CHAPTER 81: I fell Inlove With My Bestfriend

1.8K 48 3
                                    

Madie's POINT OF VIEW

Nagising ako sa ingay.

"Ayaw nga nya niyan!" Sabi ni Blaine.

"Sus! Gusto niya to." Sabi naman ni Basty.

Hindi ko na napigilan na magsalita, hindi ako makatulog sa boses nila.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Hindi ako makatulog." Sigaw ko.

"Madie!" Sigaw nilang dalawa at biglang yumakap sakin.

"Madie na miss kita." Sabi sakin ni Basty.

"Boss sobrang na miss kita." Sabi naman ni Blaine.

"Ramdam ko nga eh! Baka puwede layo na kayo sakin, hindi na ko makahinga eh!" Sabi ko sa kanila at agad naman nila akong pinakawalan. Salamat naman nakahinga na ako.

"Sorry." Sabay pa nilang sabi.

"Pero na appreciate ko sobra yung pag dalaw nyo sakin." At ngumiti sa kanila.

"Ikaw pa ba?" Sabi ni Basty.

"Syempre aalagaan kita este kaming dalawa." Sabi naman ni Blaine, ang sweet. Mabuti yung ganito, hindi sila nag-aaway.

"Sana ganyan na lang kayo lagi, yung hindi nagbabangayan." Nakangiti kong sabi sa kanila. Umiwas naman sila ng tingin.

"Madami ba tayong ginagawa?" Tanong ko.

"Wala naman, tsaka huwag mo munang intindihin yun magpagaling ka muna ha!" Sabi sakin ni Basty. Buti naman akala ko naman madami na kong hahabulin.

"Opo magpapagaling ako, tsaka ayoko na dito nuh!" Sabi ko sa kanila.

"Anong oras na bakit di pa kayo umuuwi?" Tanong ko nanonood kami ng 24 oras ngayon eh.

"Napag desisyunan namin na salit salitan yung pagbabantay namin sayo because tita is so busy right?" Sabi ni Basty.

"Tama ka." Sabi ko, yeah busy kasi si mameh! Buti na lang talaga may mga bestfriend ako na sobrang caring sa akin.

"Ngayong gabi si Blaine ang magbabantay sayo, so aalis na ko. Bye Madie kitakits bukas." Sabi ni Basty at kiniss ang noo ko.

"Sige ingat." Sabi ko.

"Pagaling ka ah! Pre ikaw na bahala sa Prinsesa ko." Sabi ni Basty kay Blaine.

"Sige pre, aalagaan ko si Boss huwag ka mag-alala."

Kaming dalawa na nga lang ni Blaine ang naiwan.

"Ano gusto mo panoorin Boss?" Tanong nya.

"Ahm.. channel 2 na lang." At linipat nga nya sa channel 2.

"Hindi ba pupunta dito sila mama?" Tanong ko.

"Hindi ata? Bakit?"

"Parang gusto ko ng lugaw eh!" Sabi ko.

"Wait lang." Akmang tatayo na siya nung pigilan ko siya.

"Huwag! Huwag kang aalis, Huwag mo ko iiwan." Naiiyak kong sabi kaya lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Shhh.. Huwag ka umiyak, di na ko aalis promise." Sabi sakin ni Blaine kaya napangiti ako.

"Gusto ko na lang uminom ng fresh milk at kumain ng red ribbon cake." Sabi ko, binuksan niya ang ref at ibinigay sa akin ng gusto kong kainin.

"Oh kumain kana ah! Nang maka inom ka na ng gamot mo, para makatulog kana." Sabi sakin ni Blaine. Kinain ko na yung bigay niya sakin.

"Yan kumain ka ng kumain para mabawi mo na yung lakas mo." Sabi niya.

Pagkatapos kong kumain, pinainom na ako ni Blaine ng gamot. Nanood kami ng Hwayugi, ngayon ko lang mapapanood to eh! Maganda pala, akala ko pangit.

"Boss naiihi ako." Sabi ko sa kanya. Tumayo naman sya agad at inalalayan ako makababa.

Kaunti lang ang pagsarado ko ng pinto kasi nasa pinto yung dextrose ko. Pagkatapos ko umihi ay tinawag ko na si Blaine.

"Boss tapos na ko." Sigaw ko at agad naman siyang lumapit.

"Nakapag buhos ka na ba?" Tanong sa akin ni Blaine.

"Yes." at pinahiga na niya ako sa kama ko.

"Inaantok kana?" Tanong nya sakin.

"Opo." Sabi ko.

"Sige papatayin ko na yung tv para makapag pahinga ka na." Lumapit siya sakin at hinalikan ang noo ko sabay inilagay niya ang kanyang palad sa noo ko. Para malaman kung may lagnat pa ko.

"Buti naman mababa na yung lagnat mo. Goodnight, sleep well boss." Sabi nya sakin at pumunta na sya sa sofa.

Ipinikit ko na ang aking mga mata para makatulog na ako. Umuulan ngayon sobrang lakas may kasama pang kulog at kidlat.
Hindi ako makatulog, pinikit ko ulit ang aking mga mata at muli ko itong naidilat dahil may mga boses akong naririnig. Pinipilit kong makatulog pero kung ano anong naririnig ko. Sabayan pa nito ang lakas ng ulan at kulog.

"Blaine! Blaine!" Tawag ko sa kanya dahil hindi talaga ako makatulog. Kahit anong gawin kong takip sa tainga ko patuloy ko pa din itong naririnig.

"Bakit boss? Ano problema? May masakit ba sayo? Naiihi ka ba?" Tanong nya.

"Hindi kasi ako makatulog, pwede bang mag play ka ng music para lang makatulog ako?" Tanong ko.

"Oo naman.. wait lang ah!" Sabi nya at inusod nya yung sofa palapit sa kama ko. I feel safe na kasi alam ko na hindi ako iiwan ng lalaki na to.

Blaine's POINT OF VIEW
Now Playing: Best Friend
By: Jason Chen

Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
Back when we were so innocent

Ang ganda nyang pagmasdan habang natutulog. Ang ganda ng lyrics, sana napapakinggan nya din to ngayon. Feeling ko sya na talaga yung makakasama ko sa pag tanda at sana ganoon din sya sakin.

I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me (I must be dreamin')
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my best friend

Through all the dudes that came by
And all the nights that you cried
Girl, I was there right by your side

How could I tell you I loved you
When you were so happy
With some other guy?

Oo inaamin ko na inlove ako sa bestfriend ko. Kaso paano ko aaminin eh ang daming umi epal sa aming dalawa. Kapag masaya o malungkot sya lagi lang akong nasa tabi nya para pagaanin, sakyan yung mga trip nya at para makalimot sya sa mga taong nanakit sa kanya. Lalo na sa lalaking iniyakan nya, nandoon ako para damayan siya. Paano ko naman ipaparamdam sayo na mahal kita kung sa iba masaya kana?

Sana kapag aamin na ko sayo, sana hindi mo ko iwasan. Ipaglalaban na kita. Hindi na kita pakakawalan pa, ipinapanalangin ko na sana ma inlove ka sakin para hindi
kana masaktan.
I fell inlove with my bestfriend.
I fell inlove with you Sierra Madison Smith.
I hope you too.

The Heartthrob and The Varsity Player #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon