Madie's POINT OF VIEW
Nagbibihis na ako kasi baka malate ako, first day of school pa naman. Kumain lang ako ng mabilis at nag suklay na ng buhok ko. Wala pa dito si Tito kaya umupo muna ko ng tumawag si mama.
"Hello ma."
'Nak di ka maihahatid ng Tito mo mamasahe ka na lang.'
Tsk!! Nag intay intay pa ko edi sana umalis na ko agad.
"Sige ma."
'Sa pila ka lang kumuha ng tricycle ah! Wag kang sasakay sa iba.'
"Opo ma."
At pinatay ko na. Ngayon pa lang ako magcocomute dito. Bahala na nga. Lumabas na ko ng bahay at pinad lock ko yung pinto may susi naman kasi si mama. Paalis na sana ako ng tinawag ako ni Basty.
"Madie hindi ka ihahatid?" Tanong nya.
"Hindi eh!" Sabi ko.
"Hatid na kita. Wait lang ah!" Sabi nya at pumunta ulit sa kanila. Ihahatid nya daw ako OM!! Ako na pretty hihihi!! Pinaandar na nya yung motor nya kaya lumabas na ko ng gate. Nakita ko namang paalis na din si Angela yung kapitbahay namin na nag aaral sa Phillips pareho sila ni Basty. Kasing edad ko din sya. Dati dun sya nag aaral sa Mater Dei di ko lang alam kung bakit lumipat sya. Nakalabas na pala si Basty di ko namalayan daldal ko kasi. Bigla namang lumapit sa kanya si Angela. Close sila??"Basty sabay na ko sayo!" Maarteng sabi nito tsk!!
"Kelangan ko bang ulit ulitin sayo Angela na wag na wag mo kong tatawaging Basty dahil di tayo close!!" Sabi nya sa pinaka cold na boses nya at halata mong naiirita na sya! Hahaha!! Buti nga sa kanya.
"Aww!! Bakit mo ba ko pinahihirapan Basty alam ko naman may gusto ka rin sakin ayaw mo lang aminin." Sabi ng malandi. Kapal din ng mukha nya talaga!!
"Para sabihin ko sayo wala kong gusto sayo at hinding hindi ako magkaka gusto sa tulad mo!! At nga pala si Madie girlfriend ko." Sabi nya at inakbayan ako. Napanganga naman sya literal. Buti nga sa kanya.
"Tara na Baby Ko." Sabi nya at sumakay na ko at pinahawak nya ko sa tiyan nya. Wahh!! Bilbil! Choss.. Hahaha!! Meron akong nakakapa nuh! Meron syang abs konti lang wahhhh!! Namumula na naman ako.
"Oh wag kang kiligin jan baka mahulog ka pa." Sabi nya at tumawa pa.
"Kapal mo." Sabi ko at binatukan sya. Abnormal kasi eh! Hahaha!!
"Napaka amazona talaga ng girlfriend ko." Sabi nya at natawa naman ako pinaandar na nya yung motor. Sakto lang naman sya magpatakbo hindi mabilis. Kaya feel na feel ko yung pagkakayakap sa kanya hahaha!! Pagkarating namin sa school..
"Uy dito na lang." Sabi ko pero di sya huminto tuloy tuloy sya. Pinasok nya talaga ko hanggang loob. Huminto naman sya sa may administration office. At tinggal yung helmet nya. Narinig ko naman yung mga bulungan ng babae.Yiieehhh!! Ang pogi nya Shit!!
Wahhh!! Oo nga may girlfriend na kaya sya??
Tignan nyo may kasamang girl baka yun yung girlfriend nya??
Malay natin kapatid nya lang yun.
Sana dito na lang sya nag aaral.
"Kaasar!!" Sabi ko. Natawa naman yung katabi ko napalakas pala yung pagkakasabi ko.
"Selos naman ang baby ko." Sabi nya at hinubad yung helmet ko. Inayos nya pa yung buhok ko.
"Nasa mata ko pa lang sila pero ikaw nasa puso ko na." Sabi nya at tinuro nya pa talaga yung puso nya. Wahhh!! Ang aga aga pinapakilig nya ko.
"Oo na. Sige na umalis kana baka malate ka pa." Sabi ko. At natawa naman sya. Ginulo nya yung buhok ko at ikikiss nya ko wahhhhh!! Napapikit tuloy ako. Hinihintay kong dumampi yung labi nya sa labi ko. Pero.. Sa noo lang nya ko hinalikan. Wahh!! Ang sweet!! Hutek!!
"Akala mo sa lips nuh! Hahaha!! Darating din tayo jan" sabi nya at kumindat pa.
"Asa ka!!" Sabi ko at tinulak sya.
"I love you Baby Ko." Pagkasabi nya nun namula yung pisngi ko. Bakit ba sya ganyan?? Sinuot na nya yung helmet nya at pinaandar na yung motor nya. Naiwan akong nakatulala dito wahhh!! Lakas ng tama ng I love you nya sakin. Shitt!! Natauhan lang ako ng may tumawag sakin.
"Boss Liit!!" Tawag sakin ni Blaine. Napatingin naman ako sa kanya papalapit sya sakin ngayon.
"Maka liit sya ah!!" Sabi ko.
"Aminin namiss mo ko." Sabi nya at ngumiti.
"Oo namiss kita ikaw kasi di ka nagtitext." Sabi ko.
"Ehh talagang di ako nagtext nagpapa miss talaga ko hahaha!!" Sabi nya.
"Hmm... Ikaw talaga." Sabi ko at hinampas ko yung braso nya.
"Babawi po ko." Sabi nya at kinuha yung bag ko. At nauna na sakin. Pinabayaan ko na lang namiss ko talaga tong abnormal na to hahaha!! Hinatid nya ko sa room namin at nagpa alam na sya bago sya tumalikod humarap sya ulit sakin at...
"Namiss talaga kita Baby." Sinabi nya yan habang naka yakap sya sakin. Buti na lang kunti palang yung tao sa corridor kung hindi tsismis na naman to tiyak! Niyakap ko na lang din sya.Blaine's POINT OF VIEW
Papasok na ko ng may nakasalubong akong motor. Napatingin ako sa kanya. Hmmm.. Yaan ko na nga lang yun. Pano kaya yun nakapasok dito bawal kasi outsider sa school namin. Namimiss ko na talaga yung boss ko ngayon na lang kasi kami magkikita ulit. Kaya nga inagahan ko yung pasok para sa kanya eh. Sana magkita kami ngayon. At parang sinuswerte ako kasi nakatayo sya ngayon tinawag ko sya.
"Boss Liit!!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman agad sya sakin. Kaya lumapit na ko.
"Maka liit sya ah!!" Sabi nya. Hahaha!! Sarap talagang asarin ng babaeng to kaya love na love ko to eh.
"Aminin namiss mo ko." Sabi ko st ngumiti sa kanya.
"Oo namiss kita ikaw kasi di ka nagtitext." Sabi nya.
"Ehh talagang di ako nagtext nagpapa miss talaga ko hahaha!!" Sabi ko ang totoo di talaga ko makapagtext sa kanya dahil buong baksyon nagpapractice kami nila coach ng basketball.
"Hmm... Ikaw talaga." Sabi nya at hinampas ako sa braso. Ang cute nya talaga.
"Babawi po ko." Sabi ko at kinuha ko yung bag nya at nauna ng maglakad hinatid ko sya sa room nila bago ako umalis humarap ako sa kanya at hinila sya palapit sakin at niyakap ko sya. Namiss ko talaga yung babae na to. Kaya di ko na napigilan pa yung sarili ko. Hayaan na wala namang tao.
"Namiss talaga kita Baby." Sabi ko habang yakap yakap sya. Ilang segundo lang kumawala na ko sa pagkakayakap sa kanya. At pinisil yung ilong nya.
"Kitakits mamaya." Sabi ko at tumakbo na palayo.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...