Dedicated to: Lefeapanda
Madie's POV
Maaga ako pumasok ngayon syempre intrams eh hahaha! Naka P.E uniform ako eto kasi ang napag desisyonan na suotin tapos suot namin ung t-shirt na pinatatak namin. Ang name na nakasulat sa likod ko ay Smith tapos yung number 02. 02 favorite kong number nuh! Wag nga kayo jan. Kung ano ano iniisip nyo tsaka birthday ko yun kaya favorite ko. So eto na nga ako malapit na sa gate 6:30 pa lang pero andami ng studyante malamang magsisipasukan yun ng maaga intrams eh hahaha! Pagpasok ko pa lang sa gate nakita ko na sila Pau. Pano ba naman nasa gate ang mga to dinaig pa yung guard.
"Madie!." Masayang bati sakin ni Pau at niyakap ako. Niyakap ko naman sya pabalik.
"Ano? Tara na sa gym nandito na si Madie eh." Sabi ni Angelo.
"Tara." Aya naman ni Joan at naglakad na nga kami papuntang gym ng harangin kami nila Bernz.
"San kayo pupunta?" Tanong samin ni Bernz.
"Sa gym." Sagot naman ni Jayson.
"Sabay sabay daw yung mga magkakaklaseng pupunta dun tsaka dapat daw naka pila sabi ni Ma'am Del Rosario." Paliwanag ni Bernz. At sinunod nga namin yun at pumila ng by height. Teka by height nga ba o by friends. Hihihi! Huwag kayo magulo di naman halata. Pumunta na sa unahan si Pau at Blaine sila kasi ang muse at escort namin sa room. Bagay na bagay nuh! Maganda si Pau pogi naman si Blaine. So yun nakarating na kami sa gym ang dami ng tao. Maya maya lang nagsalita na si Sir Valdez yung principal namin blah blah blah... Hindi ako nakikinig eh! Nakakabagot lang hahaha! Sa wakas natapos na din ang speech nya. At kami ay makakapaglaro na. Isang linggo kasi tong intrams namin eh! Kaya sulit na sulit. May dala nga pala kong badmenton, di ko pa nga pala na sasabi sa inyo na magaling ako maglaro nito di nga lang halata sakin. Tsaka wag nyo lang ako pababayuhin di pa ko sanay nun minsan ko lang magawa yun bilang lang sa kamay ko hahaha! Hindi kasi ako masyadong sporty na tao sa pagbabasa magaling ako hehehe! Doon maaasahan nyo ko hahaha! So back to the reality. Magpapalista na kami ni Pau ng biglang."Magpapalista kayo sa badminton?" Tanong samin ni Cristine o CJ yung classmate naming tibo.
"Oo sana." Sabi ko.
"Naku! Di kayo makakapag palista ang dami na eh! " sabi nya.
"Eh pano yun. Kelangan natin ng pirma." Sabi ni Pau.
"Ako nga din eh! Walang pirma sa badminton." Sabi nya samin.
"Ay ganon. Edi masaya pare parehas tayong mapapagalitan hahaha!" sabi ni Pau at nagtawanan kami. Umalis na kami dun para puntahan yung iba.
"Di kami nakapagpalista puno na daw eh!" Sabi ni Pau.
"Ako nakapagpalista ko sa volleyball girls." Sabi ni Joan.
"Talaga? Panunuorin namin yan." Sabi ko.
"Anong oras ba?" Sabi ni Pau.
"Bukas daw ng hapon eh!" Sabi ni Joan.
"Sige sige manunuod kami. We're here to support you FIGHTING." Sabi ko.
"Kami naman nakapagpalista na kami sa basketball." Sabi ni Blaine.
"Naks naman siguraduhin nyong panalo tayo ah!" Sabi ni Pau.
"Oo naman basta manunuod kayo ah?" Sabi ni Blaine.
"Oo naman kayo pa malakas kayo samin eh!" sabay sabay namin sabing tatlo. Oh di ba proud na proud kami sa mga friendship namin. Supportive GIRLFRIENDS ata kami. Oy! Huwag nyo ma miss interrupt yung "GIRLFRIEND" thingy it just BABAENG KAIBIGAN inenglish ko lang po. Huwag kayong ano diyan! So yun inintay lang namin maghapon at tumakbo na kami sa 100 and 200 meter dash. Oh di ba naging runner pa kami ngayon. Ito lang kasi yung kaya ko hehehe! Eh kung hindi nga lang to project sa MAPEH di ko gagawin to nuh! Ang habol lang namin dito yung pirma ng mga teacher. At pagkatapos ko dun meron na kong dalawang pirma. Okay na yan hahaha! napagod ako dun grabe. Nagpahinga lang kami sa room tapos maya maya lang naglaro kami badminton salit salitan kung sino ma out hehehe! Syempre ako di pa ko napapalitan ang galing ko kaya dito."Ang galing mo pala sa badminton Madie, bat hindi ka sumali??" Tanong sakin ni Reselyn.
"Ehh..anong magaling ka jan marunong lang ako tsaka di ko kaya bumayo kaya di na ko sumali sa badminton." Paliwanag ko sa kanya.
"Eh pano yung pirma?" Sabi nya sakin.
"Yung pirma? Dalawa na pirma ko tumakbo ako eh!" Sabi ko at pinakita ko sa kanya yung card ko.
Matapos nun mga 5:00 ng hapon naisipan ko ng umuwi kaya tinawag ko na si Shena kasabay ko kasi syang umuwi parehas kasi kami ng village eh! Di ko na hinanap yung mga yun tinext ko na lang sila na umuwi na ko hehehe!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019
JugendliteraturRank: #357 in Teen Fiction (06/03/18) Rank: #720 in Bestfriend (5/11/18) Rank: #7 in Trial Category (11/02/18) Rank: #4 in wopawards2018 (10/28/18) Rank: #1 in PSICOM (11/28/18) Rank #2 in Varsity Category (12/15/18) Rank: #14 in Book Club (04/08/19...