Blaine's POVSabado ngayon.. At dahil nag away kami ni Pau nung friday aayain ko sya ng date para pang bawi ko ba. Sana lang magustuhan niya. Tinext ko na siya.
To: Boss Ko
Boss pwede ka bang umalis ngayon??Convo w/Boss Ko
Boss: Ahm.. Pwede naman bakit??
Me: Tara date tayo.
Boss: Okay! What time??
Me: 1pm. Bawal ma-late. Pag na late ka iki-kiss kita.
Boss: Yack!! Ang manyak mo!!
Me: Kiss lang manyak agad?? Sa pisngi lang naman eh!
Boss: Okay!! See you later.End of Conversation
Pagka text niya noon naligo na ko. 10 mins lang ako naligo at nagbihis na para maunahan ko siya. Para maka kiss na ko hahaha!
Pagkabihis ko bumaba na ko. Tinext ko siya na sa sm kami magkita. Nandito na ko sa sm ng magtext sya.
From: Boss Ko
Boss sorry hindi ako pwede ngayon nakalimutan ko sasamahan ko pa lang mag pa spa si mommy ngayon. Sorry talaga! Maybe nextime?? Promise sa susunod tuloy na talaga, I love you!Pagkabasa ko nun nalungkot ako. Hayst!! Kala ko naman makakapag date na kami. Nag reply na ko sa kanya.
To: Boss Ko
Okay lang yun nuh! Ingat na lang kayo ni mommy, okay?From: Boss Ko
Thank you sa pag intindi.Naglakad lakad na lang ako dito sa mall. Kesa naman umuwi ako sayang lang lakad ko. Mag date na lang ako mag isa. Habang naglalakad ako nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Anlayo kasi nya kaya di ko masyadong makita yung mukha nung makalapit na ko nakita ko si Madie pala yun. Hindi naman pala ko minamalas eh! Linapitan ko na sya.
"Hello Baby!" Sabi ko sa kanya at may palundag effect pa.
"Ay! Bakla!!" Sabi nya. Na halata mo talagang nagulat sa ginawa ko.
"Napaka gwapo ko namang bakla." Sabi ko. At hinampas nya ko.
"Ay!! Baliw ka talaga! Bakit kasi kelangan pang manggulat pwede naman kasing hindi nanggugulat eh nuh!!" Sabi nya.
"Ehh! Sorry na Baby." Sabi ko.
"Ano nga pala ginagawa mo dito??" Tanong nya. Hayst!! Naalala ko na naman.
"Dapat kasi magde date kami ni Pau kaso di natuloy kasi sasamahan daw nya mommy nya eh!" Sabi ko.
"Ahh.." Sabi nya.
"Ehh kaya naman pala di ako pinauwi ng aking paa kasi nandito ka." Sabi ko.
"Hahaha! Abno!" Sabi niya.
"Sino nga pala kasama mo? Atsaka bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ako lang mag-isa, pinabili kasi ako ni papa ng pantalon nya." Sabi nya.
"Wow! Sweet na anak sya pa bumibili ng pantalon para sa papa niya." Sabi ko.
"Oo naman nuh!!" Sabi nya.
"Teka! Yan lang ba bibilin mo??" Tanong ko sa kanya.
"Oo eto lang. Uuwi na nga ko eh!" Sabi nya. May naisip ako.
"Wag ka muna umuwi. Libot muna tayo, sige na!" sabi ko.Madie's POV
Hayst! Isip bata talaga to!!
"Oo na! Mamaya lumuhod ka na naman eh! Mukha kang tanga hahaha!" sabi ko.
"San mo gusto pumunta?? Treat ko!" sabi nya.
"Ahh! Alam ko na sa may park tayo." Sabi ko.
"Sure ka?? Ayaw mo dito sa mall??" Sabi nya.
"Gusto ko sa park, mas mura doon eh dito ang mamahal eh! Tsaka para maiba naman pinupuntahan mo hindi puro mall." Sabi ko.
"Okay ikaw bahala." Sabi nya.Blaine's POV
Oo di pa ko nakakapuntang park eh kasi naman puro sa sm ako pumupunta. First time ko. Nandito na nga pala kami. Ang daming mga nagbebenta dito mga tabi tabi sila. Pumunta si Madie sa nagbebenta ng mga sumbrero. Sinundan ko naman siya.
"Blaine try mo to!" Sabi nya at sinuot sakin yung isang cap na itim. Maganda yung taste nya ah. At sinuot naman nya yung isang cup na white. Bagay sa kanya.
"Tara picture tayo." Sabi niya at kinuha yung phone ko. Tinapat niya saming dalawa, at nag pose na kami ang cute namin doon. Binili ko na yung cap. Hindi ko namalayan umalis na pala yung kasama ko. Hinanap ko sya at nakita kong may hawak syang stuffed toys. Pipicture-an ko na siya ng bigla syang humarap kaya ayun napicturan ko siyang nakaharap. Ang cute."Blaine ang cute ng stuffed toys nuh!" sabi nya at pinakita sakin yun!
"Oo nga!" sabi ko. Mas cute ka diyan.
Binili ko na para sa kanya yun tapos pumunta naman kami sa gumagawa ng bracelets.
"Kuya magkano pagawa?" Tanong ko kay kuyang nagbebenta.
"20 lang sir." Sabi naman nya.
"Dalawa nga, yung isa Daddy nakasulat tapos yung isa Baby." Sabi ko at ginawa naman nya agad.
"Ang ganda naman ng girlfriend mo sir." Sabi ni kuya.
"Hala hindi po, friends lang kami." Sabi ni Madie. Bakit? Kaya lagi kaming napagkakamalang mag jowa?? Di ko namalayan tapos na palang gawin ni Kuya yung bracelet namin. Nagpasalamat kami tapos umalis na dun at nagyaya ng kumain si Madie.
"Dun tayo!" Sabi nya sabay turo dun sa street foods.
"Hindi ba sasakit tiyan natin jan?" Tanong ko.
"Tsk! Ang arte mo parang di ka lalaki! Trust me! Masarap yan, pag natikman mo yan uulit ulitin mo." Sabi niya. Mukhang masarap naman kaya hinayaan ko na.
"Oh Madie ikaw pala! Gwapo ng boyfriend mo ah!" Sabi ni kuyang nagbebenta ng street foods. So customer nya talaga si Madie. Mukhang close sila eh!
"Kuya hindi ah! Friends lang kami." sabi nya.
"Okay." sabi ni kuya na halata mo namang hindi naniniwala.
"20 isaw, 6 kwek kwek, 20 tenga, 20 barbeque" sabi ni Madie ang dami naman. Oy hindi naman sa wala kong pera pang bayad kaso mauubos ba namin yan at ng maluto na..
"Oh!" Abot nya sakin ng mga binili namin. Tinikman ko naman.
"Oh anong lasa??" Tanong nya.
"Ang sarap." Sabi ko.
"Sabi sayo eh!" Sabi nya. Alam ko na kung bakit ang dami nyang binili kasi ang lakas nyang kumain. Pagkatapos naming kumain napag pasyahan na naming umuwi.
"Ano nag enjoy ka ba??" Tanong nya sakin.
"Oo sobra." Sabi ko.
"Sabi sayo eh!" Sabi niya, at yun ang first friendly date naming dalawa ni Sierra Madison Smith.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...