalala na Daddy mo dito, kanina ko pa iniintay reply mo!!

Uy!! Baby!!

Hapon na di ka pa rin nagrereply??

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon