Dedicated to: Uji1996
Blaine's POV
Ako nga pala si Kyle Blaine Fuentabella, 13 year old. Isang varsity player sa Mater Dei Academy, Captain ball ako sa basketball. Kaya sikat ako sa campus. Kahit Grade 10 tinitilian talaga ko kasi nga magaling daw ako magdala ng bola. Hmm... Di ko maitatanggi yun totoo naman kasi eh! Hoy! Baka naman isipin nyo mayabang akong tao ah! Hindi ako nagmamayabang.. Gusto mo one on one pa tayo e! Tsaka friendly ako mapa babae ka man o lalaki pakikisamahan kita ng maayos. Pero kapag naging close talaga ko sayo ng sobra na pati secret ko sinasabi ko sayo, aba! Suwerte mo ikaw pa lang ang babaeng sasabihan ko ng mga secret ko. Pero sa ngayon wala pa naman akong nakikilalang ganon. Nararamdaman ko kasi kung mapagkakatiwalaan ko ang isang tao. Yun na nga kabe break ko lang sa girlfriend ko kasi sobrang arte, lumaki yung ulo kasi naging girlfriend ko sya. Kaya ko sya hiniwalayan.. Kaso habol pa rin ng habol parang aso tsk. Ayokong ayoko pa naman sa babaeng ganon umasta. Nakakasura kasi eh!!Pero ngayon second day of class parang may natitipuhan na kong babae, classmate ko sya. Mahaba buhok, maputi, maganda, kulot at higit sa lahat PANDAK. Uy! Kahit pandak yun mahal na mahal ko yun. Grabe mahal agad di ba pwedeng hanga muna ko sa kanya hahaha! At higit sa lahat ALIEN siya. Oo tama kayo yun nga yung inaasar kong babae si Pauline May Ramos. Ewan ko ba kung bakit eh? Bakit siya? Di ko ma explain. Basta kusa ko na lang naramdaman hahaha! Corny ba ko sorry na. Basta mahal ko na che- cheesy ako eh! Yaan nyo na minsan lang mainlove eh! Pag bigyan nyo na ko! Moment ko to guys wag kayong magulo. Nandito nga pala kami sa UST ngayon.. Hindi yun University of Sto. Tomas ahh.. Iba yun, ang meaning nun ay Under Sampalok Tree hahaha! tama nga naman. Galing ng mga naka isip ng tawag dun nuh! Sampalok tree kasi yun na may paikot na upuan kaya yun tinawag na UST! Di ba petmalu hahaha! nakikiuso lang si ako. Eto na nga naka upo nga kami kasi lunch time kasama ko mga tropa ko.
"Mga tol pano kung makipag kaibigan ako kay Pau?" Tanong ko sa kanila.
"Ohooo!! Inlove ang tropa natin hahaha!" sabi sakin ni Angelo.
"Siraulo!! Ano nga ? Papayag kaya yun ?" Sabi ko sa kanila.
"Hmm..lam mo tol kung gusto mo maka da moves kay Pau, diskartihan mo MAG-ISA MO!! Hahaha!" sabi ni Jayson. At nagtawanan sila.
"Sabi ko nga eh! Wala kong makaka-usap na matino sa inyo mga g*go" sabi ko sa kanila. Ako na nga lang didiskarte. Vacant namin, nakita kong paalis na sila Pau pupunta ata silang canteen. Masamahan nga.
"Uy! San kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.
"Sa canteen, bakit?" Sabi sakin ni crush, este Pau pala.
"Sama ko." Sabi ko.
"Oh sige." Sabi ni Pau at nauna na silang maglakad sakin. Nandito lang naman ako sa likod nya. Bumili kami ng pagkain tapos yun bumalik na kami sa classmate namin. Ang babait nilang lahat sana makilala ko pa sila lalo na si Pau. Habang kumakain kami bigla kong nagsalita..Madie's POV
Kumakain kaming lahat ng biglang nagsalita si Blaine.
"Pwede bang maging tropa ko kayo?" Tanong nya samin. Pero kay Pau lang naman nakatingin hahahaha! halata masyado eh! Pero nagulat talaga kami sa sinabi nya. Di kami agad nakapag salita speechless ang mga lola nyo, lahat talaga kami nagulat kasi isang varsity player magiging tropa namin? Unbelievable di ba ?
"Oo naman." Sabi ni Bernz, ayy! Grabe sya... Sya talaga sumagot ng tanong ni Blaine. Ehh sa pakiramdam ko parang ang gustong sumagot ni Blaine sa tanong nya ay si Pau. Malakas talaga kutob ko eh! Na may gusto si Blaine kay Pau. Ang ganda kasi ni Pau eh! Mabait pa. So yun pumayag na kaming lahat na makipag kaibigan samin si Blaine di naman masamang makipag kaibigan samin sya. Atsaka mabait naman yun tao eh! Abnormal nga lang minsan. Pero feeling ko talaga magkakatuluyan tong dalawa na to hihihi! May love team na kami pag nagkataon. Muse namin si Pau tsaka varsity player naman si Blaine. Perfect couple talaga eh! Ka inggit sana mahanap ko na din si forever ko hahaha! malay mo nandiyan lang pala sya sa tabi tabi di ko lang napapansin. Kaya forever paramdam kana inaantay lang kita dumating.A/N: Guys thank you sa magbabasa at patuloy na nagbabasa ng story ko. Sana nagustuhan nyo yung update ko. Please leave a vote,comment and i-share nyo na din po sa mga friend's niyo. Thank you, mwuahh. Lab Lab ko kayong lahat guys.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
Teen FictionRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...