Madie's POINT OF VIEW
It's been 3 years since noong umalis si Basty and mag 3 years na din kami ni Blaine ang bilis ng panahon. Nag mature na rin kami. We were in college na and Education ang kinuha ko. Sila Blaine ayun nasa Programming mag IT daw sila. Goodluck sa kanila sa pag cocoding hahaha!
"Nakapagpa enroll kana?" Tanong ni Blaine.
"Yes po. Ikaw ba?"
"Oo. Goodluck sa college life natin." Sabi niya. Ngumiti na lang ako.
"Tapos kana Blaine?" Tanong ni Brice.
"Oo katatapos tapos ko lang eh!" Sabi niya.
"Si Axel naabutan ng cut off eh kamalas hahahaha!" Sabi ni Brice.
"Kawawi!" Sabi ko.
Naupo muna kami sa may bench ni Blaine habang nag aantay sa dalawa.
"Wait lang ah!" Sabi ni Blaine at tumayo.
San naman kaya pupunta yun? Pagka balik niya may dala siyang footlong at softdrink nagutom tuloy ako bigla.
"Oh!" Abot nya sakin ng dalawang footlong at softdrink.
"Grabe naman to bakit dalawa yung akin?" Tanong ko.
"Alam ko namang kulang sayo yung isa kaya dinalawa ko na hahahaha!" At tinawanan pa ko.
"Tuwang tuwa ka nuh!" Sabi ko at hinampas siya.
"Eto naman joke lang, di mabiro eh! Syempre ayoko nagugutom Girlfriend ko. Dapat lagi kang busog." Sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Kinain ko na lang tong bigay niya sakin, ang sarap talaga lalo na pag libre hahaha!!
*******
"Oh hatid na kita sa room mo." Sabi sakin ni Blaine.
Pagdating namin sa tapat ng room ko binigay niya na sakin yung bag ko at kiniss ako sa forehead. Ang sweet ng boyfriend ko nuh! Kinikilig ako shit!
"Kilig ka na naman diyan!" Tapos pinisil niya yung pisngi ko.
"Blaine?" Isang boses ang aking narinig at parang pamilyar ito ng pagtalikod ko nakita ko si Pau. Yeah yung bestfriend ko dati na ex girlfriend ni Blaine.
Pauline's POINT OF VIEW
Papasok na sana ako ng classroom ng makita ko si Blaine. Oh my huwag niyong sabihin sa akin na Education din ang kinuha niya? Destiny ba to? Pinagtatagpo talaga kami ng tadhana.
"Blaine?" Tawag ko sa kanya napalingon naman siya sa gawi ko at lumapit ako sa kanya. Yinakap ko siya at ganoon din ang ginawa niya.
"Kamusta na long time no see ah." Naka ngiting sabi ko. Namiss ko siyang yakapin and ang bango niya shit! Nakakamiss tawagin siyang boss.
"Okay lang eto pogi pa din." Sabi niya, oo walang pinagbago sa itsura niya at inaamin ko mas lalo siyang pumogi ngayon.
"Ikaw talaga boss." Sabi ko at hinampas siya.
Madie's POINT OF VIEW
Lumapit siya kay Blaine at nagyakapan sila sa harap ko wow lang ha! GIRLFRIEND HERE!! Parang di niya ko nakita ah!"Kamusta na long time no see ah." Naka ngiting sabi ni Pau.
"Okay lang eto pogi pa din." Sabi ni Blaine. Mukhang nag eenjoy siyang kausap si Pau nakalimutan ata niyang nandito pa ko.
"Ikaw talaga boss." At hinampas si Blaine. Wow lang maka boss, kung hampasin niya BOYFRIEND ko feeling close. Maka-alis na nga lang dito nakakabadtrip eh! Akmang aalis na ko ng hatakin ni Blaine yung kamay ko.
"Saan ka pupunta GIRLFRIEND KO di pa kita napapakilala eh!" Biglang bumilis tuloy pintig ng puso ko. Shit! Blaine 3 years na tayo pero bakit di pa rin ako nasanay sayo. Lagi pa rin akong nagugulat sa mga pinag gagagawa mo.
"Pau, Girlfriend ko na nga pala si Madie." Naka ngiti niyang sabi habang naka akbay sakin.
Pauline's POINT OF VIEW
"Saan ka pupunta GIRLFRIEND KO di pa kita napapakilala eh!" Pagkasabi nun ni Blaine biglang may hinatak siyang babae nagulat ako ng makita ko siya. GIRLFRIEND?? Shit lang. Wala na kong pag asa, wala ng mangyayaring comeback.
"Pau, Girlfriend ko na nga pala si Madie." Naka ngiti niyang sabi habang naka akbay kay Madie. Halatang inlove na inlove siya dito. Never siyang ngumiti ng ganyan sakin.
"Hello, long time no see Pau." Sabi nito at ngumiti.
"Ilang months na kayo?" Usisa ko sigurado akong bago lang sila kasi ang saya ni Blaine eh! Feeling ko mga 1 month pa lang, yes may pag-asa pa ko.
"Hahaha! 2 years na kami." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"2 years?? Kailan pa?" Tanong ko ulit.
"Nung grade 10." Sabi ni Blaine. Shit ang sakit.
"Ah okay. Pakatatag kayo." Sabi ko at umalis na doon. Nakakahiya maka boss pa ko kanina, feeling close ako masyado. Ano pa nga bang aasahan ko eh iniwan ko dati si Blaine tapos ngayon aasa ako na single siya hahaha! Sinasaktan ko lang sarili ko.
Blaine's POINT OF VIEW
"Hahaha! Biglang alis siya nuh?" Natatawang sabi ko.
"Baliw ka kasi ang harsh mo masyado kay Pau, parang wala kayong pinagsamahang dalawa." At hinampas ako.
"Aray! Parang di ka nagseselos kanina, kung nakita mo lang kanina yung mukha mo nung tinawag akong boss ni Pau hahaha!" Asar ko sa kanya.
"Naku bahala ka nga di yan nang iinis ka na naman." Sabi niya.
"Joke lang I love you Sierra." Sabi ko at kiniss ko yung noo niya.
"I love you too Kyle." Sabi niya at pumasok na sa loob ng room nila.
Inintay ko lang makapasok si Madie sa loob ng room nila tsaka ako umalis. Pagpasok ko pa lang sa room namin nakita ko na agad ang isang pamilyar na lalaking naka talikod.
"Oh Blaine." Tawag sakin ni Brice at siya namang pagharap ng lalaking naka talikod.
"Oh gulat na gulat, para kang nakakita ng multo ah!" Sabi nito at lumapit sakin.
"Kailan ka pa dumating dito?" Tanong ko.
"Noong isang linggo pa." Sabi niya.
"Bakit di mo man lang sinabi sa amin na darating ka?" Tanong ko.
"Syempre para surprise hahaha! Nasan nga pala yung Prinsesa ko?" Sabi niya.
"Nasa kabilang room." Sabi ni Axel.
"Ganoon ba pupuntahan ko lang ah!" Pa alis na sana siya ng dumating yung professor namin. Kaya nagsi-upo na kami.
"Ilang years na kayo?" Tanong niya sakin.
"2 years na pre." Sabi ko.
"Tagal ko pa lang nawala pero di ako nagsisisi na pinalaya ko si Madison. Salamat dahil iningatan at pinahalagahan mo yung Prinsesa ko." Sabi ni Basty.
"Syempre mahal ko yun eh!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Genç KurguRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...